CHAPTER 25

776 68 10
                                    

WALANG kamalay-malay si Congressman Castillo sa paparating na unos na magpapabagsak sa kanya. Masayang nakikipag-usap ang congressman sa isang senador sa loob ng kanyang opisina. Nasali sa kanilang usapan ang bulong-bulongan na tatakbo siyang presidente sa susunod na eleksiyon. Pabirong tinanong niya ito kung makakaasa ba siya sa suporta nito kung sakali man.

Parehong natawa ang dalawa nang marinig ang isinagot ng senador. Subalit agad ding natigilan nang biglang bumasak ang pinto at pumasok ang mga pulis at mga PSG kasama ng presidente ng bansa. Agad na tumayo ang dalawa at sumalubong sa mga ito.

"Mr. President, isang karangalan at napadpad kayo sa-" Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang dumapo ang palad ng presidente pisngi nito.

"Such a disgrace to the country!" the president exclaimed in controlled anger.

"Mr. President, there might be a misunderstanding here."

"Get him!" utos ng presidente sa mga pulis na agad na tumalima. Muli rin itong lumabas ng opisina ng congressman kasama ang mga PSG.

"What is this congressman?" the senator asked.

"You are under arrest, Congressman Castillo. Ikaw ay inaaresto sa salang may kinalaman sa droga, drug trafficking, corruption at rape. Ikaw ay may karapatang manahimik o magsawalang-kibo. Ano man ang iyong sasabihin ay maaaring gamitin laban sa iyo sa anumang hukuman. Ikaw ay mayroon ding karapatang kumuha ng tagapagtanggol na iyong pinili at kung wala kang kakayahan, ito ay ipagkakaloob sa 'yo ng pamahalaan."

"Sandali! There's a misunderstanding here, I didn't do such things." Hindi nakinig ang mga pulis at hinila palabas ang congressman na kontodo sa pagtanggi sa mga paratang sa kanya.

Paglabas ay nakaabang ang press na determinadong makakuha ng statement mula sa congressman.

Nabulabog ang buong bansa dahil sa kontrobersiya na kinasasangkutan ng congressman. Hindi lang iyon, dinagdagan pa ng mga tiwalang miyembro ng gobyerno, ang direktor ng NBI at mga police officials na kasamang hinuli.

AGAD na napasugod sa ospital sina Vodka nang makompirmang naroon nga si Eugene at nasa loob ng operating room. Kanina ay may nag-text sa kanya mula sa isang unknown number at sinabi ang nangyari rito. Agad nilang tinawagan ang ospital upang kompirmahin at sabi nga ay malubha ang lagay ng binata at kasalukuyang sumasailalim sa operasyon.

Umaasa pa rin siya na hindi ang Eugene na kilala niya ang naroon ngunit nang makita niya si Doctor Tammy Lorenzo na nasa labas ng operating room ay biglay bumigay ang kanyang mga luha. Napahawak siya sa nakakatandang kapatid dahil biglang humina ang kanyang binti na nanginginig. Kasama niya itong nagtungo roon, si Jasper ay naroon din na agad na sumugod nang malaman ang nangyari sa kaibigan. Matagumpay nitong nabigay sa tamang tao ang cellphone ni Patrick Castillo.

Nilapitan ni Vodka si Tammy at niyakap, gumanti rin ito ng yakap sa kanya habang sumisinghot.

Habang naghihintay sila sa labas ay hindi maiwasan ni Vodka na sisihin ang kanyang sarili. She was too scared, she can't stop her tears and her body from trembling. She finally saw now how important Eugene Lorenzo to her, she never felt so scared and painful aside from the time that her mother died.

"What took them so long?" hindi mapigilang tanong niya kay Tammy nang ilang oras na ang lumilipas ngunit hindi pa rin sila natatapos. Maging si Matthew na kagagaling lang sa isang operasyon sa ospital ng mga ito ay sumugod doon kasama ang isang neurologist mula sa Lorenzano Medical Center. Ngayon ay kausap ng mga ito ang doctor sa ospital ng iyon. Hindi ganoon kalaki ang ospital na pinagdalhan kay Eugene, wala pa sa kalahati ng ospital na pag-aari ng mga Lorenzo at Manzano, umaasa silang magagaling ang mga doktor roon. But it's been eight hours already since Eugene entered the operating room.

Gin and Vodka (Tipsy Talk Trilogy #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon