CHAPTER 12
THE WHOLE Sunday was fun. Kung honeymoon man ang tawag sa ginawa nila, then it was the best honeymoon in the world. They did more than one position and every position was orgasmic. Iyon na yata ang pinakamasaya at pinaka-nakakaibang araw sa tanang buhay niya.
At kahit hindi niya gustuhin, sumapit na ang lunes.
Parang gusto niyang sakalin ang salitang lunes. Pagod na pagod siya pero kailangan niyang bumangon dahil nakatanggap siya ng text mula sa sekretarya niya na gusto siyang maka-usap ng mga investors.
"Argh!" Naiinis na napasabunot siya sa sariling buhok saka naghihikab na pumasok sa banyo para maligo.
Mukhang kanina pa nagising ang asawa niya dahil wala na ito sa kama at may naamoy siyang mabangong aroma ng pagkain. Mukhang naghahanda na ito ng agahan nila. The perks of having a chef husband. Hindi sila nauubusan ng pagkain.
Pagkatapos niyang maligo, pagkalabas niya sa banyo ay natigilan siya ng makita si Train na may inilapag na damit sa ibabaw ng kama.
"Ano 'yan?" Kunot ang nuong tanong niya at lumapit sa kama.
Hinalikan siya nito sa nuo. "Good morning, moya zhena."
"Good morning." Tumingin siya sa damit na nasa kama. "Ano 'yan?" Ulit na tanong niya.
"Oh, yon ang susuotin mo ngayong araw," ani nito at iminuwestra ang kamay sa damit. "Gusto ko 'yan ang suotin mo. Okay?"
Napapantastikuhang tumingin siya kay Train. "Hubby, I don't do slacks in the office. Gusto ko above the knee pencil cut skirt and—"
"No. May-asawa ka na kaya hindi mo na puwedeng isuot 'yon."
Inungusan niya ito at hinalungkat ang maleta kung nasaan ang mga damit niya. Pinili niya ang damit na gusto niyang suotin. Above the knee ang haba non. Kalahati ng damit ay itim, samantalang ang mula beywang pataas ay kulay crema.
Nawala sa isip niya na naroon pala si Train sa loob ng silid. Hinubad niya ang roba na suot at nagsuot ng kulay itim na lingerie and same color bra. Nang maisuot ang damit na napili, may yumakap mula sa likuran niya.
"Bakit iyan ang damit mo?" Tanong nito na may bahid na inis ang boses.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. "Train, hindi porke't asawa mo na ako ay puwede mo na akong baguhin. I am your wife." Humarap siya rito. "Not a robot that will do your bidding. May sarili akong isip, may sarili akong paniniwala at may sarili akong desisyon. I choose to wear this kasi komportable ako. So, I'm telling you, hubby, kung balak mo akong baguhin, nagsasayang ka lang ng lakas at panahon."
Mataman siya nitong tinitigan sa mga mata. "I just don't want other men to oggle their eyes at your delectable legs. Asawa mo na ako ngayon. Hindi nila puwede pagnasaan ang asawa ko."
Itinirik niya ang mga mata. "Bahala ka sa gusto mong isipin. Basta ako, magdadamit ako na naaayon sa kagustuhan ko." Nginitian niya ang asawa saka hinalikan ito sa mga labi. "Huwag ka ng magalit, hubby, kahit naman anong titig nila sa legs ko, hind naman 'yon nila matitikman. Kaya chill lang, pwede?"
Nagsalubong ang kilay nito at walang imik na lumabas ng kuwarto nila.
Napailing-iling nalang siya at kinuha ang handbag at lumabas na rin sa silid nila.
Hinanap niya si Train at natagpuan niya ang asawa sa kusina at nagkakape.
"Train?" Kuha niya sa atensiyon nito.
"Yeah?" Lumingon ito sa kanya at may inabot sa kanyang isang tasa ng kape at isang tasa ng kape na may gatas. "Which one do you prefer? Coffee or coffee with milk? Hindi ko alam kung anong gusto mo, so pili ka na lang."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 3: Train Wolkzbin
General FictionTrain Wolkzbin eluded marriage for eight years. Hindi siya magpapakasal kahit pa mamatay lahat ng kaibigan niya. Kahit pa magunaw ang mundo, hinding-hindi siya magpapatali sa isang babae. He was enjoying his bachelorhood. Pero mukhang magkaiba ang...