Chapter Twelve

18 5 3
                                    

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong niyuyugyog ako ni Sabrina. Iminulat ko nang bahagya ang isa kong mata, malaking ang ngiti ni Sabrina.

"Sab, ano ba, naaantok pa ako, doon ka muna!"

"May i-chi-chika ka pa sa'kin babaita! Anong nangyari sa pagpunta ni Aiden? May nabuo na ba? Magiging ninang na ba ako?" Nakangiti pa rin ito nang nakakaloko. Nawala tuloy bigla ang antok ko!

Hinampas ko nga siya, napa-aray siya pero kinurot niya ang singit ko kaya bumangon ako. Kahit kailan talaga, istorbo sa tulog! Karatehin ko kaya 'to? Kiniliti-kiliti niya naman ako kaya kinuha ko 'yung unan at hinampas siya.

"Ano ba, Sab! Para ka namang tanga!"

"Pere keng tenge! Sus, nakita ko kayo naghahalikan, gaga ka, sumilip kaya ako n'on, nakakandong ka pa kay Aiden! Na-feel mo ba 'yung ano niya?"

Putangina, my innocent mind!

"Hoy, ewan ko sa'yo! Hindi ko alam 'yang pinagsasasabi mo! Tabi nga diyan, magkakape na ako, nawala tuloy antok ko 'eh," papunta na ako sa kusina pero hinila niya ang short ko, muntik pang makita 'yung panty ko!

Nakaupo siya sa kama at panay ang ngiti sa'kin nang nakakaasar. Inirapan ko siya, pero imbes na manahimik ay lalo lang lumalaki ang ngiti.

"Nakakaasar 'yang ngiti mo, Sab! Hindi pala bagay sa'yo na lagi kang nakangiti, panget mo," binelatan ko siya.

"Bruha ka! Hindi porket nahalikan ka 'eh pwede mo na akong maliitin! Porket fresh ka, tapos ako natutuyot na, nakakapanghina pala kapag walang dilig," kunwari pa siyang natumba pero tumayo rin agad at tumawa. Abnormal.

"Pokpok ka talaga."

Tinawanan niya lang ako, hinanap ko 'yung cellphone ko para magpa-music muna. Biglang may nag-notif sa email ko kaya binuksan ko 'to.

"Congratulations, Flora Grace Bautista on your exams! All of your scores were perfect! And because of your excellent performance on your exams, we have a gift for you!"

Napatalon ako nang mabasa ko ang email galing sa adviser namin! I'm so happy! I passed the exams! So, it means, I'm still a top student! Ikwe-kwento ko agad kay Aiden, sigurado akong matutuwa rin 'yon.

"Uy, Flora! Bakit nakangiti ka diyan? May long sweet message ba galing sa bebe mo?"

"Baliw, ang jeje naman. Pumasa ako sa exams, Sab! Perfect lahat ng scores ko!" Nanlaki naman ang mata ni Sabrina kaya napatalon din siya at yumakap sa'kin.

Pumapalakpak siya habang nakangiti, hindi ko rin mapigipang mapangiti. Kahit may hindi magandang nangyari sa'kin, may kapalit naman 'yon. God is really good.

"Congrats, Flora! I'm so proud of you since day one! Ano pang hinihintay mo? Magpa-party ka na!" Nakaupo siya at nakadekwatro.

"Wag na, gastos lang 'yon. Malapit na rin ang birthday ko kaya hindi ko pwedeng gastusin 'yung ipon ko," wika ko at nagtimpla na ng kape. Naalala ko, papasok na pala ulit ako sa Delightful Dining, halos dalawang linggo rin akong hindi nakapasok. Sana lang, wala ron mamaya si Sir Brysen.

Naligo ako at nagbihis ng sleeveless dress at nagsuot lang ako ng flat sandals, hinayaan kong ilugay lang ang buhok ko, inilabas ko rin ang bangs ko na lagi kong iniipit ng hair clips.

"Wow ha, ang blooming mo ngayon! Saan punta mo?" Bungad sa'kin ni Sabrina nang makita niya akong palabas ng pintuan.

"Sa school, pinapapunta ako para gift daw," tumango lang siya sa'kin kaya nagpaalam na ako at sumakay na ng jeep.

Pagkababa ko ng jeep ay itinext ko agad si Aiden.

"I passed the exams! I maintained being a top student, and I'm here at Eastwood High for my gift."

Hope In The Midst Of Agony (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon