PROLOGUE
MARIING ipinikit ni Train ang mga mata habang kausap ang ina niya sa telepono. Sa sobrang bilis ng pagsasalita nito ay ang tanging naiintindihan lang niya ay 'kasal', 'Krisz' at 'soon'. Kahit naman iyon lang ang naririnig niya sa napakahabang speech ng mommy niya ay alam na niya ang sinasabi nito.
His family wanted him to marry the heiress of Romero's Chain Of Hospitals. Alam niyang matagal ng gusto ng ama niya na mapasakamay nito ang chain of hospitals ng mga Romero at gusto rin naman ng mga Romero na makapasok sa Wolkzbin Industries. At mangyayari lamang ang gusto ng bawat pamilya kapag nagpakasal sila ng nag-iisang anak ni Mr. Kalem Romero na si Krisz Romero, ang makulit na babaeng iyon na sunod ng sunod sa kanya.
Mabuti nalang at palagi niya itong natatakasan at hindi siya nito nahuhuli. Masyadong makulit ito at pursigidong magpakasal silang dalawa. Masasabi niyang maganda naman ang dalaga pero ayaw pa talaga niyang magpakasal. Napakabata pa niya. Marami pa siyang dapat gawin at patunayan.
Kung kailangan magtago ay gagawin niya para hindi makasal sa babaeng iyon. Pero kailangan niyang umuwi sa Russia sa susunod na buwan kundi mapapagalitan na naman siya ng kaniyang ama.
"Mommy, stop talking and take a deep breath," putol niya sa speech ng ina niya. "Kahit ano pa sabihin niyo, hinding-hindi po ako magpapakasal sa babaeng 'yon. Okay po?"
"Hindi! Pinagusapan na naming ito na ama mo. Ito lang ang tanging paraan—"
"Mommy, kung ayaw niyo akong lumayas at mawala na parang bula, tigilan niyo po ako sa kasal na iyan. Ayoko pa dahil marami pa akong gagawin sa buhay ko at wala roon ang mag-asawa ng maaga." Alam niyang bastos ang ginawa niya pero pinatayan niya ng telepono ang sariling ina.
Naiinis na kasi talaga siya, e. Yong pagtitimpi niya sa bulyawan ang mga magulang ay malapit nang masagad! Paulit-ulit nalang ang diskusyon nila tungkol sa pagpapakasal niya kay Krisz.
Itinapon niya ang cellphone sa ibabaw ng kama at lumabas ng penthouse niya. May business meeting sila ngayon ni Lash Coleman. Gusto nitong pasukin ang business world sa Europe at magiging magkasosyo sila nito sa itatayo nilang condominium at apartment buildings sa London.
Pagkatapos niyang i-locked ang pinto ng penthouse, akmang maglalakad siya patungo sa elevator, ng may magsalita sa likod niya.
"Nahuli rin kita," anang boses ng babae.
Natigilan siya ng marinig ang pamilyar na boses. Shit! Hanggang dito ba naman sinundan siya nito? Akala niya ay natakasan niya na ito sa Baguio.
"Anong kailangan mo?" Tanong niya habang nakatalikod parin.
"Nandito ako para pag-usapan ang kasal natin. I want it soon—"
"Wala ka bang hiya sa sarili mo?" Humarap siya sa babae at natigilan siya ng makita ang napakaganda at napakaamo nitong mga mata.
Pero hindi siya nagpa-apekto sa atraksiyon na naramdaman niya sa dalaga. Pinatigas niya ang puso niya at inilabas ang halimaw na lumalabas lang kapag nakikipag business meeting siya.
He forced himself not to feel anything.
"Look woman," panimula niya. "Hindi ka nalang mahiya sa akin pero please lang, mahiya ka naman sa sarili mo. Ikaw pa talaga ang namimilit sa akin na magpakasal tayo. Women should stay and wait for men to ask their hand for marriage. Desperado ka na ba o talagang gustong-gusto mo ako para ipilit mo ang sarili mo sa akin? Well, news flash Miss Romero, hindi ako magpapakasal sa'yo kahit pa mamatay ang mga kaibigan ko. And mind you, mahalaga sa'kin ang mga kaibigan ko. So please, itigil na natin ito dahil wala kang mapapala sa'kin."
His stone-hard heart cracked a little when he saw her eyes watered. Pero walang nahulog na luha sa pisngi nito. Nakita niyang nagtagis ang bagang ng dalaga at tumalim ang mga mata.
"Mister Wolkzbin, for your information, wala akong gusto sa'yo. Hinahabol-habol kita kasi kailangan ng pamilya namin ang pamilya niyo. At dahil mabait akong bata, sinusunod ko lang ang kagustuhan ng pamilya ko dahil iyon ang makabubuti sa amin. Pero kung yan naman pala ang tingin mo sa'kin, mas gugustuhin ko pang magpakasal sa hayop kaysa sa isang katulad mo." Isang malakas na sampal ang ginawad nito sa pisngi niya.
"Fuck you—"
"Fuck you ka rin!" Sigaw nito. Puno ng galit ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. "Para iyan sa pang-iinsulto mo sa pagkababae ko. For your information, marami akong manliligaw at hinding-hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa walang pusong katulad mo! Letse ka!" Pagkasabi no'n ay nagmartsang naglakad ito patungo sa elevator.
Hanggang sa sumara ang elevator, nakatingin lang Train roon.
"Sana naman hindi na niya ako guluhin," aniya sa sarili at hinintay ang elevator na bumukas muli.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 3: Train Wolkzbin
General FictionTrain Wolkzbin eluded marriage for eight years. Hindi siya magpapakasal kahit pa mamatay lahat ng kaibigan niya. Kahit pa magunaw ang mundo, hinding-hindi siya magpapatali sa isang babae. He was enjoying his bachelorhood. Pero mukhang magkaiba ang...