CHAPTER 19

2.3M 41K 15.1K
                                    

CHAPTER 19

HUMAHANGOS na kumatok si Train sa penthouse ni Iuhence. Nagpunta siya sa bahay ni Tyron at nalaman niya mula sa mga magulang nito na wala doon ang mag-asawa at narito raw sa penthouse ni Iuhence.

Kailangan niyang makausap si Tyron.

Tulad ng sabi ni Lander, si Tyron lang ang may love life sa kanila. Kung may tao mang nakakaalam sa salitang pag-ibig, si Tyron Zapanta 'yon. At kailangan niya ang tulong nito.

Nang bumukas ang pinto, mabilis siyang lumapit kay Tyron. "You have to help me!" Aniya habang hinahabol ang hininga. "I think I'm falling for my wife. Ty, anong gagawin ko?" Naguguluhan siya. "Ty, anong gagawin ko?" Ulit na tanong niya sa kaibigan na parang gulat na gulat na nakatingin sa kaniya.

Ilang minutong nakatitig lang sa kanya si Tyron kapagkuwan at nagpalitan ito ng tingin at si Vergara. They shared this look that means 'Train Wolkzbin is in big trouble'.

"Hey! Anong gagawin ko?" Pukaw niya kay Tyron.

Malalim itong napabuntong-hininga saka matiim na tumingin sa kaniya. "Falling? Sa mukha mo ngayon, parang nahulog ka na yata, e. And you fell hard, man. So hard."

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. "How would you know if you already love her and you're not just falling for her anymore?"

Tumalim ang mga mata niya. "Imagine Krisz leaving you. Does that hurt?"

Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Gusto mo sapakin kita? Hindi ako iiwan ni Krisz! Kasal kami, kasal!"

Ngumisi si Tyron. "Imagine Krisz kissing other guy. Does it make your blood boil, Wolkzbin?"

Napatiim-bagang siya. "Shut up, Zapanta! Masasapak na talaga kita."

Mas lalong lumapad ang pagkakangisi ni Tyron. "Imagine Krisz filing a divorce because she doesn't love you. Imagine Krisz making love to another man Imagine Krisz saying I love you to another man. Imagine Krisz romancing other men."

Hindi niya napigilan ang sarili. Nagdilim ang paningin niya. Ikinuyom niya ang kamay at malakas na sinuntok sa mukha si Tyron.

"Fuck!" Malakas na napamura si Iuhence at mabilis na tiningnan ang pisngi nu Tyron na sinuntok niya. "What is wrong with you, Wolkzbin?!"

Habol niya ang hininga habang matalim ang mga mata na nakatingin kay Tyron. Naroon pa rin ang galit at niya sa mga pinagsasasabi ni Tyron. He didn't want to, but he imagined Krisz kissing another man, saying I love you to another man, romancing other men. Sa sobrang galit na naramdaman niya, kay Tyron niya naibunton 'yon lahat.

Nanghihinang napa-upo siya sa sofa at napatingin kay Tyron. He must be really mad at him now. Pero salungat sa iniisip niya, ang lapad ng ngiti ni Tyron na para bang nanalo ito sa lotto.

"Masakit ba, Wolkzbin?" Tanong ni Tyron na nang-uuyam na nakangisi sa kaniya. "Imagination palang iyan, ano pa kaya kapag totoo na?"

Napabuntong-hininga siya saka nagbaba ng tingin habang ang mga kamay ay nasa batok niya. "Masakit," pag-amin niya. "At gusto kong patayin ang lalaki na nasa imahinasyon ko," aniya na nakatiim-bagang. "If a man touch my wife in any way, I will kill him." Tumalim ang mga mata niya at dumilim ang mukha.

"Well, then." Mas lumapad pa ang ngiti ni Tyron sa mga labi. "Sa tingin ko hindi ko na kailangan pang sabihin sayo ang tawag diyan sa nararamdaman mo. Ganoon din ako noon sa mahal kong asawa. Raine was the very air I breathe. She is my life and I become an animal every time a man look at her direction with lust or adoration in their eyes. If I could just murder the whole male species, I would."

POSSESSIVE 3: Train WolkzbinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon