KABANATA - 20

6 1 0
                                    


Unang nakita ko pagbukas ng pinto ay si Lucas na nakatayo at nakahilig sa railings ng balcony niya. Nakamasid na siya agad sa akin sa kasalungat na parte ng silid. Nakabukas ang sliding door at hinihipan ang kurtina nito.

Nag-iwas ako ng tingin at nilagay ang mga hugasin sa lababo. Konti lang naman kaya ako na ang naghugas. Iyon naman ang routine namin, siya magluluto, ako maghuhugas. Nagpunas ako ng kamay at ng humarap ay nakatayo na si Elohim sa hamba ng pinto at nakasandig dito.

My nerves seem to sparkle with his dashing aura right there. He moved with ease and precision. Ang batak niyang pangangatawan at kataasan niya ay nagpakapit sa akin ng mahigpit sa edge ng counter.

Sinandig ko ang balakang ko sa sink at kumapit doon para sa lakas. Ang layo niya pa lang pero ang epekto niya ganoon pa din. Nakakapanghina at nakakalula.

Maybe he was a sorcerer in his past life. Maybe it explains why I was like a different person when I'm with him.

"Anong oras tayo aalis?" tanong ko.

"1 P.M.," he simply said, still looking at me with seriousness and heated agenda. "Who was that Maxim the other night?"

Napangiwi ako. Alam kong hindi talaga ako makakatakas,

Pumihit ang puso ko pabaliktad. "Uhm... Hindi ko talaga alam. Pangalan lang ang kilala ko sa kanya." Nagkasama kami sa sobrang iksing oras. Tapos ni hindi naman kami nag-usap ng maayos dahil tahimik lang akong kiankain ang marshmallow kagabi. "Inalalayan niya ako noong nalasing ako,"

His eyebrows furrowed more. Parang magdudugtong na ang mga makakapal niyang mga kilay. "Naglasing ka kagabi?" he sounds angry more than surprised. "Why?"

Umiling ako. Hindi ito. Sasagutin ko lahat ng tanong niya pero wag muna ito. Because me telling him the reason why I was wasted the other night, means I'll talk about Astrid, too.

Ayaw ko iyong mangyari. Na sasabihin niya lang dahil nalaman ko. Mapipilitan siya dahil wala naman na siyang choice. Gusto kong kusa niyang sabihin. I want him to bare his soul to me because he wants to and not because I told him so.

Kinatatakutan ko din kung sakaling may mabasa ako sa mga mata niya kung banggitin ko ang pangalan ng babaeng iyon. I'm partially scared of what will his reaction will be.

"Do we have a problem here, Vittoria? Because you're fucking with my head again." Kita ko ang bahagyang paghihirap sa kanya.

"Na-mimiss ko lang si Vlademyr at Lolita..." ani ko.

"You miss them all the time," puna niya.

Nanlamig ako. Kilalang-kilala niya na ako na alam niya kung kailangan ako nagsasabi ng totoo.

Pinuno ko ang baga ng hangin at tumalikod. Hinugasa ko ulit ang kamay kahit tapos na. "Ayaw kong sagutin ang tanong na iyan,"

Pagak siyang tumawa. "Paano natin aayusin ito kung hindi mo sa akin sasabihin ang problema?"

"Wala kang dapat ayusin dahil wala tayong problema, Eloh—"

"Will you please stop calling me Elohim? Kung walang problema bakit iba na ang tawag mo sa akin?" akusa niya.

Napaawang ang labi ko. Humarap ako. Ano?

Tumikhim ako. "L-Lucas... wala kang dapat ayusin dahil wala tayong problemang dalawa. Hindi ito tungkol sa ating dalawa. T-tungko ito sa akin," kumbinsi ko. Sana bitawan niya nalang itong usapan na ito.

Mag-aaway lang kami lalo.

At may katotohan naman ang sagot ko kahit papaano. Baka nag-o-overthink lang ako. Ako lang itong ine-exaggerate ang mga bagay-bagay. She's an old news, ano ba ang iniiyak at ikinakasakit ko?

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now