Chapter 5

8.1K 398 163
                                    

You can also tweet your reaction using this hashtag #LieAboutLoveCh5

Update next weekend! You can also follow Lie About Love's Facebook page here: https://www.facebook.com/Lieaboutlove


-

"Hi everyone, my name's Melody Tiangco."

I felt like fate was playing with me as soon as I saw her enter the room. I can't believe someone would still be transferring mid semester. It doesn't usually happen pero from what I heard sa classmates namin her aunt is the owner of the school and made the special arrangement for her. She was also doing private virtual classes with the professors in the university when she was still in California para makahabol siya sa mga lectures before fully transferring here.

Sa dami-rami namang mas magandang universities, dito pa talaga sa parehong unibersidad at sa parehong klase pa. At sa lahat naman ng araw na pwedeng maging vacant ang upuan sa tabi ko, ngayong araw pa. Yes, she decided to sit next to me and befriend me! Buti na lang hindi niya ako namukhaan kahit nagkita na kami sa sinehan.

Kyla, being extra friendly as always, was too excited to even invite her for lunch. All the while, I had to force a smile and be awkward to her the whole time.

"I'm really happy na I already made friends agad. I was really nervous kasi I don't really have friends here as I've lived mostly in California and I might not fit in with anyone here." Kahit pag-inom ng iced coffee ang sophisticated niya pa rin tignan at dinig sa pananalita niya ang American accent niya.

"Ngayon ka na lang ba naka-visit dito sa Pilipinas ulit?" Napakaraming tanong ni Kyla, always a curious cat.

"Not really, I was actually here just last year to meet my fiancé."

Nagulat kami pareho ni Kyla. Well, kahit alam ko na, hindi ko pa rin napigilan mag-react.

"Woah! May fiancé ka na?"

Ngumiti si Melody, "Yup! It was actually arranged by our parents but I was so glad they did kasi I ended up really liking him! He's such a sweet guy!"

Napatigil ako sa paghahalo ng straw sa kape ko nang marinig ko 'yon. I felt a tinge of jealousy when I heard her say that.

"Hala! Wow! Parang sa mga movie lang ang ganyan ah! Ano name niya? Pakilala mo naman sa amin one day!"

Iimik pa lang sana ako para sana pigilan ang sinabi ni Kyla pero nailabas na agad ni Melody ang phone niya at ipinakita sa amin ang wallpaper niya. Picture niya ito kasama si Cedric. Pareho silang nakangiti sa litrato at magkadikit ang kanilang mga mukha.

"This is him. His name is Cedric Fontanilla. Ang gwapo, right?"

Nanlaki na lang ang mga mata ni Kyla at napangiwi na lang siya, "A-ah! W-wow! Oo nga!"

I smiled awkwardly and didn't really say anything.

"How about you girls? May mga boyfriend na ba kayo? I want to get to know you more!"

Napansin ko na parang hindi na rin mapakali si Kyla sa sitwasyon pero sinubukan niya na lang din sagutin ang tanong ni Melody. "Uhh . . . hindi pa naman boyfriend, pero dating stage na kami. Kakakilala ka lang sa kanya from an online app."

Nagtanong pa ng marami si Melody kay Kyla about Mark and how they met. Pinagmamasdan ko lang siya at sa tingin ko ay mukha naman siyang mabait. In fact, she's really nice and sweet to us. If I didn't know na may relationship siya kay Cedric, I think sobrang gaan na agad ng loob ko sa kanya. Why am I feeling resentment towards her? She's not at fault here. Mukhang hindi niya nga rin alam na naging kami ni Cedric.

Lie About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon