Chapter 12

4.9K 237 68
                                    

Sorry hindi naka-update last week, had something urgent to do!!!


-

I woke up the next day in the hospital. Lumapit agad si mama as soon as she saw me wake up, naiyak din siya sa sobrang tuwa.

"Nagising ka na rin. Sobrang nag-alala kami sa 'yo ng papa mo. Kaka-alis niya lang to go to work, sayang hindi ka na niya naabutan magising. I-text ko na siya para mabalitaan siya." Kinuha niya ang phone nya at nag-text. Umupo ako mula sa pagkakahiga ko at tinignan ang paligid ko, kami lang ni mama ang nasa maliit na kwartong 'yon. Ini-angat ko ng bahagya ang kumot ko nang maramdaman ko ang lamig ng aircon, napansin ko ang dextrose needle na nakatusok sa aking kaliwang kamay, sumunod ang tingin ko sa malaking benda malapit sa bandang siko. Nang hawakan ko ang bendang ito ay biglang bumalik ang alaala ko sa nangyari at nakaramdam ako ng takot. My mom got worried after seeing my reaction.

"Are you okay, anak?"

I bit my lip to stop myself from crying. "Nasaan si Brian, ma?"

Nang lumungkot bigla ang reaksyon ni mama pagkarinig ng pangalan ni Brian, I felt so scared. "Ma, anong nangyari kay Brian?"

"Hindi pa siya gumigising simula ng operahan siya kagabi pero sabi naman ng mga doktor, malayo na raw sa peligro ang buhay niya."

"Operahan? Ha? Bakit?"

"Napuruhan si Brian dahil sa side niya ang nabangga ng kotse. Nagka-head injury at nabalian ng kamay. Inoperahan nila kagabi ang kamay niya pero naghihintay pa rin na maging conscious siya."

"Gusto ko siya makita, ma." I attempted to get out of my bed pero pinigilan ako ni mama. Magpahinga raw muna ako at kinabukasan ko na raw siya puntahan. Huwag ko raw muna i-stressin ang sarili ko sa ibang tao at mag-focus daw muna ako sa sarili ko.

Kyla and Melody visited me that day and it felt like the day went by too slow. I wanted to see Brian so bad and see him wake up. I wanted to hear his voice to know that he's okay.

As soon as I woke up the next day, I went to his room right away. His mom greeted me when I entered the room. I saw Brian sleeping in bed wearing a neck brace and a cast on his left hand. He looked so bad compared to the injuries I got. Halos puro mababaw na sugat lang ang natamo ko.

"Ikaw si Sai, 'di ba?" It was my first time meeting his mom. Brian resembles her so much. "Halika, upo ka dito."

She urged me to sit next to her as we watched Brian sleeping peacefully.

"I'm glad you are okay."

"Thank you and I'm sorry for what happened po." Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko dahil hindi ko kayang tingnan sa mga mata ang mama ni Brian.

"Ano ka ba anak, why are you apologizing? Aksidente 'yon, walang may gustong mangyari nun. Masaya na rin ako na Brian's out of danger na. Buti rin na you are okay na."

"Salamat po." Hindi na ako magtataka kung kanino namana ni Brian ang kabaitan niya. "Kailan po kaya magigising si Brian?"

"Sabi ng doktor 2 to 5 days, depende sa katawan niya to recover from his injuries. Pero sa totoo lang natatakot din ako na harapin si Brian kapag nagising na siya."

Nang iangat ko ang tingin ko nakita ko sa mga mata niya ang mga nagbabadyang luha.

"Bakit po?"

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi na siya pwedeng lumangoy."

"Po?"

"He broke his left arm badly during the accident. Na-operahan naman at gagaling din ito pero it will take at least 2 years daw for it to fully heal. Until then, the doctor strongly advised not to do any strenuous activities and it included competitive swimming. May nalalapit pa man din siyang competition sa Singapore. I don't know how he will take the news. He really looked forward to it. Actually, buhay niya halos ang paglalangoy at ang hindi ito magawa ng ilang taon . . . natatakot akong dalhin sa kanya ang masamang balitang ito pagkagising niya." Naiyak na ng tuluyang ang mama ni Brian pagkatapos niyang sabihin 'yon..

Lie About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon