"Huy Torry! Uwi na," utos sa akin ni Mara ng magkasalubong kami sa counter. Siya mula sa kusina dahil naghatid ng mga tapos ng pinagkainan ng mga customer at ako na kukuha pa lang sa counter ng order.
"Wag atat, Mara. Hindi pa alas-onse." Iling ko sa kanya.
"Nakakahiya kay, Sir!" pasigaw niyang bulong at hinampas ako sa braso. "Kanina pa 'yang si Sir Elohim ng alas-otso dito oh,"
Kinunot ko ang noo ko. "Oh, tapos?" tanong ko.
Pumameywang si Mara at umismid sa akin. "Hindi ko alam kung nagkukunwari kang walang alam o manhid ka lang talaga? O nagtatanga-tangahan ka? Hindi ba obvious na hinihintay ka ni si Sir Elohim?" nanggigil niyang saad at muling tiningnan si Lucas sa usual seat nito.
Ang daming nangahas na babaeng lapitan siya, kausapin siya at umupo sa bakanteng upuan sa harap nito. Nakakapagtaka dahil dismayado ang mga babaeng bumalik sa dati nilang pwesto o lumabas ng resto.
Umiling ako. Kagaya ng kinagawian ay dito siya nag-di-dinner. Umaalis naman siya pagpatak ng alas-diez pero simula noong sinabi niyang ililibot niya ako sa Palawan ay napapadalas na sabay ang pag-alis niya kung patapos na ang shift ko.
Nagtitipa siya sa Laptop niya. Madalas ko siyang nahuhuling sumusulyap sa akin pero binabalewala ko na lang. At sa akin siya palagi um-order ng kape! Ang daming malapit na waitress sa kanya pero ako talaga ang tinatawag.
Tuloy ay ang daming ko ng issue na naririnig tungkol sa aming dalawa.
"Hindi naman siguro," tanggi ko. "Baka gusto lang makalanghap ng sariwang hangin habang nagtatrabaho,"
"Ineng baka nakakalimutan mo na master suite ang tinutuluyan ni Sir kaya may balcony iyon doon," sabi niya. "Kung iyon talaga ang pakay niya, aba, doon na sana siya dahil bukod sa mahangin gaya ng sabi mo, tahimik at makakapag-concentrate pa siya,"
Kita ko ang paghikab ni Lucas kaya napabalik ang tingin ko kay Mara. Namumungay na ang mga mata ni Lucas. Inaantok na yata.
Uuwi na siguro ako... teka nga, so ano, in-assume ko na andito talaga siya dahil sa akin?
Sinamaan ko tuloy ng tingin si Mara. Kasalanan niya 'to eh! Kung ano-anong sinusulsol sa akin.
"Gwapo talaga ni Sir no?" Nakanguso ni Mara na bulong, parang na-e-engkanto ang mukha ng gaga.
Muli kong sinulyapan si Lucas. Muli siyang huimikab. He massaged his neck and clicked it. Dinalaan niya ang ibabaang labi kaya bumagsak ang tingin ko sa mga kamay. Nang-aakit ba siya?
Karamihan sa kasamahan kong waitress ay nakatuon ang mata sa kanya. Nakabantay sa bawat galaw niya na. They are like predators while Lucas is the prey they're ready to devour. May kung ano sa galaw ng matikas niyang katawan na napaka-misteryoso.
Sumampok ang kilay ko. Mariing nagdikit ang mga labi ko at humakbang sa harap ni Mara para putulin kung saan man siya nakatingin.
Nag-ngising-aso si Mara sa pagtabon ko. Hinubad ko ang apron at tinupi iyon. Inilagay ko iyon sa rack at kinuha ang tote bag na dala. Ipinasok ko muna iyon sa likod sa locker bago inayos ang sarili.
"Alis na ako, Mara," paalam ko. Nakakaloko pa din siyang ngumiti sa akin habang tumataas-taas ang mga kilay, nang-aasar.
Ngumuso ako. "Alam mo para kang shunga," bulong ko at umalis na talaga.
Iisa na lang ang nakatambay. Si Lucas iyon na mabilis na tumayo ng makita akong lumabas. Agad kong naramdaman ang presensya niya malapit sa akin. Sinulyapan ko siya at kita ko ang paglalakbay ng mga mata niya sa kabuoan ko.
YOU ARE READING
Sweet Vittoria Reigns
RomanceThe day I fell in love with him was also the moment I took the first step in dancing with the devil.