S2 Chapter 2

175 10 0
                                    

ROSIANNA







Madaling araw na nang makauwi kami sa mansion, dahan dahan pa kaming pumasok ni ate chesa dahil hindi pa alam ni papa na nag ta-trabaho na ako, tinanguan lang ni ate chesa ang guard kaya mabilis kaming nakapasok sa gate.



"Pina-abutan ko iyon ng wine kanina, sana ininom." Sabi ni ate chesa, napangiti ako sakanya dahil mukhang kinakabahan siyang baka magalit si papa samin.



Patay na ang ilaw nang pumasok kami sa sala, nakauwi na rin siguro si Manang maria, nag tuloy tuloy kami sa pag akyat sa second floor, hinatid muna ako ni ate chesa sa kuwarto ko bago siya dumeretso sa kuwarto niya.

Pumasok ako sa cr para mag shower, tapos nag bihis ako ng pajama at nag blower ng buhok, nakakapagod din pala... binagsak ko ang katawan ko sa kama at di kalaunan ay nakatulog na rin.



Kinabukasan ay maaga akong ginising ni manang maria, inutos daw ni papa dahil may pupuntahan kami, hindi na ako nag tanong pa dahil malamang ay tungkol na naman ito sa pangangampanya ni papa, balak niya kasi atang tumakbo bilang mayor, nag sabay sabay kaming kumain sa hapag, naka uniform na si Crisanto dahil papasok na siya, elementary palang siya.



"Ate kiss!" Lumapit siya kay ate chesa at humalik sa pisngi, napangiti ako at inabangan na ako na ang susunod niyang lalapitan pero kumaway lang siya sakin at tumakbo na papunta kay Manong Isagani, personal driver namin na asawa ni Manang maria.



"Crisanto!" Galit na sigaw ni papa nang gawin niya iyon, sinabi kong hayaan nalang dahil baka mas close talaga sila ni ate chesa.



"Sorry." Ate chesa held my hand, tumango lang ako at ngumiti.



Hinayaan kami ni papa na mag bihis muna at mag handa sa kuwarto ni ate chesa, pansin kodin kasing mahilig siya sa fashion dahil may walking closet siya, kumpleto rin ang mga make up niya.



"Sayo ata ito..." Nakaupo ako ngayon sa ibabaw ng kama ni ate chesa, tinatry na patugtugin ang gitara, napa angat ako ng tingin sakanya.



Nangunot ang noo ko nang makitang singsing iyon, mukhang mamahalin at sobrang ganda, kumikinang ang paligid at may diamond sa gitna.

"Sakin 'to?" ulit kopa, dahil hindi ko maalalang akin iyon.

Tumango si ate, "Oo iyo yan..." sabi niya at sinuot sa daliri ko, katabi ng middle finger.



"Sino naman ang mag bibigay nito..." Napatulala ako sa singsing, napakaganda talaga non at bumibilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin don, pakiramdam ko din ay ang dami kong ala-ala sa singsing na ito.

Hinawakan ko iyon habang nakasuot sa daliri ko, parang ayoko nang tanggalin pa Ito...



Pinasuot ako ni ate chesa ng pulang dress, tapos while high heels, mukhang mga mamahalin... pero bumagay naman sakin lahat.

Nilagyan niya rin ako ng make up sa mukha, nagustuhan ko ang ginawa niya dahil bagay iyon sakin.

Napanganga ako nang makita si ate chesa, mas tumangkad siya dahil sa suot niyang high heels, she partnered it with formal wide-leg and high waist trousers and white top, mas tumapang din ang mukha niya dahil sa make up pero mas lalo lang siyang gumanda.

Natawa siya sa reaction ko. "Let's go?" She asked, she took her white purse with her.



"Crisanto!" Sigaw ni ate chesa nang  makita si crisanto na tumatakbo sa sala, nakasuot din ito ng formal suit, ang cute cute niya.

Submissive [Completed]Where stories live. Discover now