Chapter One

85 8 5
                                    

I woke up when I heard the sound of my cellphone, so I got up and looked at the cellphone, Sabrina was calling.

"Ang aga aga naman mang-istorbo nitong si Sabrina!" Maktol ko pero sinagot ko rin naman ang tawag.

"Grace! Good morning!" malakas na sigaw nito sa kabilang linya kaya agad kong nilayo ang cellphone sa tainga ko, aray, nakakabingi.

"Walang good sa morning, Sab. Lalo na at inistorbo mo ang tulog ko, at saka don't call me Grace, ang baduy pakinggan!" Narinig ko naman ang malakas niyang pagtawa.

Nakakaasar, tatawag nang sobrang aga, alas kwatro pa lang, tapos mukhang mang-aasar lang naman! I hate being called Grace, it reminds me of my parents. They used to call me Grace, because for them, I was a blessing. Pero nagbago lahat ng 'yon dahil kay papa. Aish! Ang aga aga, naiiiyak na naman ako.

"Badtrip na badtrip lang, bhie?"

"Oo, bwiset ka! Mang-aasar ka lang naman pala, sana hindi ka na lang tumawag, naaantok pa ako, Sab," mahina lang ang pagkakasabi ko non pero alam kong narinig niya dahil sa mahinang pagtawa niya. Ang saya ah? Sana all.

"Ouch! Grabe ka ha? Ayaw mo ba marinig ang magandang boses ng iyong bestfriend? Sige ka, hahanap ako ng ibang bestfriend!"

Parang timang, siya na nga 'tong nang-aasar eh, siya pa yata mapipikon. Pero kahit ganyan 'yan, mahal ko 'yan. She's the only family I have.

"Pero ito na nga, Flora! Pupunta na ako diyan sa Manila next week! Magkikita na tayo!"

Ang kaninang antok na nararamdaman ko ay napalitan ng saya. Finally, may makakasama na ako rito sa Manila, ang lungkot kasi eh, dahil 'tong bruha kong kaibigan ay nasa Mindoro pa, kaya ako lang talaga mag-isa rito. Wala rin naman akong ibang kaibigan, hindi ko lang feel na magkakaroon ako ng maraming kaibigan dito, plus, I don't need many friends.

Kung sa iba ay gustong gusto na meron silang squad, ako ay hindi! Yung iba kasing may squad, eh nagsisiraan at nagplaplastikang lang din naman, nag-aaway dahil sa lalaki. That's based on what I notice and what I see.

"Sure na 'yan, Sab ah? Para may kasama na ako rito, hays ang boring kaya! Kapag nasa Eastwood High naman ako eh ganon pa rin, wala nga akong masyadong nakakausap kahit sa mga classmates ko, ang sasama ng tingin," kwento ko kay Sabrina, tumawa na naman siya.

Noong pagpasok ko sa Eastwood High ay hindi na ako nag-expect ng magandang pag-welcome sa'kin. Kasi, sino ba naman ako? I'm just a new student at isa pa, galing ako sa Mindoro, maraming nag-aaral na mayayaman sa Eastwood High, mga spoiled brat. Kaya naman unang araw ko pa lang sa eskwelahan non ay napaaway agad ako! Mga feeling mean girls, eh sa movies lang naman nakakatakot 'yon. Iw, mga trying hard.

"Inggit sa ganda at talino mo, bes! Haha! Hayaan mo na lang, kasi kapag naka-transfer na ako diyan sa Eastwood ay sabay nating aawayin 'yung mga nang-away sa'yo dati. How dare them messed with my bestfriend!" Ani Sabrina at nagpakawala nang malakas na tawa. Natawa na lang din ako sa kapraningan ni Sab.

Pagkatapos ng ilang minutong pag-uusap ay nagpaalam na siya na aalis sila dahil may aasikasuhin sila, dahil nga lilipat na rin siya dito sa Manila. One week, okay, one week na lang ang hihintayin ko at makakasama ko na ulit si Sabrina. I missed her so much, she was there for me when I had a breakdown because of the death of my mother. She was always with me, through thick and think, she's like a sister to me, kaya hindi ko kakayanin kung pati siya ay mawala sa'kin.

Okay! So much drama for this morning. Tiningnan ko kung anong oras na, mag-aalas singko na nang umaga, kailangan ko nang kumilos. 8 am ang pasok ko, pero maaga talaga akong gumigising. Nagluluto pa kasi ako para sa lunch ko, kasi hindi ko naman afford ang bumili nang bumili ng pagkain sa cafeteria namin. Although, I'm studying at a public school, magandang eskwelahan naman siya, magandang ang facilities at pamamalakad, ang problema lang naman ay 'yung ibang students.

Hope In The Midst Of Agony (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon