CHAPTER 2

2.3M 45.3K 12.9K
                                    

CHAPTER 2

PARANG nanghina ang tuhod ni Krisz ng makita ang isang hindi inaasahang bisita sa labas ng pinto ng bahay nila. Pale charcoal eyes. Straight and regal looking nose. Wet kissable red lips. Sharp jaw line. Neatly brush hair that made the man look like a handsome prince.

"Train Wolkzbin..." mahinang aniya.

Mas lalo pang gumuwapo ang binata ang hindi niya maiiwas ang tingin sa gwapo nitong mukha. God. It should be a crime to be this achingly gorgeous. Pero sa kaso ng binata, it was God's grace from heaven.

Bahagyang umawang ang labi nito at doon tumuon ang tingin niya. "Krisz Romero..."

"Anong ginagawa mo rito?" Parang wala sa sariling tanong nito habang titig na titig pa rin sa mukha niya.

Doon siya natauhan sa pagtitig dito at kaagad na nag-iwas ng tingin. "Joke 'yon? Dito ako nakatira, malamang."

Napakurapkurap ito at ang nakita niyang emosyon sa mga mata nito ay kaagad na naglaho. "Wala ka pa bang sariling bahay?"

Nainsulto siya sa tanong nito. Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Pinapamukha mo ba sa'kin na wala akong pera para bumili ng sarili kong bahay?"

"Hindi yan ang sinasabi ko, pero kung yan ang pagkakaintindi mo, so be it. Hindi naman lumalayo sa katutuhanan ang sinabi mo. Wala ka naman talagang sapat na pera para bumili o magpagawa ng bahay. Nalulugi na ang kompanya niyo. I'm pretty sure babagsak na 'yan sa pamamahala mo—"

Tumaas ang kamay niya at malakas na dumapo iyon sa pisngi ng binata.

"Don't you dare insult me!" Nanggagalaiti na sabi niya.

Tumalim ang mga mata ng binata. Hinawakan siya nito sa braso at isinandal siya sa likod ng pintuan ng bahay nila.

"B-Bitawan mo ako." Nautal siya ng maamoy ang mabangong hininga nito na tumatama sa mukha niya dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. "L-Let go o-of me."

"Ang lakas ng loob mong sampalin ako," anito na bakas ang galit sa mga mata. "Ang dapat sa mga katulad mo, pinaparusahan para hindi na umulit."

"A-Anong—" Natangay ng hangin ang iba pa niyang sasabihin ng dumukwang ito at inilapat ang labi sa leeg niya pagkatapos ay sinipsip nito iyon at bahagyang kinagat. "Uhm!"

Bahagyang inilayo ni Train ang mukha sa leeg niya at pinakatitigan ang leeg habang may kislap ng kasiyahan sa mga mata nito. "There." Parang demonyo itong ngumisi. "Subukan mong lumabas na may hickey sa leeg mo."

Napasinghap siya at mabilis ang dumapo ang kamay niya sa parte ng leeg niya na kinagat at sinipsip nito.

Nanlilisik ang matang pinukol niya ng nakamamatay na tingin ang lalaki. "You brute! Sino ka sa tingin mo para—"

"Krisz, sinong kausap mo?" Anang boses ng ama niya mula sa loob ng bahay.

Mabilis niyang kinalma ang sarili at umaktong walang nangyari. "May kausap lang ako, daddy," sabi niya sabay takip ng kiss mark sa leeg niya gamit ang kaniyang kamay.

Tumaas naman ang sulok ng labi ni Train. "Kaya huwag mo na akong sasampalin ulit, dahil hindi ako mangingiming parusahan ka ulit."

Inirapan niya ito. "Screw you!"

"Sino ang kausap mo, anak?" Tanong ng ama niya.

Napabuntong-hininga siya. "Si Mr. Wolkzbin ho."

Mabilis na binuksan ng ama ang pinto ng bahay nila at mabilis na hinanap ng mata nito ang tinutukoy niyang tao. Nang makita nito si Train na nakatayo malapit sa kanya, ngumiti ito.

POSSESSIVE 3: Train WolkzbinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon