Chapter 28

4.8K 204 402
                                    

[TRIGGER WARNING: DEPRESSION]

Umorder siya para lang sa akin. It was the same strawberry cake he recommended to me the first time we went there. Hindi ko ito ginalaw at hindi rin ako umimik habang nakatingin lang sa kanya. Nakatitig lang din siya sa akin.

It was like a painful staring contest.

'Sai, let's meet in Sweet Home after your shift.'

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko nang matanggap ko ang text niya, ngunit sa lahat ng 'yon ay matinding kaba ang nanaig. Hindi ko alam ang dapat asahan.

"Try the cake." Natapos ang staring contest namin nang tinuro niya ang cake sa tapat ko. Iniwas ko na rin ang aking tingin at pinagmasdan ang wooden divider screen sa gilid namin na humaharang sa iba pang customer, giving us some privacy. We sat at the farthest corner of the cake shop kahit walang masyadong customer.

"Hindi ako gutom," saad ko. Nagtaka ako ng bahagya sa sinabi niya. Alam niya naman na ilang beses ko ng natikman ang cake. Bakit niya sinabing i-try ko?

"Just take a bite," he insisted. Kinuha niya ang tinidor at humiwa sa cake. Inangat niya ang tinidor hanggang sa tumapat na ito sa bibig ko. Nag-alinlangan ako ng ilang segundo bago ko abutin ang tinidor at kainin ang piraso ng cake.

"Ganoon pa rin ang lasa, 'no?" tanong niya matapos kong isubo ang cake. Tumango lang ako habang ngumunguya. Ibinalik ko na ang tinidor sa platito.

"After 7 years, same pa rin ang lasa. I asked them the other day how they do it." Hindi ko sigurado kung saan patungo ang kanyang mga sinasabi kaya naman nanatili akong tikom ang bibig habang nakikinig sa kanya. "Ang simple ng sagot nila. They stick with the same ingredients and procedure. Wala silang binago. Gaya nga ng sabi nila, why fix something that's not broken? I wish we were the same, Sai."

Ipinatong niya ang magkabilang siko niya sa lamesa. Ang kaliwang kamay ay nakakuyom habang nakapatong dito ang kanyang labi at ang isang kamay naman ay isinuklay niya sa kanyang buhok, nanatili doon ang mga daliri niya habang nakatitig lang siya sa cake. Napansin ko ang facial hair na unti-unti ng tumutubo sa paligid ng kanyang bibig, ilang araw na kaya siyang hindi nakakapag-ahit? Ang lalim at itim na rin ng paligid ng kanyang mga mata.

"But we couldn't stay the same kasi hindi natin control ang mga pagbabago sa atin. When did we start breaking? Ah, maybe it was from the beginning pa. All those lies made everything taste so bitter."

"Brian . . . " Sinubukan kong abutin ang kamay niya ngunit umiwas siya sa akin at muling sumandal sa kanyang upuan.

"Bakit hindi mo na lang sinabi sa akin ang totoo? I would've accepted you regardless."

Napayuko ako habang napupuno ng hiya at pagsisisi.

"Ginawa ko lang naman 'yon para sa 'yo. I wanted to make you happy. I wanted to do everything for you so you didn't have to suffer because of the accident." Kumuha ako ng tissue sa lamesa upang ipunas ito sa mga pumapatak na luha. "I hated myself for asking you to go home early that day. Dahil doon, you lost your dream to become a professional swimmer. I took away something so important to you and I couldn't bear the guilt. Kaya ako nagsinungaling kasi I just wanted to make you happy. I just wanted to offer myself to you."

Halos hindi ko na siya makita dahil sa dami ng luha na humaharang sa aking paningin.

"I-I . . ." I had to calm myself to speak straight. I took a deep breath before trying to speak again. "I couldn't tell you the truth because I was scared how much it will hurt you to know that I stayed because of the guilt."

"So hindi mo talaga ako minahal?" Rinig na rinig ko ang sakit na nararamdaman niya mula sa tanong na 'yon.

"I love you!" Napatakip agad ako ng bibig matapos kong magtaas ng boses, halos nakalimutan kong nasa public place kami. Inalis ko rin naman agad ang kamay ko upang magpatuloy sa aking paliwanag. "Noong umpisa, oo, I was unsure. Hindi ko ma-figure out kung dahil nga lang ba sa guilt o talagang nagkakagusto na ako sa 'yo. Hindi ko rin naman masabi sa 'yo noon dahil ayaw kitang saktan. Pero ngayon, sigurado na talaga ako Brian. Mahal na mahal kita."

Lie About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon