We're in the middle of discussion when a student interrupt our class.
"I'm sorry for interrupting, Ma'am. Pinapatawag po si Flora Grace sa Guidance, kakausapin lang daw po siya," Did I hear it right? Hindi ba ako nabibingi?
"A-ako?" Paninigurado ko, baka kasi mali lang ang pagkakarinig ko!
"Malamang, ikaw! Ikaw lang naman ang Flora Grace dito," I turned my gaze on Nick that is sitting beside me.
"Shut up, malay ko ba."
Pumayag naman si Ma'am Santos, excused naman daw ako dahil baka importante ang sasabihinn ng Guidance Counsilor. If ever naman daw na magbigay siya ng quiz ay hahayaan niya akong mag-take kapag may time.
"Ah, you're the president of the Student Council, right?" Tanong ko sa lalaking kasabay ko papaunta sa G.O, hindi ko alam bakit ihahatid niya pa ako roon.
I know him, namumukhaan ko siya pero hindi ko alam ang pangalan niya. How ironic, I'm a student council officer pero hindi ko alam ang name ng president namin.
"Y-yes, why?" What's wrong with this boy? Nauutal pa, parang mahiyain. He's wearing an eyeglasses, pero masasabi kong maitsura siya. Matalino 'to, sigurado ako.
I smiled at him. "Wala lang."
Nang makarating kami sa Guidance Office ay tinanguan ko lang siya at pumasok na ako sa loob. Pagpasok na pagpasok ko ay nakita ko agad si Miss Nathalia na salubong ang kilay, masama rin ang tingin niya sa'kin. Bigla akong kinabahan, did I do something wrong?
Si Ma'am Zafra ang dating Guidance Counsilor. Sa kasamaang palad ay nag-retire ito dahil naaksidente ang anak niya at hindi na ito nakakalakad, mas gusto niya raw na alagaan ang anak niya. Kaya si Miss Nathalia ang pumalit sa kanya.
Miss Nathalia is still young, she's in her 20s. She's gorgeous, para siyang may lahing foreigner because of her features, mukha talaga siyang mataray. Strikto siya at parang laging galit. Palibhasa ay twenty-seven na ay wala pa ring jowa, joke.
"Good morning, Miss," bati ko rito, tinitigan niya lang ako. She didn't answer me!
"Do you know what is the reason why I want to talk to you?" Seryoso niyang tanong sa'kin, umiling naman ako agad.
I don't have any idea! Wala akong naalala na nakipag-away ako, halos dalawang buwan na rin. Hindi naman ako pinapakelam ng epal kong classmate na si Adrian kaya hindi ko siya nakakaaway.
"Are you kidding me? You know the rules here in our school, right?"
"Yes po, Miss."
She stared at me, she's mad at she seems disappointed. But why?
"Many students heard you cuss yesterday! At nasa hallway pa kayo nang magmura ka. Akala mo ay hindi ko malalaman?" She's raising her eyebrow right now. Para doon lang? I know, cursing is not allowed! Pero parang ang big deal naman.
At, sinong magsusumbong? Marami din namang students na nagmumura pero bakit parang ako pa lang ang pinatawag?
Narinig kong bumuntong hininga siya. Tumayo siya, umikot-ikot siya sa loob ng Guidance Office, parang stress na stress siya. Parang masyadong big deal naman nang ginawa ko. Hmp
"Then, why did you cussed? At marami ang nakarinig noon, you're a senior student, you should be a good role model to your youngers!" Napakislot naman ako sa sigaw niya. Kailangan talagang sumigaw?
"S-sorry, I was carried by my anger. Hindi na po mauulit." Sabi ko habang nakayuko.
"Dapat lang! Student council officer ka pa naman, tapos ganyan ang asta mo. I know you have a good performance on your academics but that doesn't mean that I will tolerate that kind of attitude!" Sunod-sunod ang pagtango ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Hope In The Midst Of Agony (ON-GOING)
RomansaFlora Grace Bautista came from a poor family, yet she's still grateful about it. She has loving parents that every child asked for. But, the world became cruel to her. She became an independent, strong woman. She doesn't have that many friends but s...