CHAPTER 11

950 89 2
                                    

"YOU'LL come home with me!" ani Eugene sa tonong hindi mababali ninuman. "Pack your clothes now!"

"W-who did this?" bulalas ni Vodka na pinalibot ang mga mata sa loob ng kanyang unit. Napakagulo sa loob, basag ang kanyang kagamitan at nakakalat ang kanyang mga gamit sa sahig. Ang kanyang silid ay ganoon din na hinahalughog ng kung sinuman.

Natigil ang pagtingin ni Vodka sa kanyang unit nang hawakan siya ni Eugene sa braso at iharap dito. Napakurap-kurap siya nang makitang madilim ang mukha nito. Iyon ang unang beses niyang nakita itong ganoon.

"You have to come with me, you're not safe."

Ipiniksi ni Vodka ang braso at umiling-iling. "No! You don't need to do that. I can take care of myself."

"Yeah," Eugene's sarcastic remark. "Look at your home, pati rito nakaabot na ang taong gustong pumatay sa 'yo! You still can protect yourself now, huh."

Napabuntung-hininga si Vodka at tinalikuran ito. Hindi niyang gustong patulan ang galit ni Eugene. Hindi na dapat siya nagpahatid dito mula sa ospital.

Pagkarating nila sa unit niya ay nakaawang na ang pinto niyon at magulo ang mga kagamitan sa loob. Mahigpit ang security ng building na kanyang tinitirahan ngunit doon man ay nakapasok na ang mga taong banta sa kanyang buhay.

Ramdam niya ang pagsunod sa kanya ni Eugene habang tinitingnan niya kung may nawawala sa kanyang mga gamit.

Nanghihinang napaupo siya sa ibabaw ng kanyang kama na winasak din ng mga humalughog doon. Natuon ang kanyang mga mata sa mga damit na nagkalat sa sahig.

Nang humakbang si Eugene patungo roon, kinuha ang isang travelling bag at isinilid ang kanyang mga damit ay tanging pagbuntung-hininga ang kanyang nagawa.

"WHY ARE you doing this? Why are you helping me, Eugene Lorenzo?"

He wished that he had an answer to that question. He wanted to make her safe, he wanted to protect her from her unknown enemy.

"I can't come with you. I can't trust you with my life. I barely know you"

Marahas na binalingan niya ito ng tingin. Hindi niya alam kung bakit tila may pumiga sa kanyang dibdib nang marinig ang takot, pagod at walang kasiguraduhan sa boses nito. "You can." Tumayo siya mula sa pagkakatalungko sa mga damit at lumapit dito. Hinawakan niya ito sa balikat at itinayo mula sa pagkakaupo sa ibabaw ng sira-sirang kama. "You know my siblings, Tammy and Matthew, you know where I live, you... you slept in my room, on my own bed, I'm not a complete stranger, Vodka. You have to trust me, the safest place for you right now is in my place," Eugene muttered with a serious glint in his eyes. Those words came out of his mouth unannounced.

Bandang huli ay nayakag ni Eugene si Vodka na sumama sa kanya. Habang nagmamaneho ay panaka-naka niyang sinusulyapan ang dalaga na nakaupo sa passenger's seat ng kanyang truck. Sa palagay niya ay nakatulog na ito ayon sa pantay nitong paghinga. After what she had been through, she must be very exhausted, body and mind.

Isang pagkalalim-lalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Eugene. Hindi niya alam kung bakit niya isinusuong ang sarili sa ganoong sitwasyon. Wala siyang responsibilidad dito at kung tutuusin ay tapos na ang kanyang trabaho na sangkot ito dalawang araw na ang nakakaraan nang sumuko si Isabella Meyer na alam niyang kaibigan din ni Vodka.

Could lust justify his actions? Because that was the only logical reason he could think of as to why he was doing this.

Pagkadating sa labas ng kanyang bahay ay ginamit niya ang remote na nasa loob ng sasakyan upang buksan ang malaking gate. Nang sabihin niya sa dalaga kaninang ang bahay niya ang pinakaligtas na lugar para rito ay hindi siya nagsisinungaling.

Gin and Vodka (Tipsy Talk Trilogy #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon