Umupo sa gilid ko si Lucas. Ipinalibot ko ang paningin sa buong resto at kita ko na lahat ng mata ay nasa sa amin. Ang ibang kasamahan kong waitress ay matapang akong inirapan. Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa kanila na parang ayaw na ayaw nila akong kaibiganin. Tinanong ko si Mara isang beses at ang sagot ay, "People hate people who are much better than them. People hate people who possess what they desire."
Inggit. Sabi niya ay naiinggit daw sila sa akin. Hindi ko makita ang punto niya noong una. Pero ngayong tinitingnan ko ang mga mukha nila, totoo nga, people hate you when you have something they truly wanted.
Napatingin ako kay Lucas.
At ito ang kailangan at gusto nila. Si Lucas na madilim na nakatingin sa akin sa nalalasing na mga mata. He was drunk with desire. He always is.
Kasi ano pa bang hihilingin mo kay Lucas? Aside from the riches, he has that masculine, ravishing appearance. He also has the right amount of gentleness and roughness that keeps the spice alive.
Wala ka ng mahihiling... ah, meron pala, ang proteksiyon mula sa babaeng naghahabol sa kanya.
"What?" tanong niya sa nakasampok na kilay. "Why are you looking at me like that?" Kinuha ang kamay ko at hinalikan ito.
Dinig ko ang pekeng pag-ubo ni Mara sa di kalayuan.
"Kumain ka na?"
Umiling ako at nakatuon ang pansin sa malaki niyang kamay. "Hindi pa." Malapad iyon, kasing laki ng mukha ko.
Umangat ang sulok ng labi niya bago tumango. "Good. Sabay na tayo?"
Tumango ako. Mas lalo siyang ngumiti. Nasisilaw ako sa ngiti niya. Tumayo ako at nilabas ang papel at ballpen para sa order niya.
Kinuha niya ang menu at nangungunot ang noong tumingin doon. "Spicy sisig, 3 cups of rice, 2 slice of graham cake and a tall glass of water please,"
Nang tapos ko ng isulat ang order niya ay dinungaw ko siya at nahuling nakatingin sa dibdib ko habang kinakagat ang pang-ibabang labi. Napairap ako. Pinitik ko ang noo niya.
"Ang mata ilugar," paalal ko habang sinasamaan siya ng tingin.
Pinigilan niya ang ngiti kaya agad ko na siyang iniwan doon. Out ko na rin naman kaya sasabay na ako sa kanya. Tinatapat ni Lucas ang pag-dinner niya dito sa resto sa dinner break ko para sabay kami. Minsan ay nagpapadeliver siya ng dinner at ako ang pinapahatid niya kasama ng dinner ko. Sabay kaming kumakain sa opisina niya. Tapos madalas hindi lang kain ang ginagawa namin.
Bumalik ako sa mesa niya kasama si Gerald dahil hindi ko kayang buhatin lahat ang pagkain naming. Nangunot ang noo ni Lucas ng nilapag ko ang pagkain namin.
"Salamat Gerald," ngiti ko kay Gerald na nilalapag na din ang order ko. Kay Lucas kasi na order ang hawak ko.
Nagngising-aso sa akin si Gerald. Nag-salute siya bago kinuha sa akin ang hawak na tray at bumalik sa counter. Umupo ako at nakasampok na ang mga kilay ni Lucas na nakatingin sa akin.
"Ano?"
"Ilang beses kitang inalok na tulungan pero hindi mo ako hinahayaan,"
"Boss ka namin Lucas. Si Gerald nagtatrabaho dito sa resto katulad ko. Binabayara n kami para magtrabaho dito kaya hayaan mo na,"
Sumimangot lang siya at hindi na nagtanong pa. Ngumiti ako at sumubo. Parang bata talaga minsan.
Nagdaan ang mga araw na ganoon lang ang routine ko hanggang sa sumapit ang sabado. Hindi na naman ako um-extra sa laundry dahil gusto nga akong ipasyal ni Lucas sa iba't-ibang tourist spots dito muna sa El Nido. Tapos bukas ay sa San Vicente naman. Sa Long Beach at Port Barton daw.
YOU ARE READING
Sweet Vittoria Reigns
RomanceThe day I fell in love with him was also the moment I took the first step in dancing with the devil.