CHAPTER 2

1.3K 103 8
                                    

MADILIM, wala siyang makita sa paligid kundi kadiliman. Kumapa-kapa siya at nang maramdaman ang malamig na pader sa kanyang kamay ay nagsimula siyang maglakad, nanatili paring nakalapat ang palad sa pader.

"Hello? Is anybody here?" Ngunit wala siyang tugon na natanggap. Sinubukan niya uling tumawag ngunit walang sumasagot sa kanya.

Ngpatuloy siya sa paglalakad sa kadilim hanggang sa makita niya ang gatuldok na ilaw na iyon. Napabilis ang kanyang paghakbang patungo roon.

Hindi niya alam kung ilang minuto o oras na siyang naglalakad ngunit tila napakalayo parin ng kakarampot na ilaw na kanyang naaaninag.

"Ha?" Napatigil siya sa paglalakad nang biglang sumulpot ang dalawang bulto ng tao malapit sa kanyang kinaroroonan. Hindi niya ganoong makita ang kabuuan ng dalawa subalit nakikita niya ang hulma ng mga ito dahil sa maliit na ilaw.

Mas maliit ang isa na nasisiguro niyang isang babae at matangkad ang isa pa, ayon sa buhok nito ay isa itong lalaki.

"N-no!" Napatakip siya sa kanyang bibig upang mapigilan ang pagsinghap nang makilala niya ang may-ari ng boses.

Gusto niyang ibuka ang kanyang bibig upang pigilan ang babae, nang makita niya ang pagkislap ng patalim sa dilim, subalit walang salitang namutawi mula sa kanyang bibig. Pinanood niya kung paano saksakin ng babae ang lalaki ng maraming beses.

Tila napako ang kanyang paa sa sahig habang walang tigil sa pagtulo ang kanyang luha. Hanggang sa makaalis ang babae ay hindi siya makakilos. Ang lalaki ay bumagsak sa sahig at sumisinghap na tila ba naghahabol ng hininga.

Natauhan lang si Vodka nang maramdaman ang kamay na kumapit sa kanyang binti.

"H-help m-me... Vodka. Vodka... Vodka..."

Dahil sa panggigilalas ay nasipa niya ang may hawak sa kanyang binti, dahilan upang mapabitaw ito. "Stop! Stop! Stop!" Tinakpan niya ang tenga nang patuloy ang taong iyon sa pagbanggit sa kanyang pangalan at nagsusumamo na tulungan niya.

Napatalungko siya habang nanatiling nakatakip sa mga tenga. Hindi siya umalis sa ganoong puwesto hanggang sa unti-unting tumatahimik ang mga boses. Nang imulat niya ang mga mata ay muli niyang nakita ang lalaking nakahandusay sa sahig at hindi na gumagalaw.

Ilang sandali siyang nakatingin dito hanggang sa maagaw ang kanyang pansin ng bagay na kumikislap sa kanyang paanan. Dinampot niya iyon at napahagulgol nang madama at makita mula sa kakarampot na ilaw.

Kuyom ang kamaong tumayo siya at pumihit patalikod upang makaalis sa lugar na iyon nang marinig niya ang putok ng baril na halos bumingi sa kanya. Muli siyang napatakip ng tenga ng manakit iyon at sandali siyang nawalan ng pandinig.

May narinig siyang boses ngunit hindi niya mawawaan ang sinabi nito. Tila siya nasa ilalim ng tubig at hindi malinaw na marinig ang mga ingay.

"Mi princesa." Natanggal niya ang takip sa tenga ng sa pagkakataong iyon ay malinaw na narinig ang boses. Nakakunot noong napalingon siya ngunit muli ring nanlaki ang mga mata at nanginig ang mga labi nang makita ang isa pa uling bulto na nakatayo. Dumako ang kanyang paningin sa baril na hawak nito at nakatutok parin sa lalaking nasa sahig.

Nang humakbang ito patungo sa kanya ay marahas siyang umiling-iling habang umaatras.

"What did you see, my princess?"

Patuloy siya sa pag-iling at hindi pa rin magawang makapagsalita. Sa isang maling hakbang ay tumama ang kanyang binti sa kung saan kaya napasalampak siya ng upo sa sahig, patuloy naman sa paglapit ang taong iyon sa kanya.

Gin and Vodka (Tipsy Talk Trilogy #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon