Chapter 14

5.7K 246 200
                                    

Ate Denny's Note:

Hey readers! So sorry for not being able to keep up with the scheduled updates, just busy with other aspects of life! To compensate, I'm rewarding the most active readers of Lie About Love! <3

I will be checking comments from this chapter onwards until the end of June 2021! The best comment I find by then will win a Steps To You book! 

I will also be choosing a Twitter winner! As you all know, you can use chapter hashtags (example: #LieAboutLoveCh14) and tweet your reaction to that chapter! I will be choosing the best Twitter reaction too for all the chapter updates for the month of June 2021! Feel free to tag me as well @ diarynidenny

I will announce the winners of Steps To You book on my first update of July 2021! ;)


-

MATURE CONTENT/TRIGGER WARNING: This chapter includes sexual harassment. Reader discretion is advised.


Chapter 14

"Ma, aalis na po ako!" Nagmamadaling sinusuklay ko ang buhok ko habang pababa ng hagdan, medyo nahuli na ako ng gising dahil sa kaka-extend ko ng another 5 minutes.

"Kain ka muna ng almusal, anak."

"Ma! Nagluto ka na naman! Hindi ba sabi ng doktor sa 'yo huwag ka na po masyadong magpagod!" Pinagalitan ko si mama nang makita ko siyang nagaabala na naman sa kusina. Kamakailan lang ay naospital si mama dahil sumama ang pakiramdam niya. May katandaan na rin kasi si mama at may mga sakit na rin na kinakailangan siyang naka-under maintenance sa gamot.

"Ano ka ba, konti lang naman ito. Prito prito lang. Halika na at kumain ka na, ang tagal mo mag-ayos, natapos na kumain si Brian."

"Good morning, love." Binati agad ako ni Brian with a quick peck on the lips. He's sitting at our dining table with an empty plate and a half empty cup of coffee. Madalas siya mag-breakfast sa bahay namin kapag hinahatid niya ako to work.

"Good morning, love." I greet him back as I take a pandesal to eat quickly. Ibinaling ko rin kaagad ang tingin ko kay ate Lalay, kasambahay namin at nagbabantay kay mama kapag wala ako. "Ate Lalay, huwag mo po kalimutan ang mga iinuming gamot ni mama this morning ha. Alam mo naman 'yan si mama, pasaway."

"Yes po, ate." Sagot ni ate Lalay habang nagliligpit ng plato at baso na ginamit ni Brian.

"Rinig kita, Sairyl." Nakasimangot na sabi ni mama.

Nginitian ko lang siya at hinalikan sa pisngi. "Totoo naman mama, ang pasaway mo po kaya. Ikaw talaga! Huwag ka na makulit at makinig ka kay ate Lalay ha. See you later po!"

Lumabas na kami ng bahay ni Brian at sumakay na sa kotse niya.

"Nagpuyat ka na naman, ano? Ano na namang Kdrama tinapos mo kagabi?" Kilala na talaga ako ni Brian, alam niya kapag ganitong late na ako nagising na may bininge watch na naman ako.

"Tinapos ko lang yung Moon Lovers kagabi, ang ganda kasi. Sobrang nakakaiyak!" Kwento ko sa kanya habang nagpa-powder. Sa pagmamadali ko, sa kotse niya na ako nag-makeup.

"Kaya naman pala pugto na naman 'yang mata mo."

"Halata ba?" Humarap ako sa kanya at saglit niyang ibinaling ang tingin sa akin. Ngumiti lang siya, inilagay ang kamay sa likod ng ulo ko para hilahin ako palapit ng kaonti sa kanya at hinalikan ang noo ko. "Medyo, pero maganda ka pa rin naman."

Hindi na ako umimik pagkatapos at itinuloy na lang ang pagme-makeup ko. It's not hard for me to do my makeup while Brian drives because he never drives fast when he's with me. After the accident 7 years ago, I have never learned to drive and I have also developed anxiety riding cars. I get panic attacks kapag bumilis ang sinasakyan ko thinking that another accident may happen. This is one of the reasons din kaya Brian always make it to a point na ihatid sundo ako palagi sa trabaho o sa ibang pupuntahan ko. As much as possible, he wants me to avoid commuting.

Lie About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon