Nagising ako sa isang sinag ng init na tumatagos sa glass sliding door ko. Unang pumasok sa isipan ang nangyari kagabi... o totoong nangyari nga ba iyon?
Gumalaw ako at doon lang napapikit ng sobrang higpit. Napaigtad ang katawan ko sa naramdamang hapdi. Lalo na sa pagitan ng mga hita. Lahat ng sulok ng katawan ko ay masakit.
Tila na-overuse ang katawan ko. Para akong naki-boxing. Talagang nakipag-boxing nga ako. Hindi nga lang 'yung boxing na kamao ang gamit sa pagbayo.
Ibang bagay ang bumayo sa akin... at ibang pamamaraan din ng pagbayo ang ginawa.
Para akong baldado na bumangon, dahan-dahan at maingat dahil shit talaga. Ang sakit naman. Kung anong sarap kagabi iyon naman ang kabaliktaran kinabukasan.
Napadungaw ako sa damit at napasapo sa noo ng iba na ang suot ko. Pajama at T-shirt na hindi ang spaghetti top at satin short ko. Binihisan niya ako bago umalis.
Hindi ko inaasahan na mananatili iyon pagkatapos ng umaatikabong pagtatalik namin. Sa oras na binigay ko ang pagkababae ko, inasahan ko ng iyon lang ang habol niya at ayaw niya ng kahit anong commitments.
Dinungaw ko uli ang orasan at kitang malapit ng magtanghali. Gumapang ang tingin ko sa tray ng pagkaing nasa gilid lang ng orasan.
Nangunot ang noo ko ng may card doon at gamot. Inabot ko iyon at binuksan.
'Drink this for your body pain. But please eat your breakfast first.'
Hindi ko na kailangan hulaan dahil alam ko na kung kanino galing iyon. Pinaglandas ko ang daliri sa pino niyang sulat-kamay bago ibinaba sa mesa sa gilid ng kama. Susubo na sana ako ng nahagip ko ang bedsheet kong may dugo.
Dapat malabhan na iyan kaagad. Ako na lang ang maglalaba. Ano ang sasabihin ko sa mga kasambahay pag tinanong nila?
Pwede kong sabihin na buwanang dalaw lang pero iba ang amoy niya. Amoy sex.
May biglang kumatok at halos tumalon ang puso ko. Nang boses ni Maria ang narinig ko ay doon lang ako napanatag.
Mabilis kong tinabunan ang dugo at paika-ikang tinungo ang pinto. Napapangiwi ako bawat hakbang pero ngumiti ng matamis ng binuksan ang pinto.
Bumalik ako sa kama na parang tangang paika-ika. Talaga ba Lucas? May nalalaman pang 'Let's take it your pace' tapos ilang sandali lang ay walang patawad na hinataw na ako.
Gusto kong mapahilamos sa mukha. Pabulgar na pabulgar na ang takbo ng isip ko. Sa nangyari sa amin kagabi— kailangan ko ng magbabad sa holy water.
Umupo ako at nakakunot ang noo ni Maria'ng inilatag ang pagkain sa bedside table.
"Sino naghatid nito?" takang tanong niya.
"Hindi ba ikaw?" Hindi ba sa kanya na ipinahatid ni Lucas?
"Di ah." Iling niya. "Hindi naman nagpahatid sa akin si Don Lucciano at hindi ko rin 'yun ginagawa diba dahil maaga ka naman magising?" takang-tanong niya habang nakatingin sa akin. "Ngayon lang kasi tanghali ka nagising. Kinakatok kita kanina pero tulog ka pa,"
Nataranta ako. Bakit nga naman kasi ipapahatid sa kanya iyon ni Maria? Ayaw niyang may makaalam sa nangyari sa amin.
Nangapa ako ng sasabihin. "A-ah! Baka iba ang naghatid!"
"Mars baka nakakalimutan mo na ako lang ang maid na kasundo mo dito," her eyes turn slits when she saw the card Lucas gave me.
Mabilis ko iyong kinuha at kaya mas lalong nanliliit ang mga mata niyang tumingin sa akin. "Maria, pwede ba pakuha ng gamot? Masakit kasi pakiramdam ko." May pa-ubo epek pa ako para maniwala siya.
YOU ARE READING
Sweet Vittoria Reigns
RomanceThe day I fell in love with him was also the moment I took the first step in dancing with the devil.