Chapter 25

4.1K 186 938
                                    

A/N: Nakakaloka naman po ang 2k comments n'yo sa last chapter! Ang sisipag! Hahaha! Thank you po! I will try to write the next chapter tomorrow and hopefully upload it on the same day too! :)

Enjoy reading! :)

-

"Sai, wait. It's not what you think." Sinubukang abutin ni Brian ang kamay ko ngunit hinigit ko kaagad ito palayo upang hindi niya ako mahawakan.

"Hala! Magkakilala kayo? Siya ba 'yong kinukwento mong girlfriend?" Tinuro ako ni Hannah habang nanlalaki ang mga mata niya. Bigla kong naalala ang mga sinabi niya sa akin kahapon.

"Sabi niya sa akin, magulo daw isip ng girlfriend niya at nauumay na raw siya doon. Ibe-break niya na rin daw soon."

"Well, may kasalanan din naman 'yong girl. Nahuli niya raw kasi na nakikipagkita pa rin ito sa ex niya without him knowing kaya 'yon, malabo silang dalawa."

Anong ibig sabihin n'on? Ex? Naalala niya na ba? Nakita niya ba kami? Ibe-break niya na ba ako dahil magulo ang utak ko?

"Hannah, uwi ka na muna. Sorry, hindi na kita mahahatid," saad ni Brian, sunod na lumingon naman siya sa akin, "mag-uusap lang kami ni Sai."

"Hindi na, ako na ang aalis." May halong diin at panginginig sa boses ko. Tumalikod na ako upang maglakad palayo sa kanila ngunit naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Napahinto ako sa paglalakad.

"Wait, Sai. Makinig ka muna sa akin, hindi talaga ito ang iniisip mo," pagsusumamo niya. Ayaw kong makinig sa kanya, ayaw kong makarinig ng kahit ano sa kanila. Hinigit ko ang kamay ko paalis sa hawak niya ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa akin at hinawakan niya na rin ako sa balikat upang iharap sa kanya. Nagpumiglas ako at pilit siyang tinutulak palayo sa akin.

"Sairyl, kumalma ka, please. Tignan mo ako!" Hinawakan niya nang mariin ang baba ko at pilit na inaangat ang mukha ko upang magtama ang aming mga mata. Pakiramdam ko ay tumatagos sa buong pagkatao ko ang mga tingin niya habang mariin ngunit may tunog ng hinanakit niyang sinabing, "hayaan mo naman akong magpaliwanag."

Tama naman siya. Magulo ang utak ko at mas lalong gumugulo ngayon. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at pilit kong tinutulak paalis ang kamay niya sa akin. Nasasaktan ako sa mga pumapasok sa isip ko at hindi ko kayang kausapin siya.

"Bitawan mo ako, Brian! P*tangina! Kung naguguluhan ka sa utak ko at gusto mo na akong hiwalayan, sana sinabi mo na lang! Hindi 'yong ganitong napakababoy mo!"

"Hala uy! You're getting this wrong, Sairyl!" Marahas na iwinasiwas ni Hannah ang mga kamay niya habang itinatanggi ang nakita ko.

"H'wag mo akong kausapin!" sigaw ko kay Hannah. Hindi ko rin alam kung paano siya haharapin dahil ang sama sama ng loob ko sa kanilang dalawa. "T*ngina n'yo! Magsama kayong dalawa!"

Tinulak ko ng buong lakas ko si Brian at napabitaw na siya sa akin. Agad akong tumakbo palayo at nagtungo agad ako sa elevator.

Sumunod din naman agad sa akin si Brian at pilit akong tinatawag ngunit hindi ko siya pinapansin. Pumasok na ako ng elevator nang bumukas ito ngunit hindi ako makababa dahil humarang siya sa pinto upang mapigilan ang pagsara ng elevator. Pilit kong paulit-ulit na pinipindot ang buton upang magsara ito ngunit hindi talaga siya nagpatinag.

"Ano ba! Umalis ka na d'yan!" sigaw ko.

"Sai, please. Nakita ko lang sa daan si Hannah kanina noong pauwi ako. She was just my highschool friend," paulit-ulit niyang paliwanag.

"Sa tingin mo maniniwala talaga ako doon?" Umulit na naman sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Hannah. May nangyari ba sa kanila? Kung anu-ano na ang eksenang pumapasok sa isip ko at pakiramdam ko ay masusuka ako nang makitang may ibang babaeng kahalikan at kasama sa higaan si Brian.

Lie About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon