Chapter Twenty

24 4 0
                                    

The picture of them kissing had a big impact on me. Pumapasok ako sa school pero lagi lang akong tahimik, laging tulala. The teachers frequently asking me if I'm okay, I always tell them yes. Laging sinusubukan ni Nick na aliwin ako, kinakausap niya ako lagi at pinapatawa, but his efforts seems useless, because no matter how hard he try, he couldn't make me feel better.

I feel sad for Nick, he's doing everything and he's giving his best to make me smile, pero walang epekto.

On the other hand, Aiden kept on calling and texting me every hour, but I always ignored him. Araw-araw niya rin akong sinusundo at hinahatid pauwi. Alam kong nagtataka siya sa mga ikinikilos ko pero pasalamat ako dahil hindi niya naman ako kinukulit.

"Hindi mo pa rin hinihiwalayan, ano? Nakikita kong nagkakasama pa rin kayo," I was brought back to daze when I heard Sabrina's voice.

I remained silent, ignoring her words. Bagsak ang balikat kong pumasok sa kwarto at sumalampak sa kama. I don't want this. I've never been miserable like this.

"Magpaka-martyr ka lang, Flora. Magtiis ka lang sa ganyang sitwasyon, pahirapan mo pa ang sarili mo. Ilang araw ka pa bang tutulala at iiyak?" I can sense hostility in her voice.

"Ano? Hindi mo ako sasagutin? Do you became mute? Flora, gustong-gusto kitang tulungan, nalulungkot din ako na nakikitang kang ganyan. Parang wala ka sa sarili, umayos ka naman! Masyado kang nagpapaapekto sa halik na 'yon."

Bumangon ako at umupo. I grasped for air before I opened my mouth to answer her.

"Do I look pitiful?" Tanong ko sa kanya habang tinuturo ko ang sarili ko.

She didn't answer me, her eyes is on the floor.

"Tell me what should I do, Sabrina. Dapat ba akong magpakasaya? Mag-party? Inaamin kong masyado akong naapektuhan, oo, halik lang 'yon pero Sab...boyfriend ko 'yon eh, boyfriend ko 'yung nakikipaghalikan sa ex niya! Paanong hindi ako maapektuhan?" I remarked, I'm already on the verge of crying so I bit my lips to prevent the tears from flowing.

Umiling-iling siya at tumabi sa'kin. Hinaplos niya ang mukha ko.

"Hindi sa ganon, ang akin lang ay ayusin mo ang sarili mo. You look devastated and I'm hurt because I couldn't do anything to help you. Ilang araw ka nang ganyan at nag-aalala na ako sayo. It might affect your grades. Loosen up. There are better things ahead of you, don't lose hope," mangiyak-ngiyak na sambit niya, may kung anong tumusok sa puso ko sa sinabi ni Sabrina.

Para akong nagising, doon ko na-realize na hindi tama ang ginagawa ko. Bigla akong nag-alala sa grades ko, ayokong bumagsak. Lately, hindi maganda ang performance ko sa acads dahil lagi akong tulala, pumapasok ako pero hindi nakikinig sa teachers.

Naalala ko rin na malapit na ang School Fair at may meeting kami bukas. Kailangan ko na nga talagang maayos ang sarili ko. I should be stronger. Hindi ko na dapat hayaang lamunin ako ng lungkot. I'm better than this.

Yumakap ako kay Sabrina. "I'm sorry for being stubborn and for making you worried. Hindi na 'to mauulit. Mas magpapakatatag na ako."

I saw how her lips curved and formed into a big smile. Pinunasan niya ang mga luha ko.

"That's my bestfriend. Luto muna ako, magpahinga ka muna. Rest your mind, pagkatapos may gagawin tayo."

"Anong gagawin?" I curiosly asked.

"Mag-uunwind, para mabawasan ang bigat na nararamdaman mo. May meeting tayo bukas, at magsisimula na ang preparations para sa School Fair. Kailangan makapag-focus ka," nakangiti niyang saad kaya tumango naman ako sa kanya at sinenyasan siyang pumunta na sa kusina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hope In The Midst Of Agony (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon