CHAPTER 12

937 84 0
                                    

(WARNING: This part contains strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity that may be offensive or disturbing and is not suitable for young readers and sensitive individuals. You have been warned.)


VODKA was holding the spoon and fork as if she was life dependent on it. Eugene was sitting in front of her at the dining table and the intensity of his gaze was making her weak and breathless.

Ilang beses na siyang kamuntikan nang mabilaokan sa kinakain, agad naman itong magbibigay ng tubig sa kanya.

Nang hindi na niya matagalan ang tingin ni Eugene ay ibinaba niya ang hawak na kubyertos at matapang na sinalubong ang mga mata nito.

"Can you stop that?" She made it sound irritable, she didn't know if it worked though. He was still looking at her, with his chin on his knuckles and the side on his lips twitch amusedly.

"Stop what?"

Gamit ang mga daliri ay itinulak ni Vodka ang mukha ni Eugene palayo sa kanya. Hindi siya makakain ng maayos dahil dito, pati yata pagsubo niya ay binibilang nito. "Well, Mr. Lorenzo, if you don't know, it is rude to stare at someone who is eating or even if that someone is not eating at all."

Sa halip na maapektuhan si Eugene sa pagsusungit ni Vodka ay lalo lang lumawak ang pagkakangisi nito. Pinasadahan ng tingin ang mukha ng dalaga, kapagkuwan ay dumukwang at pinahiran ang dumi sa gilid ng mga labi.

Ilang sandaling nagtagal ang daliri ni Eugene sa mukha ni Vodka at ngayon ay hinahaplos na ang pang-ibaba niyang labi.

Hindi magawang ilayo ni Vodka ang mukha kay Eugene o hawiin ang kamay nito. She kept on staring at his eyes, mesmerized.

"Continue eating, finish your food," basag ni Eugene sa mahikang bumalot sa kanila. Umayos siya ng upo at hindi pa rin inaalis ang mukha sa kaharap.

Vodka rolled her eyes, she had no choice but to continue eating her food while Eugene was watching her. How creepy could that be?

Binilisan na lang niya ang pagkain upang madaling matapos at makatakas sa mga mata ni Eugene na kung tumitig ay parang hinihigop ang buo niyang pagkatao.

Pagkalunok ng huling subo ay agad siyang tumayo at dinala ang pinagkainan sa lababo.

Eugene nudged Vodka and captured her wrist to stop her from getting the sponge and snatch the plate from her other hand. "I'll do it, you're not fully healed."

Nanindig ang mga balahibo sa batok ni Vodka dahil sa pagkakabulong nito malapit sa kanyang tainga. Hindi na niya tinapunan ng tingin si Eugene at agad na tumalikod upang iwanan ito roon at lumabas ng kusina. Napatigil siya sa bukana at ipinalibot ang mga mata sa kabuuan ng bahay. Eugene's house was a bungalow.

Napatingin si Vodka sa kaliwang bahagi niya pagkatapos ay sa kanan. Parehong may pintuan ang magkabilang bahagi at magkaharap. Ang pinto sa kanan niya ay patungo sa likurang bahagi ng bahay, habang ang nasa kabila ay ang harapang pinto, ang katabi niyong dingding ay gawa sa salamin kaya nakikita niya mula sa loob ang harapan ng bahay.

Maaliwalas at masinop ang pagkakagawa sa sala na nahahati sa dalawang bahagi. Malapit sa salaming dingding ay naroon ang mahahabang sofa na may maraming throw pillows na maayos na nakasalansan. Sa kabilang bahagi ay nakasabit ang forty-eight inches flat screen TV, doon ay mayroon ding mahabang sofa at mga bean bags. Malaking ang espasyo sa gitna nang magkabilang panig ng sala.

Ilang metro ang layo mula sa kanyang kinatatayuan, sa bukana ng kusina, ay ang silid na tinulugan niya. Nasisiguro niyang iyon lang ang nag-iisang silid sa bahay ni Eugene dahil wala na siyang iba pang makitang pinto bukod sa pintuan ng banyo na katabi ng silid.

Gin and Vodka (Tipsy Talk Trilogy #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon