Sa loob ng isang linggo ay madami na akong nagawa. Hindi sumangayon si Don Lucciano sa tinutuluyan ko pero wala siyang nagawa dahil paninindigan ko sa naging desisyon. Alam ko namang ligtas sa bago kong inuupahan dahil may gate at napapalibutan ng pader.
Nirerespeto at mahalaga sa akin si Don Lucciano kaya lang buhay ko ito. Nagpapaalam lang ako sa kanya, hindi humihingi ng permiso. Ako ang magdedesisyon. Matanda na ako, alam ko ang mga ginagawa at ang kahahatungan nito.
Para mapanatag, hinayaan ko nalang siya na palitan ng mas matibay na pinto at bintana ang inuupahan ko. Nagpadagdag siya ng lock at alarm system. May tutunog sa speaker na nasa kwarto ko kung may magpumilit na pumasok. Hindi pumayag si Auntie Sally pero ng naglapag na si Don Lucciano ng cash ay hindi na magawang makaangal.
Na-briefing na ako sa bagong pinagtatrabahuan ko. Isang hotel iyon na pagmamay-ari ng kaibigan ni Don Lucciano. Unang binigay niya sa akin ay mataas at malaki ang sweldo na posisyon, syempre mariin ko iyong tinanggihan. Alam ni Don Lucciano na maghahanap ako ng ibang trabaho kung hindi niya ibaba ang posiyon ko. Sa huli, kahit ayaw niya ay ipinasok niya nalang ako bilang room attendant.
Sa weekends lang ako doon sa hotel magtatrabaho. Mula 9:00 ng umaga hanggang 6:00 ng hapon. Sa Lunes at biyernes ay dishwasher ako sa isang malapit na restaurant sa boarding house ko. Pagpatak ang shift ko ng 8:00 ng gabi hanggang alas-onse. 200 per hour kaya sobrang laking tulong na iyon.
Kailangan kong mag-ipon dahil kung aayon sa akin ang panahon, baka makapag practice teaching ako pagdating ng 2nd sem. Hindi na ganoon kabigat ang tuition fee dahil kakaunti nalang ang units ko na i-ta-take ngayong 4th year.
Uminom ako ng tubig pagkatapos ibagsak ang bag na naglalaman ng uniporme kong pinatahi kahapon. Inilapag ko din ang black shoes sa sahig.
Napatingin ako sa labas ng bintana. Natulala at hindi sinasadang mapadpad ang isip sa lalaking pinilit kong binabaon sa limot.
Mag-iisang linggo ng pilit kong hindi siya iniisip. Masyado akong nagpupursigi na hindi siya sumagi sa isipan ko. May pagkakataon lang talaga, lalo na kung wala akong pinagkakaabalahan, na kinakalampag niya ang sistema ko tuwing naaalala ang mga pinagsaluhan namin.
He was unforgettable. I can still feel him on my body. I hate him for it. The bruises and marks were fading but the passion still keep on burning. Tinalikuran ko ang bintana.
Bukas pa ang pasukan pero pumunta ako ngayon sa university para mag-inquire kung may mga available din bang trabaho. May mga bakante ako sa class schedule kaya kung kaya ay pupunan ko iyon ng sideline dito sa loob ng campus.
"Yes!" Halos tumalon ako ng merong part-time sa library. Buong araw akong nag-process ng requirements at gabi na nakauwi. Tatawagan nalang daw ako nila kung may resulta na.
Kinaumagahan ay gusto kong magbunyi dahil natanggap ako! Maliit lang naman iyon na trabaho at hindi ganoon kabigat kaya tuloy ay hindi kalakihan ang kita.
Kahit anong trabaho basta kaya kong pagsabayin sa pag-aaral at makakaya ng katawan ay susunggaban ko.
Tuwing huwebes lang, mula 4:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi ang pasok ko bilang Pager sa library ng MU. Ganito lang ang naka-toka sa amin dahil may isa pa akong kasama na natanggap din sa pagiging Pager. Wala na akong kailangan lakarin kaya nag-research nalang ako sa mga gawain ng isang Pager.
Sa sunod na linggo pa ako mag-uumpisa ng trabaho sa hotel. Kahapon ng sabado ay pinapunta nila ako roon at pinasunod sa mga dati nang room servant para makita ng personal ano ang mga ginagawa nila. Ngayong araw naman ay nagpahinga lang ako dahil bukas na mag-uumpisa ang pasukan.
YOU ARE READING
Sweet Vittoria Reigns
RomanceThe day I fell in love with him was also the moment I took the first step in dancing with the devil.