Chapter 24

4.6K 219 2.4K
                                    

"You should always double check if may mas recent transaction pa kesa dito," saad ni Cedric. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot, sumilip ako saglit sa kanya at nakita kong sobrang naka-focus siya sa monitor ng laptop niya. Nang makita niya ang mga tambak na trabahong natitira pa ay nagprisinta siyang tulungan ako. Tinanggihan ko siya dahil siya ang boss ko at kasalanan ko ang lahat ng 'to kaya nahihiya ako sa kanya.

"Ikaw din ang mahihirapan niyan kung hindi mo tatanggapin ang tulong ko. Baka umaga na, hindi ka pa rin tapos," sabi niya kanina. Sa huli ay napapayag na niya ako, binuksan niya ang ilaw sa kwarto at inilabas ang laptop niya sa table ni Hannah. Pinapasa niya sa akin ang listahan ng mga gagawin ko pa at sinilip niya kung alin doon ang alam niyang gawin at kinuha ito.

"Bakit hindi mo na lang ako tinanggal? You could've lost a lot of clients just because of my stupidity," saad ko habang patuloy na nakatingin sa screen ng monitor ko. Narinig ko ang pagtigil niya sa pagta-type.

"Kung tatanggalin kita, e 'di sana tinanggal ko na rin ang buong team n'yo sa finance department. You're new in the job, you're still mourning and yet they immediately gave you such critical tasks. No one even bothered to triple check your submissions considering what you're going through. Yes, you were at fault but there was a lack of empathy and proper guidance from your team too. I didn't do it out of my bias for you if that's what you're thinking." He smiled softly but I could see fatigue in his eyes.

Nasabi niya rin sa akin kanina na kakagaling niya lang sa client meeting and he just went to the office to get his stuff when he saw light coming from my room kaya sumilip siya at nakita niya ako. He was probably in meetings all day trying to extinguish the fire I made.

"Plus," he added, "everyone makes mistakes. I think importante ang magbigay ng second chance dahil madalas natututo tayo sa pagkakamali natin. I won't give you a third chance though, so make sure you do a better job next time."

Ako naman ang ngumiti sa kanya at sinabing, "salamat, Cedric."

We resumed working and only spoke a little from time to time so we could quickly finish the remaining tasks.

Sa sobrang tahimik, nagulat kami parehas nang biglang mag-ring ang cellphone niya.

"Must be the delivery guy, let me just get this." Tumayo na siya at naglakad palabas habang sinasagot ang tawag. Dahil pareho kaming hindi pa kumakain ng dinner ay nagyaya siyang magpa-deliver ng food kanina.

After a few minutes, bumalik na siya na may dalang mga supot ng in-order naming pagkain sa isang malapit na fast food.

"Grabe na pala ang baha sa labas, buti na lang na-deliver pa itong food natin," sabi niya pagkalapag ng mga supot sa table. "I gave the driver a tip and told him to go home na. Aabot na ata sa tuhod ang baha and it's still raining hard. Maybe we should go home already, hatid na kita sa inyo."

"No, it's okay." Tumayo na rin ako upang kunin ang inabot niyang box ng pagkain at inumin. "I'll probably just stay here in the office and finish these. Bukas ng umaga na lang siguro ako uuwi kapag tumila na ang ulan at humupa na ang baha."

"Are you sure? I'll let you bring that home para sa bahay mo na lang tapusin."

Umiling ako. "It's fine, really. Working here or working at home won't make any difference. Wala rin naman akong uuwian sa bahay."

He smiled and looked at me with understanding. "I guess I'll stay here na lang din."

"Ha? You should go home na! You don't need to stay!"

Nilagay niya sa gilid muna ang kanyang laptop upang magka-space sa table. Umupo na ulit siya at sinimulan ng buksan ang box ng pagkain niya.

"Wala rin akong uuwian sa bahay."

Lie About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon