Chapter Eleven

22 2 2
                                    

"Hoy, Flora! Parang awa mo na, i-mute mo nga 'yang cellphone mo, ang ingay ingay," hindi ko mabilang kung pang-ilang reklamo na 'to ni Sabrina.

Aiden is calling me for 20 times, but I kept on ignoring his calls. Bahala siya diyan! Nakakainis siya. Pagkatapos niyang makipag-date sa ibang babae, kukulitin na naman niya ako?! Ang galing naman niya.

"Sino ba kasi 'yan? Ako na nga ang sasagot!" Inagaw ni Sabrina ang cellphone ko at napanganga nang makita ko sino ang tawag nang tawag.

Hinampas niya ako "Gaga ka! Tumatawag 'yung bebe mo! Bakit hindi mo sinasagot?"

"Hindi ko 'yan bebe, hayaan mo na nga lang diyan 'yan, wag mong sasagutin," tumalikod ako at humarap sa salamin.

Tiningnan ko ang buong mukha ko, ang ganda ganda ko para lokohin! Thick and long eyelashes, pointed nose, red lips, yes! Natural na red ang lips ko, makapal din ang kilay ko, I have this brown wavy hair na bumagay sa balat ko. Malabo siguro ang mata ni Aiden kung talagang niloloko niya ako!

"Anyare? Mukhang magkaaway kayo!"

"Hindi, Sab. Naiinis lang talaga ako sa kanya, nakita ko kasi siya nung isang araw, may kasamang babae! Sabi niya busy siya, busy nga talaga! Busy sa iba!" Padabog akong umupo at ininom ang kape.

Tumabi sa'kin si Sabrina habang kumakain ng tinapay. Nakakunot ang noo niya at pinagkrus ang mga braso.

"Ano?! May kasamang ibang babae?! Aba, hinayupak! Boto na sana ako sa kanya! Nasaan ba 'yon, susugurin ko lang! Tangina ah!" Pulang pula na ang mukha ni Sabrina, hinawakan ko ang pulso nito at hinila.

"Bakit parang mas apektado ka pa sa'kin, Sab? Gigil na gigil ka ah, kalma ka muna diyan," natatawang saway ko, grabe kung maka-react!

"Kalma? Flora, wag mong hahayaang lokohin ka lang ni Aiden! Nako! Kung hindi mo kayang sugurin 'yon, ako ang susugod para sa'yo!"

Tinawanan ko lang ito, sinilip ko ang cellphone ko at hindi na siya tumatawag. Pero napakaraming message! Ang kulit din talaga.

"Baby? Is there a problem?"

"May nangyari ba diyan? Miss na kita, busy ka ba? Hindi mo sinasagot ang tawag ko."

"Are you mad at me? May nagawa ba akong mali? Please, answer my call, pag-uusapan natin 'yon."

"I miss your voice, I miss you."

"Pupuntahan kita diyan, nag-aalala na ako sa'yo."

"Good morning, btw. Eat your breakfast na baby, I love you!"

AAAAAAA shuta, bakit ang sweet? Flora, galit ka sa kanya, remember? Wag kang bibigay, bawal ang marupok dito!

"Oh, bakit ngingiti-ngiti ka ngayon? Bati na kayo? Agad-agad? Napakarupok," hinampas pa ako ni Sabrina kaya napa-aray ko.

"Baliw, hindi pa kami bati. Pupunta raw siya dito! Kaya diyan ka muna, maliligo lang ako!"

Akmang pupunta na ako sa cr ng hablutin ni Sabrina ang braso ko. Napatingin naman ako sa kanya, nakataas ang kilay nito.

"Akala ko ba naiinis ka? Bakit nagmamadali kang maligo? Excited ka makita si Aiden?" Natawa naman ako sa reaction nito.

Kinurot ko ito sa braso, "Hindi ako excited no! Maliligo ako, syempre kasi may dadating! Kahit naman naiinis ako ron, hindi pwedeng dugyot ako tingnan!"

Tumakbo ako papuntang banyo dahil ayokong pigilan pa ako ni Sabrina na maligo. Totoo naman kasi, naiinis pa rin ako sa kanya, hindi naman niya ako madadala sa mga messages niya.

"Sus, dami mong reasons! Ayaw pang aminin na magpapaganda kasi dadating ang kanyang gwapong suitor pero manloloko!"

"Tangina ka!"

Hope In The Midst Of Agony (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon