"Blooming naman talaga!" parinig ni Mara. "Sana all! When kaya!"
Nangisi lang ako sa mga sinabi niya habang bitbit ang tray papuntang table 4.
"Here's your order, Ma'am," ani ko sa isang babae. Pinakatitigan niya ako saglit bago binaba ang tingin sa order niya.
"Thank you," ngiti niya.
Tumango din ako at ibinalik ang tray sa counter. Bago pumasok sa kusina. Lahat ng naroon ay abala sa kani-kanilang ginagawa. Umapoy ang kung ano mang niluluto ni Chef Luigi ng lagyan niya ito ng wine. Di kalayuan ay kunwari'y nag-oobserba si Ma'am Fernandez sa mga ginagawa ng mga tao roon pero nakita kong tumatagos ang paningin kay Chef.
Nginitian ako ni Chef ng nakita niya akong kinuha ang trolley na sink kung saan nilalagay ang mga pinanggan na pinagkainan.
Ma'am Fernandez's head snapped toward my direction and her eyes turned slit. Nag-umpisa siyang lumapit sa amin kaya mabilis akong umalis roon. Natatawa na lang ako kay Ma'am Fernandez. Ang cute niya pag binabakuran si Chef.
Kung hindi niya lang alam na patay na patay din naman iyon sa kanya.
Kinuha ko ang mga plato sa mga mesa na inalisan na ng customer. Pinunasan ko ang mesa para makuha ang mga natirang pagkain. Nag-spray din ng disinfectant at pinunasan ulit.
Ganoon lang din ang mga ginawa ko sa ibang mesa. Paunti ng paunti ang customer dahil palalim na ng palalim ang gabi. Malapit na mag-end ang shift ko.
Nagpaalam si Lucas na hindi siya ngayon makakasabay dahil marami siyang inaasikaso na trabaho sa opisina niya. Palagi kong nadidinig sa mga kausap niya sa phone na pinapabalik na siya sa headquarters mismo ng kompanya nila.
Ayaw niyang sumunod. Palaging 'No' ang sagot kaya ang kapalit, hinahatid o pinapa-send through email ang mga paper works niya at mga proposal na dapat i-review.
Nagpadeliver na nga lang siya ng dinner sa akin. Hindi ko naman shift pero dahil mula sa kanya ay hindi ako pwedeng tumanggi. Dalawang meals ang in-order niya iyon pala ay sabay kaming manananghalian sa opisina.
Tinapos ko na muna lahat ng natitirang gawain bago nag-out. Nagpaalam ako kay Mara at lumilibot na lang ang mga mata ko sa kung ano-anong lumalabas sa bibig niya.
"Ang sarap ng buhay ni Torry. Tapos ng work, ror ror agad,"
Na-e-eskandalo akong tumingin sa paligid dahil baka may maka-rinig. "Bibig mo, Mara ha," ismid ko pero nangingiti.
"Bibig ko masarap humalik,"
Napahalakhak ako. "Mabigat ba? Mabigat ba magbuhat ng sariling bangko?"
She scoffed. "Hindi ako babalik-balikan ng mga banyagang iyon kung hindi iyon totoo!"
"Alam mo para kang Pilipinas noong unang panahon. Palaging nasasakop ng mga banyaga,"
Humagikhik siya. "Anong magagawa ko kung katulad ng Inang bayan ay maraming naakit sa kagandahan at pagiging puro nito?" she batted her eyelashes.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Puro ka pa ba?"
"Oh, you have to try me for you to find out," ngisi niya. Fluent ang English niya in fairness.
"Kadiri ka!" ani ko.
Humalakhak siya sa nandidiri kong reaksiyon. "Mandiri ka hanggang gusto mo, Torry. Pero sa iba katakam-takam naman ako,"
Sobrang ganda ni Mara. At alam niya iyon. Ginagamit niya para mapaamo ang natitipuhang lalaki.
Umikot ulit ang mata ko at iniwan na talaga siya doon. Bumalik na ako sa room ko ng pihitin na ang doorknob ay huminto ako. Ni-lock ko ulit ang pinto at tinungo ang suite ni Lucas.
YOU ARE READING
Sweet Vittoria Reigns
RomanceThe day I fell in love with him was also the moment I took the first step in dancing with the devil.