Chapter 30

11.5K 301 663
                                    

A/N:

Thank you so much for reading and supporting Lie About Love until the end. You can use this hashtag in your Twitter/Fb posts to share your thoughts about the final chapter or the overall story: #LieAboutLoveTheEndGame

We are also having a private virtual party on Saturday, 25th September 2021 to celebrate the end of this story. If you want to join us, feel free to respond to this Google form to receive an invite: https://bit.ly/LALform

Enjoy reading!

-

Chapter 30

Cedric's Point of View

'Congratulations, Sairyl and Brian.'

Napangiti ako habang sinasara ko na ang aking laptop matapos kong i-send ang comment na iyon. Kakatapos ko lang tignan ang mga wedding photos na naka-upload sa profile ni Sai. Kinasal sila noong isang linggo lang at ngayon ko lang nakita ang mga larawang iyon.

Alam ko na noon pa na sila talaga ang para sa isa't isa. Alam kong si Brian ang tamang tao para sa kanya at masaya akong nakitang nakangiti siya sa mga larawang iyon. Napakaganda niya talaga habang suot ang kanyang wedding dress. I once dreamt of being the guy standing in front of her and sharing those vows.

Sairyl was my childhood friend before she became my girlfriend. We met in elementary school. I was a year older than her. Our classrooms were next to each other and we had the same after class tutor. That's where we started getting to know each other until we became close friends.

I had a big crush on her. She was the first and only girl I actually liked. It was a secret at first because I didn't want her to feel uncomfortable with me. It was in high school when I finally decided to confess my feelings for her.

15 siya noon, 16 naman ako. It was Valentine's day when a guy gave her flowers and confessed his feelings for her. Sinabi sa akin ni Sai na gusto niyang i-consider ang lalaking umamin sa kanya dahil hindi pa siya nagkaka-boyfriend noon. That was the time that I couldn't hold it anymore.

"Kung gusto mo lang din i-try magka-boyfriend, bakit hindi na lang ako?" Tandang-tanda ko pa ang nagulat niyang reaksyon nang isigaw ko ito sa kanya habang kumakain kami ng ice cream sa kwarto niya. Nakatitig lang siya sa akin habang naiwang nakaipit sa bibig niya ang kutsara.

"Sai, Cedric. Nag-aaway ba kayo? Ano 'yong sigawang narinig ko?"

Naputol ang pagkabigla niya nang marinig namin ang sigaw ng mama niya mula sa baba. Agad siyang sumagot dito, "wala po, ma! Sabi ni Cedric kung magluluto ka raw po ng lumpia for dinner! At hindi raw po masarap 'yong flavor ng ice cream na binili mo!"

"Hoy! Wala akong sinabing ganoon! Baka sabihin ni tita ang demanding ko!" Tinakpan ko ang bibig niya dahil sa hiya ko sa mama niya. Tumawa lang siya habang pilit tinatanggal ang kamay ko sa bibig niya.

"Chill ka lang! Alam mo naman love na love ka ni mama, kahit lechon pa i-request mo, hahanapan ka niya," natatawa niya pa ring sabi nang matanggal niya na ang kamay ko sa bibig niya. "Kaya nga dalasan mo pagpunta dito para masarap ulam namin."

"Paano kapag may boyfriend ka na? Malamang hindi na ako pwedeng pumunta dito dahil siyempre, magseselos 'yon." Ibinaling ko ang atensyon ko sa aking baso na may lamang tunaw na ice cream, inikot-ikot ko ang kutsara dito habang hinihintay ang sunod na sasabihin niya.

"Bakit ang weird ng mga sinasabi mo ngayon, Ced?" I knew that she was staring at me but I couldn't get my eyes away from the melted ice cream. I was scared to meet her eyes knowing that I might find rejection.

Lie About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon