CHAPTER 1
SAPO ang ulo na umupo si Train sa visitor's chair sa labas ng ICU. Sinugod ang ama niya sa hospital dahil na heart attack ito. Pinagsabihan na niya itong hindi mag-trabaho dahil medyo matanda na ito pero hindi ito nakinig sa kanya. As usual.
His father wanted to widen the coverage of Wolkzbin Enterprise. Iyon ang ginagawa niya simula ng mag-take over siya. He put branches in every known country in the world. So far, all feedbacks had been good from each country.
The Wolkzbin Enterprise was built by his great-great-great grandfather. It all started when vodka was discovered. Isa ang Wolkzbin Enterprises sa mga unang manufacturer ng Vodka. Nuong una, tanging sa Russia lang inilalabas ang vodka pero hindi nagtagal inilabas na rin iyon sa iba't-ibang bansa. Doon nag-umpisa ang Wolkzbin Enterprise. Lumago iyon ng lumago kasabay ng pagsikat ng inumin.
The Wolkzbin Enterprise was passed on to every first male in the family. At sa henerasyon niya, nag-iisa lang siyang anak at lalaki pa. Kaya nakaatang sa balikat siya ang responsabilidad na mas palaguin pa iyon.
"Magiging maayos din ang daddy mo," anang boses ng ina niya na naka-upo sa tabi niya.
Palaging nagsasalita ng tagalog ang kaniyang ina kapag silang dalawa lang. Gusto nitong hindi siya maging banyaga sa salitang tagalog.
"He suffered a heart attack, mom," aniya sa mahinang boses. "Anong mangyayari sa kanya ngayon? Hindi puwedeng mawala si daddy. Marami pa akong dapat matutunan sa kanya. Hindi pa siya pweding mawala. Hindi kasi nakikinig, e," naiinis na aniya.
"Anak, magiging maayos din ang daddy mo," wika ng ina niya na parang mas kinokombensi nito ang sarili kaysa sa kanya.
As he looked at his mother, he could see the love in her eyes as she gazed at his father. Hanggang ngayon, in love na in love pa rin ang dalawa sa isa't-isa. A love like his parents was hard to find. Not that Train was looking for love. Wala pa sa isip niya ngayon ang pag-aasawa o pagpapakasal.
Speaking of which, kumusta na kaya ngayon si Krisz Romero—the woman who offered him marriage eight years ago. Walong taon na rin pala ang nagdaan mula ng makatanggap siya ng mensahe sa kaniyang ina na hindi na tuloy ang kasal dahil umatras ang mga Romero. Mula noon, umiwas na siya sa mga babae. He wasn't the 'happy ever after kind of guy', he was just a 'once upon a time' kind of guy. He didn't do relationship. He was very busy to bother with women. For him, they were just nuisance.
"Magiging maayos ang daddy mo, anak," wika ng ina niya na pumukaw sa pag-iisip niya. "Makikita mo, bukas, magigising na siya."
"Hindi kasi siya nakikinig sa akin, e," naiinis na aniya. "Sinabi ng huwag na magtrabaho—"
"Alam mo naman kung bakit nagta-trabaho ang ama mo, diba? Gusto niyang makakuha ng hospital na may may naitayo nang pangalan, at yon ang dahilan kung bakit gusto niyang makuha mula pa noon ang Romero's Chain of Hospitals.
Napatiim-bagang siya. "Hindi pa ba sapat ang Wolkzbin Enterprise?"
Napabuntong-hinga ang ina niya. "Anak, isang doctor ang ama mo. You know what happens when he get obsess over something. He wanted to manage a hospital ever since pero dahil siya ang tagapagmana ng Wolkzbin, wala siyag nagawa. Ngayong ikaw na ang namamahala sa negosyo ng pamilya, gusto naman niyang ang pangarap niya ang matupad. He is friends with Kalem Romero at ayon sa ama mo, nag-uumpisa ng malugi ang kompanya nila. Kaya nagta-trabaho ang ama mo para kumita ng pera para maisalba ang kompanya ng kaibigan niya. Ayaw niyang gumamit ng pera na galing sa Wolkzbin Enterprise. Gusto niya yung pinaghirapan niya. Kapag nagawa niya iyon, kalahati ng chain of hospitals ng mga Romero ay magiging pag-aari ng ama mo. Iyon ang kasunduan nila ni Kalem." Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. "Hindi mangyayari ito kung nagpakasal ka kay Krisz Romero noon."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 3: Train Wolkzbin
General FictionTrain Wolkzbin eluded marriage for eight years. Hindi siya magpapakasal kahit pa mamatay lahat ng kaibigan niya. Kahit pa magunaw ang mundo, hinding-hindi siya magpapatali sa isang babae. He was enjoying his bachelorhood. Pero mukhang magkaiba ang...