Chapter Eight

27 4 3
                                    

"Alam mo dati, I was already contented watching you from afar, matagal na akong humahanga sa'yo, pero wala akong lakas ng loob para lapitan ka," kwento ni Aiden, nandito kami ngayon sa dating chemistry laboratory, ito na ang tambayan naming dalawa kapag may vacant time kami.

Kinilig ako bigla! Isang buwan na siyang nanliligaw sa'kin, wala pa namang ibang nakakaalam kahit si Sabrina, hindi naman ako nagsesekreto sa mga kaibigan ko, ikwekwento ko naman sa kanila, kapag handa na rin ako.

Hanggang ngayon pa rin kasi ay may part na gulat pa rin ako sa nangyayari! Mas naging close kami ni Aiden, lagi siyang nagkwekwento sa mga nangyayari sa buhay niya, ganon din naman ako. I told him about my family, naiyak pa nga ako non! Akala ko ay lalayuan niya ako pero niyakap niya lang ako at sinabing tanggap niya ako kahit hindi maganda ang background ng family ko. His hugs are the source of my energy, his arms are my comfort zone, and he's my home.

"Pero ang bait sa'kin ni Lord! Sobrang saya ko nung nagkita tayo sa sementeryo, hindi man magandang 'yung una nating pagkikita ay ayos na sa'kin 'yon. Kasi dati, sa malayo lang kita natatanaw, pero nung araw na 'yon, kitang kita na kita....abot kamay na," nakasandal lang ang ulo ko sa balikat niya.

"Crush na crush mo na pala ako noon! Torpe ka lang pala!" Pang-aasar ko sa kanya kaya kinurot niya ang pisngi ko.

"Oo na! Hindi mo naman kasi ako napapansin, kasama mo kasi lagi 'yung classmate mong lalaki na may pulang buhok, akala ko nga boyfriend mo, kaya I distanced myself, sabi ko, bawal na talaga. Wala na akong pag-asa. Pero mukhang masyadong pabor sating ang tadhana at nagkita ulit tayo," sobrang laki ng ngiti niya, hinawakan niya ang mukha ko, he kissed my forehead.

Lagi niya akong hinahalikan sa noo, kapag nagkikita kami, gumagala, at kapag hinahatid niya ako sa sakayan, he believes that forehead kisses are sign of respect. Hindi na kasi kami masyadong nagkakasabay sa pag-uwi ni Sabrina, ewan ko ba kung saan saan pumupunta 'yon.

"Selos ka kay Nick?" Panunudyo ko rito, nag-iwas naman siya ng tingin, pero dahan-dahang tumango. Tumawa tuloy ako nang malakas kaya napalingon siya sa'kin.

"Bakit ka tumatawa? Pinagtatawan mo ba ako kasi nagseselos ako sa lalaking 'yon?" Aniya.

I hold his hand, "Kaibigan ko si Nick, kaya mahilig kami mag-asaran, wala kang rason para magselos, dahil ikaw lang ang laman nito," nilagay ko ang kamay niya sa dibdib ko. Tumango siya habang namumula.

"Kinikilig siya! Haha! Wag ka na magselos, wala naman tayong label eh," he glared at me kaya napatawa na naman ako. My God!

"Ang sama mo, I have the rights to be jealous because I have feelings for you, Flora. My feelings are valid, kaya may label man o wala, aaminin kong, nagseselos talaga ako," seryoso niyang sabi habang nakatingin ng diretso sa mga mata, napalunok naman ako. Nagbibiro lang naman ako eh!

Nagagalit ba siya? I was just joking...okay. I shouldn't tell jokes like that! Kailangan mag-ingat ako sa mga bibitawan kong salita, I don't want to hurt him, but I think, I just did.

"Sorry."

He shook his head, "It's okay, baka isipin mong galit ako, pero hindi. Gusto ko lang malaman mo kung ano nararamdaman ko, at ikaw din, may karapatan ka ring magselos kahit wala pang tayo."

He's right.

Nag-usap pa kami tungkol sa paparating na exam, we planned to study together on his condo sa weekend, kasi next week, exam na. Pupunta ako sa condo niya ng alas nwebe ng umaga at uuwi ako ng hapon, dahil hindi niya naman ako mahahatid kaya ayokong magpagabi.

I mean, he offered to fetch me, pero I disagree. Ayokong magulat si Sabrina na may susundo sa'king lalaki tapos hindi niya kilala kung sino, hanggang hindi ko pa nakwekwento kay Sab ay ayoko muna magpahatid-sundo.

Hope In The Midst Of Agony (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon