CHAPTER 14
ISANG LINGGO. Isang linggo na ang lumipas ng hindi si Train kinikibo at kinakausap ni Krisz. Sa tuwing nag-a-attempt si Train na magkasarilinan sila ng asawa para makapag-usap, palagi itong may dahilan para hindi siya kausapin. Tulad nalang ngayon. Magkaharap nga silang kumakain pero wala silang imik pareho.
Sagad na sa buto ang pagkainis niya, pero wala naman siyang nagagawa. Naiirita siya at ito pa ang may ganang hindi siya pansinin samantalang ginagawa naman niya ang lahat para walang makapanakit dito. Ginagawa niya ang lahat, pero hindi manlang iyon ma-appreciate ng magaling niyang asawa.
He tried talking to Krisz. He tried pleasing his wife in every way but to no avail. He tried to corner her in the bathroom and kissed her senselessly, but she didn't complain and just stand there like a statue. At ito ang pinakamalupit na nangyari sa nagdaang linggo. Sinubukan niyang akitin ito. Miss na niya ang asawa kaya naman inumpisahan niya itong halikan sa mga labi pababa sa leeg nito. Akala niya pipigilan siya nito pero hinayaan siya nitong gawin ang gusto niya. Siya ang kusang tumigil dahil parang estatwa ang asawa na ang lamig at walang pakiramdam.
Gusto niyang magwala! Nawawala na sa tamang huwesyo ang isip niya sa tuwing magkasama sila at hindi siya nito kinikibo.
At ngayon, tulad ng mga nagdaang araw, hindi siya makatiis na hindi naririnig ang boses nito.
"Krisz, kausapin mo naman ako." Malapit na siyang ma-mental.
Ni hindi manlang ito kumurap. Patuloy lang ito sa ginagawa na para bang wala itong narinig.
"Krisz, please." Nagmamakaawa na siya. "Kausapin mo naman ako. Mababaliw na ako, e."
Bumaling sa kanya ang asawa at para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Sa wakas! Tumingin din ito sa kaniya sa mga mata.
Hinintay niyang magsalita ang asawa pero naghihintay lang siya sa wala dahil bumalik din ang atensiyon nito sa pagkain at nang matapos itong kumain, inilagay nito ang hugasan sa lababo at iniwan siyang mag-isa sa hapag kainin.
Ihinilamos niya ang dalawang kamay sa kaniyang mukha sa sobrang frustrasyon na nararamdaman.
"Argh!" Bigla siyang tumayo dahilan para bumagsak sa sahig ang upuan niya. "Mababaliw na ako!"
Nagmamadaling hinanap niya ang asawa. Nang hindi niya ito nakita sa sala, nagpunta siya sa silid nila.
Nandoon nga ito at nakahiga.
"Krisz, we need to talk."
NAPATITIG si Krisz kay Train. Walang emosyon ang mukha niya. Ang totoo, gusto na niya itong yakapin at halikan pero tinitiis niya ang sarili. Hindi! Hanggat hindi ito nagsasabi ng totoo sa kaniya, hindi niya ito papansinin.
Kaya pa naman niya. Hanggat nakikita niya si Train, ayos na siya. Simula nuong lunes, hindi niya ito kinibo. At tulad ng sabi ni Lath, nakita niyang apektadong-apektado si Train. Was she evil to admit that she was actually enjoying her husband's misery?
Natutuwa siya at naapektuhan ito sa silent treatment na ginagawa niya.
Buti nga sayo! Sinungaling!
Bumangon siya sa pagkakahiga at hinarap ang asawa na naka-upo sa gilid ng kama.
"Ano naman ang pag-uusapan natin? Ang pagsisinungaling mo?" There. She said it.
Tumaas ang sulok ng mga labi niya ng makita ang gulat sa mukha ni Train. Akala siguro nito ay hindi niya alam ang kasinungalingan nito.
"Akala mo hindi ko alam?" Mapait siyang ngumiti. "Train naman, anong tingin mo sa'kin? Madaling maloko?" Hinuli niya ang mailap nitong mga mata. Halatang guilty ang loko. "Bakit ka nagsinungaling sa'kin, Train? May usapan tayo 'di'ba? Walang lokohan. Bakit hindi mo sinabi? Okay lang naman sa'kin."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 3: Train Wolkzbin
General FictionTrain Wolkzbin eluded marriage for eight years. Hindi siya magpapakasal kahit pa mamatay lahat ng kaibigan niya. Kahit pa magunaw ang mundo, hinding-hindi siya magpapatali sa isang babae. He was enjoying his bachelorhood. Pero mukhang magkaiba ang...