Chapter Nineteen

19 3 5
                                    

"Stop frowning, aga aga!" Inilapag ni Sabrina ang uniform sa Delightful Dining kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Where did you get that?"

"Sa manager niyo, I guess? The handsome Brysen, yeah right," I almost choked when he said handsome.

"Panget ng taste mo," I jokingly said and she gave me a death glare which made me laugh a bit.

Itinuon ko ulit ang paningin ko sa uniform namin. Ano namang ginawa ni Sabrina at binigyan siya ng uniform? Is she planning to work there too?

"Sabrina, magtratrabaho ka rin?"

She raised her eyebrow and she smirked. "Ano sa tingin mo?"

"Psh, nagtatanong lang! Kung makapag-inarte. Ganda ka, girl?" Saad ko kaya napairap naman siya.

"Oo! Babantayan kita roon! Joke. Gusto ko lang magtrabaho kasi nakakahiya naman kila Mama, masyado nang malaki ang binibigay nilang allowance sa'kin," she answered.

"Hmm. You're so kind naman, that's a nice idea! Plus, makakasama rin kita roon!" I exclaimed.

Baka naman tantanan na ako ni Sir Brysen kapag magkasama kami ni Sabrina. She's a protective friend, kapag alam niyang ayaw ko, hindi niya rin nagugustuhan.

"You told me that Sir Brysen likes you, right?"

I just nodded and I gave her a questionning look.

"Bakit hindi mo siya nagustuhan? I mean, I won't deny it, he has the looks, he's hot, wealthy, and he's kinda nice. So why you turned him down?" Bakas ang panghihinayang sa boses ni Sabrina, napaawang naman ang labi ko.

I can't believe this. Sabrina is complimenting that bastard. Ngayon lang 'yan, Sabrina. Kapag nalaman mo ang ugali non, ewan ko na lang talaga.

"Nah. He can't even turned me on. Why? Don't tell me, siya 'yung sinasabi mong nagugustuhan mo?!" Sigaw ko pa, namula naman siya pero tumawa rin.

"Hell no! Grabe ka, hindi ko type 'yon!"

I laughed loudly. "But, yeah. You're right, the first time I saw him, I was stunned by his looks. But when he confessed to me and he claimed himself as my suitor, na-turn off ako. I told him that I don't like him, nilinaw ko sa kanya 'yon and I even said sorry. Pero talagang makulit siya and he can't respect my decision so malaking NO."

Napahawak pa si Sabrina sa baba niya at tumango-tango. Magsasalita pa sana siya nang mag-ring ang cellphone ko kaya nagmamadali akong tumakbo papunta sa kwarto para kunin 'yon.

"Aiden! Napatawag ka?" Bungad ko sa tawag, it's too early. It's just almost 6AM in the morning.

"You don't want me to call you? Sige, ibaba ko na ang tawag ko," mahihimigan ang tampo sa boses nito kaya naman natawa ako.

"Wala akong sinabing ganyan."

"Can we go out? Na-miss kita," He said softly which made me giggled. Ang landi ko talaga.

"Kasama pa lang kita kahapon ah, miss mo ko agad? Pero, sure. Hindi ko tatanggihan ang isang Aiden Castro!"

"Thank you, baby. So, sunduin na lang kita ha?"

"Okay. Take care!" Sagot ko at ibinaba na ang tawag.

Malaki ang ngiti ko nang lumabas ako ng kwarto. Nadatnan ko si Sabrina na nagdo-doodle sa kanyang notebook. Boredom really strikes her hard, huh.

"Lalabas kami ni Aiden, maiiwan ka na naman dito. May gusto ka bang ipabili?" She stopped dooling at iniangat niya ang tingin niya sa'kin.

"Wala naman, thank you. Enjoy your date, sistah!" She smiled but there's something in her eyes that I couldn't point out. Her eyes looks sad? O baka naman feeling ko lang.

Hope In The Midst Of Agony (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon