CHAPTER 26

781 70 0
                                    

MAINGAY ang mga presong nakakulong sa paitang iyon. Masisikip ang bawat selda ngunit bukod tangi ang seldang kinalalagakan ni Congressman Castillo. Siya lang mag-isa roon, hindi kagaya ng sa iba na nagkakabunggoang braso na ang mga preso.

Nakasandal ang congressman sa dingding, nakapatong ang isang braso sa ibabaw ng tuhod at nakapikit ang mga mata. Kapagkuwan ay bahaw na tumawa ng maisip ang sitwasyon. Never in his life did he imagined himself behind bars. He was always dignified and confident, people trusted him and looked up to him.

He had been operating illegally for almost three decades and he did not imagine that he will get caught, and it's all because of Patrick, the son of his dead wife with his dead lover. He doesn't want to be betrayed and her late wife did, she fooled him with Patrick's father. So he killed them, like how he killed their son.

Kahit na maingay ang paligid ay nagawang makatulog ng kongresman. And in his sleep, he was being hunted by the people he killed.

Sa kalagitnaan ng gabi ay naalimpungatan si Wilfredo Castillo dahil sa mga yabag. Binuksan niya ang mga mata at tumingala sa taong nakatunghay sa kanya habang nakaupo pa rin siya sa lapag at nakasandig ang likod sa dingding, nakatulog siya sa ganoong posisyon.

"Who are you?" Tiningnan niya ito at nang makita ang pamilyar na tattoo sa braso ay dumagundong sa kaba ang kanyang dibdib. "Did they send you?"

"Kailangan mong mapatahimik, iyon ang utos ng big boss."

Hindi magawang makapalag ng kongresman ng bigla siyang daluhugin at sakalin ng lalaking nakasuot ng uniporme ng pulis. Nang mawalan ng malay ay dinampot ng lalaki ang kumot na naroon at itinali sa bakal na bintina ng selda. Kapagkuwan ay ibinitay roon ang kongresman upang palabasing isa iyong suicide.

Kinabukasan ay natagpuan ng isang jail guard ang walang buhay na dating kongresman. Naging usap-usapan sa buong bansa at laman ng mga lathala ang nangyari rito. No one suspected a murder, o kung meron man ay nagpasawalang-kibo na lang.

The whole country was in turmoil, a lot of protesters were on every street in the different parts of the country, asking for government reform. Good thing that the president took care of it before it gets out of hand.

"HI." Nag-aalangang pumasok si Vodka nang makita ang mga taong nasa loob ng hospital suite ni Eugene. Tanging ang mga kapatid lang nito ang kilala niyang naroon. Ang iba marahil ay mga pinsan nito na halos doctor lahat.

"Come in." Nagpahila siya kay Doctor Tammy papasok, ipinakilala siya nito sa mga naroon.

"Hi, you're Eugene's girlfriend."

Gumanti ng yakap at halik si Vodka sa pinsan ni Eugene na si Serenity. "Nice to meet you," she said meekly. Kinamayan siya ng dalawang pang pinsan ni Eugene na sina Landon at Ezekiel na parehong doctor. Kapagkuwan ay tinanguan si Matthew na sinusuri ang kalagayan ng kakambal.

Nakipag-usap siya sa mga ito ng ilang minuto bago sila umalis upang magtungo-tungo sa kanya-kanyang gawiin. Lihim niyang hinangaan ang mga ito dahil sa kabila ng estado sa buhay at propesiyon ay hindi snob at marunong makisama.

Huling lumabas ng hospital room si Tammy na ibinahagi sa kanya ang tungkol sa estado ng kalagayan ni Eugene, she appreciates that it made her feel like she matters.

Umupo siya sa silyang nasa tabi ng kama ng binata at sinumulang punasan ang mga braso nito. May mga nakatalagang maglinis kay Eugene ngunit gusto pa rin niya iyong gawin. Nang matapos sa ginagawa ay hinaplos niya ang mukha nito, isang ngiti na hindi umabot sa kanyang mga mata ang sumilay sa kanyang mga labi.

Eugene had been sleeping for three months, he hadn't regained his consciousness since then. Sa loob ng mga buwang iyon ay apat na beses itong pumasok sa operating room. Ilang beses ng kamuntikang bumigay ang utak nito habang inooperahan ngunit sa tuwina ay nalalampasan nito iyon. Nalipat na ito sa isang hospital room ngunit nanatiling alerto ang mga doctor sa maaaring mangyari rito. They can't tell when will Eugene wake up or will he wake up at all. He was closed to being a brain-dead patient, his doctors nearly declared him as one. There was a very slim chance that he would wake up and they don't know the extent of the effects of his head injury. It might affect his line of sight, his hearing, his speech, his movement, they can only hope for a miracle.

Gin and Vodka (Tipsy Talk Trilogy #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon