Chapter 15

4.8K 188 55
                                    

Hey readers! I've made a Spotify Playlist for LAL's featured songs, will add more songs as the story progresses! Here's the link if you want to check it out: bit.ly/LALplaylist


As for Kyla's side story (Like Chalk And Cheese), I will be postponing it. I'll need to focus on a paid project: Every 30 Seconds Of You and completing the revision of The Most Painful Battle. Sorry, unexpected changes in schedule and deadlines! Hehe! 


-

Chapter 15

"Girlfriend kita?" Kumunot ang noo ni Brian nang sabihin ko sa kanya kung sino ako. He just recently woke up and because of his amnesia, he could only recall remote memories and his most recent ones were in a haze. Sabi ng doktor, mukhang nabura raw ako sa alaala ni Brian pero temporary lang naman iyon. Ang suhestiyon ng doktor ay tulungan ko lang daw siyang bumalik ang mga alaala niya sa pamamagitan ng madalas na pakikipag-usap sa kanya at pagpapaalala ng mga panahong magkasama kami.

"Yup, we just recently started dating. Here," I smiled while I handed a piece of apple I just tried to peel for him. Kinuha niya naman ito ngunit bakas pa rin sa mukha niya ang pagkalito, it seems as if he's trying to rack his brain in search of his memory of me.

"Paano tayo nagkakilala?"

Napatigil ako sa pagliligpit ng mga pinagbalatan ko ng mansanas. Hindi agad ako nakasagot kaya inulit niya ang tanong niya. Nagbuntong-hininga ako at sinubukang ngumiti sa kanya.

"Pinakilala ka sa akin ni Kyla, 'yong pinsan mo na siyang bestfriend ko." Kinumpirma ng pagtango niya na naalala niya si Kyla. Nagpatuloy ako sa aking kwento. "First date niya kasi 'yon tapos pinipilit niya akong samahan siya, pero dahil wala naman akong maisasama sa date ay ipinakilala ka niya sa akin. It went well naman and we started liking each other after that hanggang sa naging tayo na."

Marami pa siyang mga kasunod na tanong tungkol sa aming dalawa at sa lahat ng tanong na 'yon, hindi ko binanggit ang pangalan ni Cedric. Mukhang nakumbinsi naman siya sa mga kinuwento ko sa kanya at simula noon, 'yon na ang naging katotohanan sa relasyon naming dalawa. Even after 7 years, walang kahit isa sa aming dalawa ang nagbanggit ng pangalan ni Cedric.

7 years of peace. Akala ko tuloy tuloy na ngunit isang araw, bigla na lang siyang bumalik at sa panahon pa talaga kung saan maraming kaguluhang nangyayari sa buhay ko.

"Excuse me, do I know you?"

Hinigpitan ko ang kapit ko sa panyong nakatakip sa kalahati ng mukha ko at umiling-iling sa tanong niya. Ayaw kong umimik dahil baka makilala niya ang boses ko.

"Oh, sorry. I thought you were someone I knew." I try not to let out a loud sigh so I wouldn't be obvious. Hindi na rin naman niya ako kinulit at ibinalik na lang ang tingin niya sa cellphone niya. Mayamaya lang ay tumunog ito at may kinausap siya sa kabilang linya hanggang sa magbukas na ang elevator. Nauna na siyang lumabas at lalong lumakas ang kaba ko nang marinig ko ang mga taong nakasalubong niya na binabati siya ng, "Good morning, sir!"

"Hi, good morning! Are you here for your first day orientation?"

"Ma'am?"

"Ma'am? Hello? Okay lang po kayo?" I think natulala ata ako dahil wine-wave ng receptionist ang mga kamay niya sa harap ko para siguro mag-snap out ako sa pagkakatulala ko.

Inilagay ko ang ilang strand ng buhok ko sa likod ng tainga ko para itago ng konti ang pagkahiya ko. "Y-yes, sorry. First day ko po rito, I was told na may HR orientation muna kami before going to our workstation."

Lie About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon