CHAPTER 17
NARARAMDAMAN ni Train na nag-uumpisa na siyang malasing. Umiikot na ang paningin niya kaya naman ipinikit niya ang mga mata para hindi mahilo at isinandal ang ulo sa likod ng sofa na kinauupuan. Pero kahit lasing na siya, inabot pa rin niya ang baso na may lamang scotch. Scotch was a whiskey made in Scotland, kaya iyon tinawag na scotch. Train knew liquor like Lander knew cars. The Wolkzbin Enterprise was centered in liquor business, such as vodka.
"Damn all the women in the world!" Biglang sigaw ni Calyx na ikinamulat ng mata niya.
Napatingin siya kay Calyx na nilulunod ang sarili sa pag-inom ng paborito nitong alak na Martini. Calyx looked like shit. He was a freaking mess. Magulo ang buhok nito at hindi na siya magtataka kung habulin ito ng plantsahan sa sobrang gusot ng suot nitong polo.
"Tumahimik ka nga riyan." Mariin ang boses na sabi ni Lander at pinandilatan si Calyx. "Ayokong maging sikat ngayong gabi kaya huwag kang sumigaw. Pinagtitinginan tayo ng mga tao. Wala akong balak magkaroon ng fans. And anyway, you owe me. Ihahatid kita mamaya sa penthouse mo kapag lasing na lasing ka na at hindi ka na makalakad."
"Whatever, Lander. Bibigyan nalang kita ng dalawang kahon ng Advil bilang kabayaran sa paghatid mo sa akin," lasing na tugon ni Calyx kay Lander saka humarap ito sa kaniya. "May tanong ako, kaibigan."
Nagsalubong ang kilay niya at humarap sa kaibigan. Parang umikot ang mundo niya dahil sa simpling paggalaw na iyon. "Ano 'yon?"
Sinubukan ni Calyx na tumitig sa kaniya sa inaantok nitong mga mata. "Pare, what does it feel like to love a woman who doesn't love you back?"
Nagulat siya sa tanong ng kaibigan. "Bakit mo naman natanong? Nabasted ka, no?" Tudyo niya.
Gusto niyang ibahin ang topic ng pinag-uusapan nila.
Umiling-iling si Calyx at inubos ang Martini na laman ng baso na hawak nito. "Yes. Binasted ako ng babaeng 'yon. Imagine, ako, si Calyx Vargaz na habulin ng babae ay binasted ni Etheyl Vallega, isang babaeng walang ginawa kundi pahirapan ako. Fuck you, love! You should rot in hell!" Sigaw na naman ni Calyx dahilan para mapatingin na naman sa kanila ang mga tao sa kalapit na mesa. "I will sue love in the higher court. Love murdered my heart and Etheyl Vallega was love's accomplice." Dumausdos ito ng upo sa pang-isahang sofa na kinauupuan nito. "Sana hindi ko nalang siya nakilala, e di sana masaya akong nambababae ngayon."
Napailing-iling si Lander. "Umuwi na tayo. Lasing na kayong dalawa, e. Baka mamaya bigla nalang kayong magwala dahil sa ka-miserablehan ng love life niyo."
"Nagsalita ang mas miserable pa ang love life kesa sa'kin." Calyx snorted.
Train chuckled. "How about you, Lander? Kumusta na kayo ni Vienna?"
Umingos si Lander. "Ayoko siyang pag-usapan. That woman makes me crazy, like crazy crazy Pang mental na crazy."
Natawa siya ulit. "'Yan ang napapala niyo. Karma na 'yan kasi mga babaero kayo."
Nalukot ang mukha ni Calyx. "Hindi ako babaero." Dipensa nito sa sarili. "Friendly lang talaga ako."
"Anong hindi?" Lander shot a disapproving look at Calyx's direction. "Sige nga, Vargaz, sabihin mo nga sakin, ilan na ba ang naging babae mo?"
Nagsalubong ang kilay ni Calyx at umaktong nag-iisip. Nagbilang ito gamit ang mga daliri nito sa kamay. Mas lalo pang kumunot ang nuo nito. "Hindi ko na mabilang, e."
Mahina siyang natawa at tumingin kay Lander. "How about you, Storm? Ilang babae na ba ang dumaan sa mga kamay mo?"
Nagkibit balikat si Lander saka inubos ang martini sa baso nito. "Hindi ko na rin mabilang."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 3: Train Wolkzbin
General FictionTrain Wolkzbin eluded marriage for eight years. Hindi siya magpapakasal kahit pa mamatay lahat ng kaibigan niya. Kahit pa magunaw ang mundo, hinding-hindi siya magpapatali sa isang babae. He was enjoying his bachelorhood. Pero mukhang magkaiba ang...