Hinipan ng panghapong hangin ang buhok ko habang ang haring araw ay nagbabadyang lumubog sa silangan. Papalubog sa dulo ng karagatan.Its orange hues were a magical sight to behold. Ang kulay apoy na sinag nito ay lumilikha ng animoy isang daanan sa repleksyon na tubig.
Wanders like this enthralled me... spectacular views of oceans, of dusk and dawn, of sky, of nature— instilled a blood-deep fascination in me. Ngunit habang hawak ko ang abo ni Lolita ay hindi ko magawang ngumiti man lang sa napakagandang tanawin.
Ang tanging nararamdaman ko ay pangungulila at walang katumbas na sakit.
Nakatayo ako sa bingit ng bangin, nakaharap sa bughaw na karagatan. Tiningnan ko ang ilalim. Ang hampas ng mga alon sa mga naglalakihang mga bato ang nakita ko. Tatlong hakbang ay mahuhulog na ako sa bangin at tubig.
Tumalon kaya ako? Baka sakaling makita ko huling beses si Lolita?
Pinuno ko ang baga ko ng hangin at pinilig ang ulo. Hindi pwede. Hindi maaari. Hindi 'yun magugustohan ni Lolita, magagalit lang siya. Hindi ko din kayang iwan ang kapatid ko lalo na't dalawa nalang kami ngayon.
Binuksan ko ang marmol na lalagyan ng abo ni Lolita at dahan-dahan kong sinaboy sa mabilis na ragasa ng hangin. Lumandas ang mainit kong luha sa pisngi. Bawat saboy ko sa abo ay may gumuguho sa parte ng pagkatao ko.
Mahirap pakawalan ang taong nakasama mo buong buhay mo. Taong humubog, gumabay at bumuhay sayo.
Mahirap tanggapin na ang isa sa mga pinakamamahal mo na araw-araw mong nakakasama, na sa paggising mo ay siyang unang mong nakikita... bigla na lang hindi mo na mahawakan... hindi mo na makakausap habang-buhay.
Sa pagpapakawala ko sa hulig labi ni Lolita sa harap ng karagatan habang saksi ang papalubog na araw, pumikit ako at nagpanggap na ang haplos ng malamig at maalat na hangin ay ang haplos ng pamamaalam ni Lolita.
Dinama ko iyon ng ilang minuto bago nagmulat ng mga mata. Binulong ko ang pangakong aalagaan ang kapatid ko at gagawing makabuluhan ang buhay na ito. Buhay na ipinaglaban ni Lolita para sa amin.
Tumalikod ako at nagsimulang tinungo ang van na naghihintay para sa akin.
"Ma'am, gising na po daw ang kapatid niyo," imporma ng driver sa akin pagkapasok.
Tumango ako. Sandaliang guminhawa ang sistema. Pero ang kaginhawaang iyon ay panandalian lang. Alam kong kailangan kong gumawa ng desisyon para sa ikakabuti niya. At ang desisyon na iyon ay kapalit ng hindi ko pananatili sa kanyang tabi.
"Diretso na po sa hospital Manong,"
Pinaandar ni Manong ang makina at nagsimula na kaming umalis. Sa biyahe ay nakatunghay lang ako sa labas ng bintana. Sa isang highway kami sa gilid ng bangin dumaan kaya kita ko ang lawak ng asul na karagatan. Kahit gaano man ka-halina ang tanawin ay lumilipad ang utak ko.
Handa na ba talaga ako? Bago lang ako nawalan ng mahal sa buhay tapos magkakalalayo na naman kami ni Vlady.
Parang noong nakaraan lang ay masaya pa kaming tatlo sa munting tahanan namin, nagsasalo-salo sa dalawang lata ng sardinas habang nagkukwento si Vlady tungkol sa pag-aaral niya.
Tapos sa isang iglap ganito na ang sitwasyon.
Hindi mo talaga matatantya ang takbo ng buhay. Ngayon nasa pinakamasayang bahagi ka ng buhay mo. Sa isang iglap biglang nalulunod ka na.
Ayaw kong mawala si Vlady sa paningin ko pero pag bumabalik ang isip ko sa sinabi ng doktor ay alam kong wala akong choice.
"Your brother needs to have a heart transplant, Miss. Lumalaki na ang butas sa puso niya at hindi natin alam baka ang susunod niyang atake ang tatapos sa kanya. He needs to be monitored consistently. He needs a personal doctor so that the risk of heart attacks would decrease to lesser percentage," ani ng Doktor matapos atakihin ang kapatid ko ng tuluyang iwan na kami ni Lolita.
YOU ARE READING
Sweet Vittoria Reigns
RomanceThe day I fell in love with him was also the moment I took the first step in dancing with the devil.