Chapter 22

4.1K 203 331
                                    


A/N: Hey LAL readers, if you haven't joined our Facebook group yet, feel free to join us here: bit.ly/dennysaurs para maka-chikahan niyo rin ang iba pang LAL readers! ;)

May isa pa akong chapter na iu-upload, habol ko later or tomorrow. Hehe!

- ❤ -

"Ma, pagkatapos mo sa operation at gumaling ka nang tuluyan, promise ko sa 'yo magta-travel tayo sa lugar na gusto mo."

"Nako, anak. Gastos lang 'yan, ipunin mo na lang. Pasensya ka na sa nanay mo ha at wala ako naipong pera at ikaw tuloy ang sumasalo ng lahat."

Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ito upang iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya.

"Ano ka ba, ma. I will do everything for you kaya magpagaling ka kaagad ha at pagplanuhan natin pagkatapos kung saan tayo pupunta."

"Ay sige na nga. Gusto ko sa El Nido ha pero kapag may sale na lang para tipid."

"Bakit doon?"

"May kamag-anak kasi tayo doon, pinsan ko na hindi mo pa nami-meet. Makakatipid tayo sa accommodation. At saka hindi pa kasi ako nakakapunta doon at feeling ko maganda doon."

"Okay sige po, pupunta tayo doon kapag magaling ka na. Pupuntahan natin lahat ng beach doon. Sa ngayon, matulog ka na po at maaga pa ang operasyon mo."

Tumayo ako upang ayusin ang kumot ni mama at hinalikan siya sa noo.

"Goodnight, ma."

Ngumiti siya at ipinikit na ang mga mata. Pinatay ko na ang ilaw at nahiga na sa sofa ng ospital. Nang makahiga na ako ay narinig kong magsalita ulit si mama.

"Sai, anak . . ."

"Po?"

"Sana maabutan ko pa kayong magpakasal ni Brian at bumuo ng pamilya. Ayaw kitang iwan sa mundong ito ng mag-isa. Gusto kong makita na may sarili ka ng pamilya bago man lang ako mawala."

Bigla akong naluha nang marinig ko 'yon.

"Ma naman, bakit ganyan ka, para kang namamaalam. 'Wag ka po mag-alala, alam kong maabutan mo pa ang mga magiging apo mo."

"Wala pa bang balak si Brian? Ang tagal ko na nagpaparinig doon."

"Meron naman po pero ako ang hindi pa handa . . ."

"Bakit?"

Pinag-isipan ko muna kung dapat ko bang sabihin kay mama ang lahat ng nararamdaman ko. Gumilid ako ng higa upang humarap sa higaan niya habang yakap ko ang aking unan.

"Tanda mo pa ma noong kausapin ko kayo nina papa na 'wag babanggitin kay Brian ang tungkol kay Cedric?"

"Oo, ang sabi mo ay para 'yon sa ikakatahimik n'yong tatlo kaya um-oo na lang kami ng papa mo. Hindi pa rin ba niya naalala si Cedric?"

"Hindi pa at alam mo ba ma, nakita ko ulit si Cedric. Ang malala pa ay siya ang may-ari ng kumpanyang pinagta-trabahuhan ko."

"Sana naman ay wala ka ng nararamdaman kay Cedric. Alam kong malalim ang pinagsamahan n'yo ni Cedric pero ang tagal na niyon, anak."

"Hindi ko rin po alam, ma. Sa totoo lang nang makita ko ulit siya, naguluhan ako. Nag-iba siya, nag-mature pero minsan ay nasisilayan ko sa kanya ang dating Cedric na nakilala at minahal ko."

"Paano si Brian? Napakabait ng batang 'yon at saksi ako kung gaano ka niya kamahal sa pagsunod pa lang niya ng tingin sa 'yo."

Tinitigan ko ang nakasarang bintana habang mas ibinalot ko pa ang kumot sa aking sarili.

Lie About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon