KABANATA - 27

10 1 0
                                    

Papalapit ako sa nagtutumpukang sila Mara, Jeff at Gerald sa counter na halatang may seryosong pinag-uusapan. Mabilis silang nagsi-alisan noong nasa tabi na nila ako.

Naningkit ang mga mata ko. "Bina-backstab niyo ba ako?"

Nanatiling seryosong nakatingin sa akin ni Mara bago nagsalita. "May bagong dating. Fiancee daw ni Sir Elohim. Astrid Divinagracia ang pangalan. Anak ng congressman," dire-diretso niyang saad. Kung may pinaka nagustohan ako kay Mara, ito iyon. Her brutal honesty.

Natigil ako at humigpit ang hawak sa tray.

"Totoo nga! Nakita ko silang dalawa doon sa dalampisigan! Kita ko pang nakahawak si Sir Elohim sa kamay ni Astrid," nadinig ko mula sa likod.

"Ibig sabihin ba noon titigil na ang iba diyan sa pangangarap?"

"Aba oo naman! Bumalik na ang original kaya ang sampid, wala na dapat sa eksena,"

"Pero kung makati at gold-digger, syempre hindi 'yan hihiwalay. Si Sir Elohim ba naman na gwapo at mayaman? Didikitan talaga ng mga linta diyan!"

Hindi ko na sana aabalahing lingunin kung sino iyon. Alam kong mga kasama ko iyong mga waitress. Grupo nila Daniella. Nagpatuloy lang sila hanggang may linyang napatid.

"Korek! Iyong mga desperadang iyan ay gagawin ang lahat para lang makaahon sa buhay at makabingwit ng easy money. Kita mo nga pati Lolo pinatos,"

Namula ang mukha ni Mara sa irita at galit. Mabilis siyang naglakad papunta sa grupp pero mabilis ko siyang pinigilan. Wala pa namang sinasabing pangalan kaya kaya ko pang indahin.

Bumalik si Jeff na dala na ang order ng table 7. Kinuha ko ang tray sa dalawang kamay at binulungan si Mara.

"Hayaan mo na," mahinahon kong saad.

Kinagat ko ang labi sa daraanan. Gustuhin ko mang umiwas ay hindi pwede dahil andoon sila sa likuran ko, naghihintay din yata ng ihahatid nilang order, kaya hindi maiiwasang madadaanan ko pa sila.

Kalmado at kalkulado ang mga naging kilos ko. May mga tao lang talagang uupos ng kabaitan mo at ilalabas ang demonya sa iyong pagkatao.

May kung sinong pumatid sa akin dahilan ng pagtilapon ng mga order sa tray. Ang alingawngaw ng pagkabasag at lagapak ng katawan ko sa sahig ay nagpatahimik sa lahat. Nagkabasag-basag ang mga serving plate at baso habang ang mga pagkain ay nagkalat sa sahig. Kinwenta ko na lahat ng iyon at umaray ako sa laki ng ibabawas sa sweldo ko.

Nagpupuyos ang galit ko sa loob pero nanatili akong kalmado. Gamay na gamay ko na kung paano kontrolin ang galit at inis ko... kay Lucas lang naman hindi. Mas malala pa dito ang mga naranasan ko.

Natapunan na ako ng tae at ihi pauwi mula sa eskwela. Nang i-report ko iyon sa head office ay hindi man lang ako pinansin. Hindi ako pwedeng umuwi sa ganoong lagay kaya naligo ako sa isang sapa malapit sa amin dahilan para makagat ako ng ahas at nag-aagaw-buhay na isinugod sa ospital. Abot ilang libo ang hospital bill namin kaya ng nagkanda-utang-utang kami sa kung sino-sino.

Mga ganito... nakakagalit pa din. Hindi ko ma-gets kung bakit may mga ganitong klase ng tao. Hindi ko makita kung saan sila dito makikinabang. Hindi ko maintindihan minsan kung bakit may mga taong ang sasama at ang papangit ng ugali sa kapwa nila tao na wala namang ginagawang masama sa kanila.

Pwedeng dahil sa lugar na kinalakihan nila, ang magulang o sinong nagpalaki sa kanila, takbo ng kanilang isip, mga naranasan sa buhay o ang lahat ng ito para maging ganito kapangit ang ugali nila. Hindi pa rin ito sapat, at walang magiging sapat na rason para sadyaing hamakin ang mga taong wala namang ginagawang masama.

Nakarinig ako ng tili at ng mag-angat ng tingin ay basang-basa si Daniella ng coke. Hawak ni Mara ang basong wala ng laman.

"Impakta kang gaga ka! Inggiterang palaka!" napadaing si Mara ng hinablot ng isa sa kasamahan ni Daniella ang buhok nito.

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now