Chapter 7

6.8K 292 76
                                    

Fictional Portrayers (Not real):

Kim So-Hyun as Sairyl

Song Kang as Cedric

Nam Joo-hyuk as Brian


You can also tweet your reactions for this chapter using this hashtag: #LieAboutLoveCh7

Will post another update tomorrow! Enjoy reading! <3

-

"Napagtanto ko na hindi kita kayang kalimutan. My heart still belongs to you."

Shock ran through my body as he held me there tightly in the corner of one of the empty hallways. Luckily it was a weekend, halos lahat ng tao nasa gym at nanunuod ng swim meet.

I immediately got back to my senses and I tried to push him with all my strength. He reluctantly pulled away but his eyes were still fixed on me.

"Cedric, can you please stop confusing me? If your heart still belongs to me then why did you leave me in the first place? Engaged ka na, 'wag mo na ako guluhin. Hindi magandang biro ang ginagawa mo."

May sasabihin sana si Cedric pero hindi niya na ito naituloy nang marinig namin parehas ang boses ni Brian sa likod niya. Parehas namin siyang nilingon, tumakbo agad si Brian sa tabi ko at hinigit ang kamay ko para madistansya kay Cedric.

"Sai, bigla kang nawala sa gym. Sabi ni Kyla nagbanyo ka raw kaya sinundan kita para hanapin. Okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong niya. Lumingon din siya agad kay Cedric, "Pre, I know we are good friends and meron kayong nakaraan ni Sai, pero I'm warning you. Please don't bother Sai anymore lalo na kung sasaktan mo lang siya."

I saw Cedric glaring at him. "Brian, this is between me and Sai. Can you please leave us alone?"

"No, Cedric. There's nothing between the two of us. Ikaw ang umalis na at huwag mo na akong guluhin. I'm now dating Brian and I don't want you bothering me anymore. Please go back to your fiancée before she starts looking for you. Melody is a good friend and I don't want her knowing anything about us." I don't know where I got the courage to say all that without actually stammering. I probably just had enough and I just want him out of my sight before my stupid heart gives in to him again.

When he just stared at me without saying anything, I turned my back on him and held Brian's hand to pull him away from there. "Let's go, Brian."

"Saan tayo pupunta, Sai?" Dire-diretso lang ako sa paglalakad habang hila hila ko pa rin ang kamay ni Brian. Natauhan lang ako nang magsalita siya kaya napatigil ako sa paglalakad. Nakarating na kami halos sa dulo ng campus sa kagustuhan kong mapalayo kay Cedric. Binitawan ko na ang kamay ni Brian, nakatalikod pa rin ako sa kanya habang nakayuko. Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko at para bang inuudyok niya akong humarap sa kanya.

"Uy Sai, are you okay?"

Hindi ako makapagsalita. Umiling lang ako sa kanya habang kagat ko ang labi ko upang mapigilan ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha ko.

"Sai?" Bumigay na ang mga luha ko nang tawagin niya ulit ang pangalan ko. Naramdaman kong lumapit pa siya lalo sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Kumapit ako sa kanyang jacket at halos maging pamunas ko na ito ng aking mga luha. Hindi siya umimik at hinayaan niya lang akong umiyak hanggang sa gumaan na ng konti ang aking pakiramdam at tumahan na ako.

"Do you want to tell me what happened earlier?" Tanong niya habang pinupunasan ng mga kamay niya ang mga natirang luha sa aking magkabilang pisngi. Umiling ako bilang tugon at tumango siya bilang pag-intindi sa desisyon ko na huwag ng ikwento pa ang napag-usapan namin ni Cedric.

Nginitian niya ako at sabay sabing, "Gusto mo ng strawberry cake? Tara, libre kita."

"Pero paano 'yong awarding ceremony . . . "

"Nah, text ko na lang si coach. Kunwari sumakit tiyan ko at sila na bahala kumuha ng medal."

Pumayag ako sa alok niya dahil ayaw ko na ring bumalik sa gym kung saan nandoon din si Cedric. "Sige wait lang, text ko lang din si Kyla para sabihin sa kanyang mauuna na tayo."

Matapos ang araw na iyon halos hindi ako nakatulog kakaisip sa mga nangyari dahilan para tanghaliin na ako ng gising kinabukasan. Buti na lang Sunday at walang pasok. I thought of doing some of my research paper pero while I was at it, I couldn't really concentrate. Bumabalik pa rin sa akin ang mga sinabi ni Cedric.

'Napagtanto ko na hindi kita kayang kalimutan. My heart still belongs to you.'

Ano ba talaga? The other day he was being extremely cold to me and pushing me to Brian. And just when I have actually done what he wanted me to do, ito na naman siya telling me a different thing.

"Ah! Wala akong matapos." Sinara ko na ang laptop ko after realizing na hindi na ako nakakausad sa ginagawa ko. I decided to quickly fix myself and go to the nearest convenience store. Makabili ng ice cream, pampalamig at pampakalma ng sarili.

I opened the wrapper of the ice cream as I got out of the convenience store. I was about to walk back home when I heard a car beeping. It was a black Mercedes Benz that stopped in front of me. The back window rolled down and I saw Melody waving at me with a smile, "Hey, Sai! I knew it was you! I saw you coming out of the convenience store and asked my driver to stop. Are you on your way home? Halika, we'll take you there."

Great. Another person I really don't want to see now. 

Lie About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon