CHAPTER 10

2.3M 47.1K 12.5K
                                    

CHAPTER 10

SA RECEPTION, walang kibuan si Krisz at si Train. Para silang mga estatwa na magkatabi. Nagsasalita lang silang dalawa kapag may kumakausap sa kanila. Hindi pa rin makapaniwala si Krisz na kasal na talaga sila ni Train. Isa na siyang Wolkzbin ngayon.

At ngayon, habang nasa eroplano sila patungo sa honeymoon nila, pareho silang walang imik ni Train. The were lost in their own thoughts and she knew that they were thinking the same thing. What now?

Tumikhim siya para kunin ang atensiyon nito. "Saan tayo pupunta?"

"Philippines," maikling sagot nito.

Hinarap niya ang asawa. Holy mother of Jesus! Parang may kung anong emosyon na lumukob sa puso niya ng tawagin niyang asawa si Train.

Tumikhim siya bago nagsalita. "Sa Pilipinas? Puwede bang magtanong kung bakit?"

Sumagot ito ng hindi tumitingin sa kanya. "Because you have a company to manage and I have some matters to take care of."

"How about the Wolkzbin Enterprise?"

"It can survive even if I'm not there," sagot nito sa walang emosyong boses.

"Okay." Huminga siya ng malalim at bumalik sa dating posisyon. "To the Philippines, then."

Nawalan na naman sila ng imik ni Train. Napansin niyang napakalalim an iniisip nito. Para itong nasa ibang dimensiyon habang naka-upo sa tabi niya.

Napatingin siya sa labas ng bintana ng eroplano. Napakadilim ng kalangitan. She sighed and leaned back on her seat.

Napapitlag siya ng maramdamang may humawak sa kamay niya na nasa armrest ng upuan. Hindi siya umangal o nagkomento ng pinagsiklop ni Train ang kamay nila.

Her heart was beating so damn fast, it fel like she just ran a marathon.

"Galit ka ba sa akin, Krisz?" Kapagkuwan ay biglang tanong ng binata sa kanya.

"Bakit naman ako magagalit sayo?" Balik tanong niya na nakakunot ang nuo.

"Kasi pinilit kitang pakasalan ako."

"No, you didn't." Binalingan niya ito at nahuli itong malamlam ang mga mata habang nakatingin sa kanya. "Pumayag naman ako 'di'ba? At tulad ng sinabi mo, pareho tayong may makukuha sa kasalang ito. Ngayon, hindi na ako magsisinungaling na ikaw ang may-ari sa kalahati ng Romero's chains of hospitals, kasi talagang kahati na kita ngayon sa mga bagay na pag-aari ko."

"Is that so?"

Tumango siya, "yes."

Ngumiti ito at parang natunaw ang puso niya at kinilig. "Kung ganoon, sayo na rin ang kalahati sa lahat ng bagay na pag-aari ko. But there's one thing that I own which I want to give you whole."

Napakunot ang nuo niya. "Ano naman 'yon?"

Naging mesteryuso ang ngiti nito. "Sekreto. Malalaman mo rin kung ano 'yon sa tamang panahon."

Hindi nalang siya umimik at hindi nagkomento sa sinabi nito. Matigas din kasi ang ulo ni Train. Kapag sinabi nitong sekreto, sekreto talaga 'yon.

Umayos siya ng upo saka humilig sa likod ng upuan. "Good night, hubby."

Namingi si Krisz at parang biglang tumigil ang paghinga siya ng maramdaman niya ang malamabot na labi na humalik sa mga labi niya.

"Good night, moya zhena," bulong ni Train malapit sa tainga niya.

Bumaling siya sa dereksiyon nito at nagmulat ng mga mata. Her hazel eyes met his pale charcoal ones. Halong ilang dangkal nalang ang layo ng mga labi nila sa isa't-isa.

POSSESSIVE 3: Train WolkzbinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon