Chapter Eighteen

23 3 2
                                    

Saturday.

Obviously, we have no classes. But I woke up early. It's currently 4:30 AM in the morning, hindi ko alam bakit maaga akong nagising. Maybe, I'm excited because I'll be able to see Aiden.

Wala pa naman akong magawa at dahil hindi naman na ako inaantok, I decided to go outside. Pagkalabas ko ng bahay ay sinara ko ito. The cold breeze of the wind gently touches my skin and it feels great. Ngayon lang ako nakalabas ng ganitong oras, madalas kasi ay alas sais na ako nagigising.

Naglakad-lakad lang ako, I saw many people wearing coats and sleeves, marahil nga sa malamig na hangin. Maliban sa'kin na nakasando lang at shorts, masarap sa pakiramdam ang hangin. Napadaan ako sa isang bakery, I immediately smell the fragrant of new baked bread kaya naisipan kong bumili.

"Magandang umaga, Ate. Lima nga pong ensaymada at limang hopia," I smiled a bit. Iniabot niya sa'kin ang dalawang paper bag na laman ng binili kong mga tinapay.

"Fifty-pesos lahat, hija."

Iniabot ko naman ang bayad ko at nagpasalamat bago umalis. This really feels new and calming. The sun is getting ready to rise, and I love to see it. Hindi ko namalayang napapangiti na lang ako nang malaki at nakauwi na ako sa bahay.

"Saan ka galing? Aga mo yatang nagising," bungad sa'kin ni Sabrina nang makarating ako sa bahay. Halatang kakagising niya lang dahil medyo paos pa ang boses niya.

"Good morning. Maaga akong nagising eh kaya naisipan kong lumabas muna, bumili ako ng tinapay," inilapag ko sa lamesa ang dalawang maliit na paper bag. "Kain na."

Tiningnan niya lang ang mga tinapay pero hindi siya kumuha. Tumayo lang siya at nag-timpla ng kape.

"Ayaw mo ba ng tinapay?"

"Hindi naman sa ganon, hindi lang ako nagugutom," she answered with a low voice.

Mahilig sa pagkain si Sabrina at alam kong paborito niya ang hopia, nakakapagtaka lang na ayaw niya kumain ngayon. Hindi ko na lang siya pinilit, I noticed that Sabrina is not in her best mood. Mukhang mainit ang ulo niya ngayon, I'm wondering why is she acting strangely. Mula nang umuwi siya kagabi ay hindi siya palakibo, hindi niya ako dinadaldal. Malayo sa nakasanayan kong Sabrina. However, I don't have reasons to suspect her if she's hiding something from me.

She will tell me eventually, if she's ready.

Mag-isa akong kumain dahil nga pumasok ulit si Sabrina sa kwarto at natulog, parang wala siyang gana. Inaaya ko siyang gumala pero tinanggihan niya ako, kaya hindi ko na siya kinulit.

I took a bath, I chose a flowy sunny dress na binili ni Aiden para sa'kin. I want him to know that I love the dress that he bought for me. I'm currently putting a light make-up when my phone ring. Nagmamadali akong kinuha ito, I almost jump because of happiness nang makita kong si Aiden ang tumatawag.

"I'm already here outside of your house, text me if you're done with what you're doing, okay?" Malumanay niyang sabi sa kabilang linya. Napangit naman ako, I miss his voice.

"Hindi na 'to matagal, ayaw mo bang pumasok muna? Baka, mainip ka kasi diyan."

"No, thank you. I'll wait here outside, hindi pa naman mainit ang sikat ng araw and I have my car with me. Don't worry about me, I'm okay. Just, take your time," I really can't suppress the smile from my lips. Natutuwa ako na hindi na siya cold sa'kin. I think, he's really okay now.

"Okay. Tatapusin ko lang 'to at magpapalam ako kay Sabrina," sagot ko.

"I'm excited to see you, I'm sure that you look adorable," Kinilig naman ako sa sinabi ni Aiden, nagpasalamat ako at sinabi kong excited na rin akong makita siya bago binaba ang tawag.

Hope In The Midst Of Agony (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon