Chapter 1

47.7K 1.2K 359
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

-

"I'm sorry, Sairyl. I just fell out of love."

Those were the words he said when he broke up with me. Sinubukan kong itanong kung bakit nangyari 'yon. Masaya pa naman kami kahapon, wala kami pinag-awayan kamakailan. Tinanong ko rin siya kung may iba na ba siya. Wala na siyang iba pang sinabi. Nakatayo lang siya sa harapan ko habang nakayuko.

Nagalit ako. Sa tinagal tagal ng relasyon namin, dalawang pangungusap lang ang binitawan nya sa akin para tapusin ang tatlong taon namin na pagsasama. Bukod pa doon ang pagiging magkaibigan namin na higit na sampung taon.

"You're sorry? What can your 'sorry' do? Ayan lang ba kaya mong sabihin? Ang sama mo, Cedric, sobrang sama mo. Bakit ka ganyan?"

"Pasensya na talaga, Sairyl."

Hindi ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya. Sobrang lakas ng sampal ko na pati sarili kong kamay ay nasaktan. Tinalikuran ko na rin siya agad pagkatapos ko siyang masampal at naglakad na ako palayo. I tried to walk with confidence; straight body, chin up, and biting my lips to stop the tears from falling down. I have to keep my pride, this is the only thing I have left.

Ngunit nang makailang hakbang pa lang ako, bigla akong nadulas sa basang sahig at nag-dive ako sa putikan.

"Sai, are you okay?" My stupid ex ran to me looking so worried. Kung alam ko lang nagpipigil siguro siya ng tawa. Sino ba ang hindi matatawa sa itsura ko ngayon? Nakasuot pa ako ng puting uniporme. What a way to look so pathetic in front of my now ex-boyfriend.

"Ayos lang ako!" I tried to stand up on my own and didn't bother to reach out his hands.

"Sai, I think your knee is bleeding. Are you sure you're okay?"

Of course, I am not okay. I feel like crying. It hurts so bad physically and emotionally.

"Look, hindi na kita boyfriend. We just broke up so you're not responsible for me! Stop acting as if you care! Get lost! Ayaw na kitang makita pa kahit kailan!"

He looked hurt, but why?

"I'm really sorry, Sai. Okay, I'll do as you say. I'll stay away and won't bother you anymore. But please do me a favor, take care of yourself."

Umalis na siya pagkatapos. Tinalikuran ko na rin siya at naglakad na palayo. I did not dare to look back and desperately call him.

I hate that he left me knowing that he was the only person who's always there to catch me whenever I fall — whenever I hurt myself. I guess I need to start learning to stand on my own feet now. I'm all on my own, I can only rely on myself.

* * *

"Sairyl! Sairyl!"

"What? Aga-aga nakasigaw ka na agad, Kyla."

Kyla, my best friend, smiled apologetically at me. Kyla's always full of energy which annoys me from time to time as I'm more of an introverted person. I just met her when I transferred to a new university. It's not because of Cedric, it's just that in the same year he broke up with me, we suffered financial difficulties because my mom had to undergo an expensive maintenance treatment. Kaya lumipat ako sa ibang university where I received financial assistance dahil sa kamag-anak kong nagtatrabaho dito na nakapagbigay sa akin ng malaking tuition fee discount.

"Sorry, Sai! Na-miss lang kita!" The tiny girl jumped on me and hugged me tight. Kyla is a very sweet and clingy person. We're almost the opposite in terms of personality so I am not so sure how we clicked in the first place.

"Sai, bakit parang mas maganda ka today?"

I gave her a suspicious glance, "Sa tono ng boses mo, parang may kailangan ka sa akin. You just don't compliment me like that out of the blue. Spit it out."

"Well... may dinner date kasi ako bukas." She giggled while tucking her long curly hair behind her ear.

"Okay... what does that have to do with me?"

"You see..." Ngumiti siya sa akin na tila ba may hindi siya magandang sasabihin. Pinaglaruan niya ang kanyang mga daliri habang hinahanap ang mga tamang salita na dapat bigkasin. "First time ko kasi 'yon. You know na never pa ako nakipag-date tapos nakilala ko lang siya sa online app. Sis, help me, hindi ko alam gagawin ko sa date. Sobrang kinakabahan ako, baka naman pwede mo akong samahan? Double date, ganern."

Tinaasan ko siya ng kilay at sarkastikong sinabi, "Kyla, gusto mo isama ko na lang aso ko sa double date na 'yan? Did you forget na I am single? I don't have a boyfriend to bring to that double date of yours. Just do it yourself. Matanda ka na, you can figure it out on your own."

"But I can help you find a date! Please, Sai? Hindi ko talaga kaya pumunta mag-isa sa date na ito pero ayaw ko rin naman umatras."

Buong araw niya akong kinukulit at hindi tinantanan hanggang sa sumuko na ako at tinanggap ang offer niya na hanapan ako ng kunwaring ka-date para samahan ko siya.

Pagkatapos ng klase namin, agad niya akong dinala sa isang mukhang mamahaling subdivision. Nagtungo kami sa may malaking private clubhouse sa subdivision na iyon. May nadaanan kaming pool, may billiard table, at may bar table din. Sa may bar table, sinalubong kami ng apat na kalalakihan, bawat isa sa kanila ay may hawak na mga bote ng alak at lahat sila ay nakangiti sa amin. Bigla akong na-conscious sa itsura ko dahil para silang mga billboard model.

"Hey Kyla! Nandito ka na pala, nag-c.r. lang si Brian."

"Okay sige, wait na lang namin siya. Si Sai nga pala, siya yung sinasabi kong bestfriend ko na ipapa-meet ko kay Brian."

Nag-hi ako nang mahina sa kanila. Nabanggit sa akin ni Kyla bago kami pumunta rito na ipapakilala niya raw ako sa single niyang pinsan para maging kunwaring ka-date ko. Pumayag naman ako dahil mabait naman daw ang kanyang pinsan at magku-kunwari lang naman kami.

"Hey, Kyla! What's up?"

Maya-maya lang ay narinig namin ang boses ng isa pang lalaki na kalalabas lang sa banyo. Umakbay siya agad kay Kyla at napatingala ako sa kanya dahil may kataasan siya. 5 flat lang ako at siya ay 6'1. Matipuno rin ang kanyang katawan dahil varsity swimmer siya ng aming paaralan ayon kay Kyla. In fact, I can still smell a hint of chlorine from him.

"Hey, couz! You're here na! Ito nga pala si Sairyl, yung sinasabi kong napakaganda kong bestfriend!" Hinila ako palapit ni Kyla sa pinsan niya para mas makita niya ako. "At Sai, ito naman ang pinakagwapo kong pinsan."

Tumawa si Brian sa pagpapakilala ni Kyla sa kanya at ako naman, tinitigan lang siya dahil hindi ko alam ang aking sasabihin o gagawin. I wasn't really prepared for this. Mukhang napansin niya iyon at ngumiti siya sa akin sabay lahad ng kanyang kamay. "Hi Sairyl, nice to meet you."

"Nice meet — what the f*ck?" Aabutin ko na sana ang kanyang kamay para mag-handshake ngunit hindi ko napigilang mapamura bigla nang maabot ng gilid ng aking mga mata ang pamilyar na mukha. Si Cedric lang naman, ang aking ex-boyfriend.

"Hey guys, sorry I'm late. Got stuck in traffic. What's up?" As soon as he said that to his friends, he looked in my direction and froze.

It's been a year since I last saw him and I thought I was just imagining it. Sinubukan ko pang ipikit ang mga mata ko ng ilang segundo ngunit pag-mulat ko ay nandyan pa rin siya.

Biglang bumalik ulit lahat ng sakit na matagal ko nang siniksik sa kasuluk-sulukan ng aking puso. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, hindi makagalaw sa kinatatayuan habang sumisigaw ang aking kalooban na umalis na agad sa lugar na iyon o kung hindi, lahat ng luhang naipon ko ay aagos na naman at magmumukha na naman akong desperada sa harap niya.

I spent a year lying to myself that I'm okay and I've already moved on, but the truth is I've always wanted to see him, talk to him and be with him again. What am I supposed to do now? 

Lie About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon