S2 Chapter 7

176 9 0
                                    

ROSIANNA




"Did you enjoy last week?" Kakapasok kolang ulit sa The Harmony's nang salubungin ako ni ate chesa, nangunot ang noo ko nang makita siya.

"Bakit ang aga mong umalis kanina?" I asked her, saglit siyang natigilan at lumikot ang mata.

"A-ah, I just talked to someone." She said, nilibot ko ang paningin ko, nagsisimula nang dumami ang mga customers.

"Naka alis na sila." She said when she saw me looking for someone.

I nodded, nag paalam na rin ako at dumeretso sa kusina, naroon na sila liana at sanya, nang makita nila ako ay ngumiti lang sila at tumango, sinuot kona ang apron ko at tinali ang buhok, nag handa na ako para sa ngayong araw na duty.

"Table 27, paki serve nga 'to." Inabot ng isa sa mga kitchen staff ang tray na may pagkain, tumango ako at kinuha iyon, mabilis kong nilibot ang paningin ko sa mga table at hinanap ang table 27.

"Here's your order, sir." Nangunot ang noo ko nang makita yung lalaking kaibigan nila ate chesa, what was his name again? I think it's Hayden.

"Oh, hey." He smiled at me, tinanguan kolang siya at akmang aalis na pero pinigilan niya ako, hinawakan niya ang pulso ko.

"Wait." He bit his lower lip, "Can I talk to you?" He asked.

My forehead creased, "I'm still working." Maiksi kong sabi.

"Oh." He scratched his head, "Later, I guess?" He asked.

"Bakit ba?" tanong ko ulit sakanya, hindi siya agad sumagot.

"Sige mamaya nalang." Hindi nako nag hintay pa sa sasabihin niya dahil kailangan kopang mag trabaho.

"May guests band daw ngayon." Sabi ni Liana nang makasalubong ko papasok sa kusina, tumango ako.

"Sino 'raw?" Tanong ko, she then giggled.

"Idol ni kuya yung mga yon e, yung boss din kasi nila sobrang bigatin! narinig mo naba yung MGRP boy band? sobrang galing ng mga yun!" kinikilig na sabi ni Liana.

Nangunot ang noo ko, "Hindi ko sila kilala." sabi ko sakanya.

"Ahh okay." Hindi na nagsalita si Liana at nagpaalam na, ngumiti lang ako sakanya at tumango.

Ilang oras pa ang lumipas, mas dumadami na ang mga tao, nangunot ang noo ko nang magsimulang magkagulo ang mga tao, may mga nagsidatingan ding mga bouncers, mga nakaitim na lalaki at malalaki ang mga katawan, Pinakalma at sinuway nila ang mga tao.

Halo halo na ang mga naririnig ko, napailing nalang ako at pumunta sa cr, nag hilamos ako at nagpahinga saglit, umihi na din ako.

"Nandyan na sila!" Tili ng mga babae, nangunot ang noo ko at pumasok na ulit sa kusina.

"Ang daming tao grabe!" Pagod na sabi ni sanya, pinunasan niya ang mga pawis sa noo niya.

"Maagang pumasok mga night shift, nood tayo live band mamaya!" Sabi ni liana, gusto kona sanang umuwi e.

"Tara na Emerald, sumama kana." Tinaasan ako ng kilay ni Liana kaya tumango nalang ako.

"Oy gagi, sa TV kolang yan sila nakikita." Lumabas na din kami ng kusina dahil kumpleto na mga night shifts crews, uminom muna ako ng tubig bago sumunod kayla Liana, dumeretso sila sa pinaka harap, madali lang kaming nakasingit dahil naka uniform pa kami.

Hindi na magkamayaw ang mga tao, nagkakagulo na sila pero nakokontrol naman sila ng mga bouncers, naglabasan sila ng mga cellphone para picturan ang banda, balak ko sanang umalis na dahil siksikan na.

Submissive [Completed]Where stories live. Discover now