Chapter 26

4.2K 203 477
                                    

Kanina ko pa sinusubukang tawagan si Brian matapos ang tawag ng HR nila sa akin ngunit nakapatay pa rin ang telepono niya. Sinubukan ko rin tawagan si Rowan ngunit hindi ito sumasagot, baka busy sa trabaho. Bumalik na lang ako sa desk ko at sinubukang mag-focus sa trabaho. Hindi pa rin kami nag-iimikan ni Hannah at nagpapasalamat ako at wala akong kailangang documents sa kanya dahil hindi ko talaga siya kayang kausapin sa halong inis at pagkailang.

Pagdating ng lunchbreak ay agad akong hinarap ni Hannah at hinigit ang kamay ko.

"Tara, mag-usap tayong dalawa."

Tahimik na sumunod na lang ako sa kanya. Dinala niya ako sa isang fast food restaurant malapit sa building namin. Hindi kami nag-iimikan hanggang sa dumating na ang order namin.

"Wait, pasubo lang muna bago kita kausapin at ako'y mainit ang ulo kapag gutom," saad niya, kinuha naman niya agad ang utensils niya at kumain muna. Sinubukan ko rin kumain ngunit wala talaga akong gana kaya hindi ko ito masyadong nagalaw.

Nang mangalahati na siya sa kanyang pagkain at matapos uminom ay saka lang siya ulit nagsalita.

"I would assume na," ibinaba niya muna ang baso niya sa lamesa, "nag-usap na kayo ni Brian? Naipaliwanag naman niya siguro ang nakita mo?"

Umiling ako habang nakatingin lang sa pinggan ko. Nagulat ako nang ihampas niya ang kamay sa lamesa.

"What the fuck?" Parang hindi niya makapaniwalang sabi. "Dumaan ang Sunday, hindi pa rin kayo nag-uusap? Anong trip n'yo?"

I bit the inside of my mouth to stop myself from saying anything offensive to retaliate with her tone.

"My gosh!" Sumubo ulit siya bago magsalita ulit. "Magkaaway pa rin ba kayo dahil lang doon? Okay, ako na lang magsasabi sa 'yo. High school friends lang kami ni Brian, okay? Ni hindi ko nga alam na mag-jowa pala kayo!"

"Parang ang daling gumawa ng kwento para sa inyo, ano?" saad ko. Nagawa ko ng tignan siya sa kanyang mga mata at napansin ko ang gulat na unang lumabas sa kanyang mga mata na napalitan agad ng sakit at pagkadismaya. Umiling siya bago sumubo ulit ng pagkain.

"Wait ka lang talaga ha, nagugutom ako sa ugali mo." Tinuro niya ang pinggan ko. "Kumain ka rin nang magkalaman ng sustansya 'yang utak mo."

Hindi pa rin ako kumibo at pinagmasdan lang siyang tapusin ang kinakain niya.

"Alam mo Sairyl," itinuro niya ako ng tinidor niya na medyo ikinainis ko lalo, "feeling ko iniisip mo na siya 'yong lalaking kinuwento ko sa 'yo noong isang araw na imi-meet ko. Napaisip tuloy ako bigla kasi kung affected ka doon, does that mean tinamaan ka rin sa part na nakikipagkita ka pa sa ex mo? I mean, hindi ka naman siguro maghihinala ng ganyan kung hindi ka tinamaan doon?"

The thing I like and hate the most about Hannah is that she's always brutally honest.

Nang hindi ako sumagot sa tanong niya ay kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya. May mga pinindot siya doon bago niya ini-slide ito sa lamesa papunta sa akin.

"O, basahin mo nang mapatunayan ko sa 'yo na hindi naman siya ang tinutukoy ko last time."

Kinuha ko ang cellphone niya at tinignan ang laman nito. Binuksan niya ito sa messenger niya kung saan may ka-chat siyang "Arvin Bernardo". I scrolled through their conversations and there I found that she was telling the truth about the guy wanting to meet with her in his unit. I also found the part where he talks about breaking up with his girlfriend.

Nang matapos ko ng basahin ito ay inislide ko ito pabalik sa kanya.

"Ano? Naniniwala ka na?" Kinuha na niya ang cellphone sa lamesa at ibinalik sa bulsa niya.

Lie About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon