CHAPTER 6

1K 87 3
                                    

HINDI niya matukoy kung ilang minuto na siyang nakaupo sa ibabaw ng kanyang kama at nakatingin sa aparatong nakapatong doon. Isang misteryo pa rin sa kanya ang pinaggalingan niyon.

Pagkalipas ng ilang sandaling pakikipag-debate sa isipan kung bubuksan ba iyon ay nagbuga siya ng malalim na hininga. Sinulyapan niya muna ang kuwintas na nasa bedside table at nakapaloob sa isang transparent na zip lock bago dinampot ang cellphone na basag ang salamin.

Diniinan niya ang power button, napasinghap pa siya nang bumukas iyon. Maayos pa rin niyang napipindot ang screen sa kabila nang basag iyon, ngunit hindi siya agad nakapasok dahil naka screen lock. She needed a four pin combination to get through the phone.

Sa nanginginig na mga kamay ay sinubukan niya ang iba't ibang kombinasyon. Ilang minuto na siyang sumusubok ngunit hindi pa rin niya nabubuksan, pinagpapawisan na siya kahit na nakabukas ang aircon ng kanyang silid.

Sa paghuling subok niya ay namilog ang mga mata ni Vodka nang bumukas iyon. The pin wasn't complicated, it's one, two, one, two.

She opened the gallery, that's the fastest way to know who owned the phone. Nang makita ang litratong binuksan ay pabiglang nabitawan niya ang aparato. Nahagod niya ang mga braso gamit ang mga kamay nang maramdaman ang pagtayo ng kanyang mga balahibo dahil sa kilabot na sumalakay sa kanyang katawan.

"W-why do I have it? Why do I have P-Patrick Castillo's phone?" Malinaw na malinaw niyang nakikita ang larawan nito. Malakas ang kanyang kutob na ito ang may-ari ng cellphone. At kung bakit iyon iyon nasa kanya ay hindi niya alam.

Napahawak siya sa ulo ng manakit iyon nang pilit niyang hagilapin ang alaala ng madaling-araw na nangyari ang pagpatay rito.

Mabilis na hinagilap niya ang kanyang cellphone at hinanap ang hotline ng police station. Nabitin ang kanyang daliri sa ire nang akmang pipindutin niya ang call button. Paano kung si Isabella nga ang pumatay kay Patrick Castillo? Ang kaibigan ang may-ari ng boses na iyon na narinig niya sa loob ng nightclub at ito rin ang may-ari ng kuwintas na ibinigay pa niya rito.

She needed to talk to Isabella first before handing the phone to the authorities. She dialed Isabella's number instead, but like in the past days, she got no response from her.

Tumibay ang kaba sa kanyang dibdib. Bakit hindi man lang niya mahagilap ang kaibigan? Maging ang mga pulis ay hindi ito makita. Was she guilty?

Ipinilig ni Vodka ang ulo at muling dinampot ang cellphone ni Patrick Castillo at pinatay. Kapagkuwan ay itinago niya iyon kasama ang kuwintas at ini-lock ang drawer na pinaglagyan niya.

Muli siyang sumampa sa kanyang kama at humiga ngunit hindi siya makatulog. Patuloy na binabagabag ang kanyang isipan.

Dahil hindi makatulog ay muli niyang kinuha ang kanyang cellphone at may tinawagan. Kailangan niya ng kausap at isa lang ang sa tingin niya'y magpapagaan sa kanyang dibdib.

"Que estas haciendo?" bungad niya nang sagutin ng nasa kabilang linya ang tawag. She was asking him what he was doing.

"Sigues despierta? It's almost midnight in the Philippines. Sleep now, Hermana."

"I can't sleep, Felix. I need someone to talk to." Mukhang napagtanto ng nasa kabilang linya na may pinagdadaanan siya nang marinig niya ang pagbuntung-hininga nito.

"Como estas? Te echo de menos."

Nanubig ang kanyang mga mata nang marinig ang sinabi ng nakakatandang kapatid. "I miss you too, Hermano. I'm okay, how 'bout you, you're not in Cartagena, are you?"

Lumipas ang ilang segundo ngunit hindi pa rin sumasagot ang nasa kabilang linya. Tiningnan ni Vodka ang screen ng cellphone upang kompirmahin kung 'di ba naputol ang tawag.

Gin and Vodka (Tipsy Talk Trilogy #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon