CHAPTER 18

2M 42.5K 4.5K
                                    

CHAPTER 18

NAPAKUNOT ang nuo ni Train ng magising siya na wala na siyang saplot sa katawan maliban sa boxer na suot. Mabilis siyang bumangon at puno ng pangamba na pinalibot ang tingin. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang nasa silid pala siya nila ni Krisz.

Thanks God...

Tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa ibabaw ng kama at nasapo niya ang ulo ng maramdamang parang binibiyak iyon sa sakit.

"Argh! I hate hangover!" He groaned.

Maglalakad sana si Train patungo sa banyo ng makita niya ang isang post-it note sa ibabaw ng beside table at katabi niyon ay dalawang Advil saka isang basong tubig.

Pinulot niya ang post-it-note at binasa ang nakasulat doon. Sulat kamay 'yon ng isang babae at nakumpirman niya iyon ng mabasa ang nakasulat doon.

Hubby,

Here's an Advil for your headache. Nagluto na rin ako ng sopas para sa'yo. I'm sorry about what I did yesterday. I know it was childish of me. Kapag nabasa mo 'to, siguro nasa opisina na ako. Sana magustuhan mo ang niluto ko. Have a great day ahead. Mwah.

-Wifey

Napatitig siya 'mwah' na isinulat nito. Gusto niyang manatiling galit kay Krisz, pero habang matagal siyang nakatitig sa salitang 'mwah', nalulusaw ang galit niya. Napailing-iling nalang siya at pinulot ang Advil at isang basong tubig na katabi niyon at ininom ang gamot. Pagkatapos ay nagtungo siya sa banyo para maligo.

Pagalipas ng ilang minuto, natagpuan ni Train ang sarili sa kusina at nagluluto. 'Yong sopas na niluto ni Krisz para sa kanya ay kanina pa niya naubos. Medyo natakot siya nuong una pero ng matikman niya at wala naman siyang naramdamang kakaiba, inubos niya ang sopas.

In fairness, masarap ang luto ng asawa niya.

Nang matapos ang niluluto, nilagay niya iyon sa lunch box at lumabas ng penthouse.

Nagmaneho si Train patungo sa office ng asawa niya. Pagdating niya roon, napakunot ang nuo niya ng makita ang sekretarya nitong bakla na si Marky Jeras ay hinahalungkat ang steels cabinet na nasa opisina ng asawa.

Tumikhim siya para kunin ang atensiyon ng sekretarya nito.

Kitang-kita niya kung paano namutla ang mukha nito ng makita siya roon. Nanginginig ang kamay nito na isinara ang steel cabinet at humarap sa kanya.

"M-Mr. Wolkzbin." Hindi ito makatingin sa kaniya ng diretso. "Kayo pala. Ano ho ang ginagawa niyo rito?" Parang kinakabahan nitong tanong.

Tumiim ang tingin niya sa sekretarya. "I'm here for my wife. Nasaan siya?"

Napansin niyang may itinago itong papel sa likod nito. Tumikhim ito. "Nasa Romero's Hospital po siya sa Makati Brach. Nakatanggap siya ng tawag at bigla nalang umalis."

Napatango-tango siya at nilapitan ang steel cabinet na hinahalungkat nito kanina. Sa bawat hakbang niya, humahakbang naman palabas ng opisina ang sekretarya ni Krisz.

"Makakaalis ka na," aniya at mataman tiningnan ito.

Napatingin siya sa hawak nitong papel ng tumalikod ito.

"Wait," pigil niya rito. "Ano 'yang hawak mo?" Tanong niya na ang tinutukoy ay ang hawak nitong papel.

Itinaas nito ang papel at pilit na ngumiti. "Listahan ng mga doktor.s Pinapahanap sa akin ni Ma'am Krisz."

"Okay," aniya na parang wala siyang pagdududa na nararamdaman. "Makakalis ka na."

"Salamat po, sir."

POSSESSIVE 3: Train WolkzbinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon