CHAPTER 6

2.1M 42.9K 13.4K
                                    

CHAPTER 6

"KAILAN ba namin makakausap si Mr. Wolkzbin?" Tanong ng isang investor habang nasa conference room sila. Ilang beses na rin ang mga ito umasa na makikita nito si Train Wolkzbin pero alam ni Krisz na umaasa lang ang mga ito sa wala.

Hindi kasama sa usapan nila na makikipagkita ito sa mga investor.

Pasimpli siyang tumingin sa gawi ni Boggy. Hindi niya alam kung anong isasagot dito. Hiniram lang niya ang pangalan ni Train Wolkzbin. Hinding-hindi pupunta rito ang binata.

"Miss Romero," anag isang investor na halata ang iritasyon sa mukha. "Nag-invest kami sa kompanyang ito sa kaalamang isa si Mr. Wolkzbin sa mamahala. Pero magtatatlong buwan na, hindi pa rin namin siya nakikita."

"Talaga bang may share siya rito? Ilang percent ba ang share niya?" Tanong pa ng isa.

"No offence Ms. Romero, but we only invest because of Mr. Wolkzbin. If not for him, we will not waste our money in your company," ani ng isa pa.

"Yes, Miss Romero," sangayon ng isa pang investor. "Alam namin na kumikita ang kompanya mo, pero kapag hindi nagpakita si Mr. Wolkzbin, wala kaming choice kundi i-withdraw ang investment namin—"

Biglang bumukas ang pintuan ng conference room. Then the high and mighty Train Wolkzbin strode in.

"Sorry, I'm late," sabi ni Train at umupo sa katabi niyang silya. "Nice to meet you all."

Parang mga hantik ang mga investors na lumapit kay Train na para bang isa itong matamis na pagkain. The investors shook hands with Train. Samantalang siya ay nakaawang ang mga labi at nakatitig lang sa binata. Gulat na gulat siya na nakita niya ito rito pa mismo sa conference room.

Bumaling ito sa kanya. His eyes held irritation. Bakit naman ito naiirita sa kanya? Bakit ito narito? Maniningil na ba ito sa paggamit niya sa pangalan nito?

Tumibok ng mabilis ang puso niya.

Nginitian ni Train ang mga investor na lumalapit at nakikipagkamay dito. "How's business, everyone? I hope my absence didn't affect anything."

"Of course not, Mr. Wolkzbin," sagot ng investor na kanina lang ay iwi-withdraw ang investment. "Everything is fine."

Mas lumapad pa ang ngiti ni Train. "Great! Meeting adjourned."

Nakangiti lang lahat ng investors habang isa-isang naglalabasan sa conference room. Halatang masaya ang mga ito na nakita si Train Wolkzbin, ang batang-bata na namamahal sa Wolkzbin Empire. Sino nga naman ang hindi gugustuhing makadaupang palad ang isang Wolkzbin lalo na at si Train iyon?

Businessmen around the world know who Train Wolkzbin was. He made a name for himself. Napakarami nitong negosyo sa iba't-ibang panig ng mundo. Kilala rin ang pamilyang pinagmulan nito sa Russia.

"Boss, nandito ka pala sa Pilipinas?" Anang boses ni Boggy na ikinatigil niya sa pag-iisip.

"Kaninang umaga lang ako dumating," sagot ni Train na may ngiti sa nakakaakit nitong mga labi. "Anyway, Boggy, puwede mo bang iwan mo muna kami Miss Romero kahit ilang minuto lang? May pag-uusapan lang kami."

"Yes, Boss." Umalis si Boggy na may nanunuksong ngiti sa mga labi.

I don't like that kind of smile.

Nang sila nalang dalawa ang nasa conference room, nawala ang magiliw na ngiti sa mga labi ni Train at napalitan ng iritasyon ang mukha nito.

"Dad is in the hospital again," anito na para bang kasalanan niya iyon. Puno ng iritasyon na sinuklay nito ang buhok gamit ang kamay nito. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. Siguro nga I'm just delaying the inevitable."

POSSESSIVE 3: Train WolkzbinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon