"Psstt! Vittoria! Pa-isa naman!" rinig kong kantyaw ng kung sinong demonyong estudyanteng lalaki habang dumadaan ako sa gate ng University dito sa sentro. Sa dating University na pinag-aaaralan ko.
"Vittoria! Ano?! Kahit isang gabi lang! Babayaran naman kita!" patuloy na sigaw niya kasabay ng tawanan ng kanyang mga barkada.
Hindi ko sila pinansin at patay-malisyang nagpatuloy sa pag-lalakad. Pero sino nga bang inuuto ko? Kilalang-kilala naman ako dito sa lugar namin.
Napalabi ako. Lahat ng estudyanteng nakakasalubong ay pinagtitinginan na ako. Ang iba ay nagbubolungan at ang iba ay minamata ako mula ulo hanggang paa.
Napairap ako sa hangin.
Akala mo naman kung makatingin ay nagtayo ako ng artificial island sa West Philippine Sea! Akala mo naman ninanakaw ko ang Julian Felipe Reef! Akala mo naman kanila 'tong daanan!
"Diba 'yan 'yung huminto sa pag-aaral para magpaka-pokpok?" rinig kong bulong ng isa.
"Ay oo!" sang-ayon ng kausap niya. "Sabi ni Nanay ay gusto daw ng easy-money ng pamilya kaya katawan nalang ang ibinibenta. Tingnan mo naman kasi, ang ganda-ganda kaya siguradong marami ng nakatikim diyan,"
Wow. Anong akala nila sa akin bingi? Parang kung lapastanganan nila ako sa kanilang istorya ay wala ako, ah?
Tinatagan ko nalang ang loob at humugot ng malalim na hininga.
Mahigit dalawang taon na akong ginaganito, hindi pa din ako sanay. Masakit pa din ang mga salita nilang wala namang katutoran.
They say truth hurts, I call bullshit on that.
It's more painful when people thread lies and make awful stories about you. Dahilan kung bakit nadudungisan ang pangalan mo, kung bakit iniiwasan ka nila na parang isang nakakamatay at nakakahawang sakit.
Akala mo sobrang linis. Wagas makapanghusga. Tingin yata nila sa mga sarili nila ay santo na hindi nagkakasala.
Tanginang 'yan. Pati santo nga nagkakasala.
Hindi ko alam kung bakit may mga ganitong mga tao. Nanghuhusga ng wala namang matibay na batayan. Naniniwala sa mga sabi-sabi.
Bakit kaya mas pinipili nilang maniwala sa mga salitang wala namang ebidensya? Bakit kaya kung gusto nilang malaman ang totoo ay hindi nila ako magawang tanungin?
Higit sa lahat ako ang nakakaalam ng totoong istorya pero ni minsan walang nangahas na nagtanong sa akin.
The world is cruel. But most people living in it are the worst. People who twist the plot of your story for their own liking. For the sake of fun.
Bigla akong nadapa, sa lakas ay nagasgas ang tuhod ko. Nakasuot lang ako ng maong na palda kaya sinapol talaga ang tuhod. Napangiwi ako ng kita ang lawak ng gasgas doon.
Pinagtagis ko ang mga ngipin. Baka magka-peklat ako? Hindi pwede! Puhunan ko ang katawan at hitsura ko sa pinagtatrabahuan.
Kahit mahapdi ay mabilis akong tumayo. Dinig ko ang mga sipol at nahuli ang mga adik-adik na naninilip. Nagtagis ang mga ngipin ko. Mabuti na lang at naka-cycling short ako.
Nakaka-bwesit pa din. Nakakainit pa din ng dugo.
Naaawa ako sa mga magulang nilang nagbabayad sa pag-aaral nila. Ni wala man lang natutunan sa pag-aaral kung hindi ang pangbabastos at panghahamak ng kapwa.
Patunay na hindi lang ang sistema ng edukasyon ang may kakulangan. Ang paraan ng pagdidisiplina ng mga magulang sa kanilang mga anak ay mas nakakatakot.
YOU ARE READING
Sweet Vittoria Reigns
RomanceThe day I fell in love with him was also the moment I took the first step in dancing with the devil.