S2 Chapter 1

204 9 0
                                    

ROSIANNA




Oh God... why does my head hurt like this? Dahan dahan kong dinilat ang aking mata, sobrang labo pa sa una pero ilang minuto pa ay luminaw na ang paligid ko.


Puting kisame ang bumungad sakin, nilibot ko ang paningin ko, may malaking bintana at bukas ang kurtina, dagat ang nakikita ko...


Napaka gandang tanawin, tanging mata lang ang kaya kong ikutin ngayon, sa harap ay may malaking flat screen tv, sa pader ay may magagandang paintings na naka-kabit, bukas ang split type na aircon kaya malamig, may color pink na couch sa gilid at meron ding study table ar swivel chair.




Nasaan ako?




Nangunot ang noo nang subukan kong alalahanin kung nasaan ako... Anong pangalan ko... At anong ginagawa ko rito...

"M-mommy..." Namamalat ang boses ko, halos hindi kona nga ito marinig.



Lumingon ako sa gilid ko, may malaking salamin kaya nakita ko ang sarili ko, namumutla, mahaba ang buhok, maputi at tuyot ang labi.



Sinubukan kong umupo ngunit umikot lang ang paningin ko.




"M-mommy..." Naiiyak kong sabi, bakit wala akong maalala?! Anong nangyari sakin?






Napalingon ako sa pintuan nang may kumatok at bumukas ito, Isang matanda ang pumasok don.



"Diyos ko..." Nanlaki ang mata niya, "Gising kana, hija!" Nag mamadali itong lumapit sakin at nilagay ang kanyang kamay sa noo at leeg ko.




"Bumaba na ang lagnat mo... kumusta ang pakiramdam mo, hija?" Nag aalala niyang tanong.




My forehead creased, "Do I know you?" tanong ko sakanya.




Nag likot ang mata niya, "A-ako ito, Si manang maria... ang katulong niyo dito sa Mansion." sabi niya at napakamot sa kanyang batok.




I tilted my head, "Hindi kita kilala..." mahina kong sabi.





Napatakip siya sa kanyang bibig, "Diyos ko! sandali lang at tatawagin ko ang tatay mo." nag mamadali siyang umalis sa kuwarto, napahawak ako sa ulo ko, may benda pa ako sa ulo at sa may bandang batok.






Pakiramdam ko rin ay hindi kopa kayang tumayo.





"Anak!" May lalaking nasa mid 50’s ang pumasok, may tungkod siya at may bigote, halos puti na ang buhok niya at hindi siya katangkaran, kasunod na pumasok ay ang matangkad na babae, maputi siya, medyo matapang ang mukha, she was looking at me.






"Kumusta ang pakiramdam mo, anak? naaalala moba kami?" Sunod sunod na tanong ng lalaking nasa harapan ko.





Umiling ako, "H-hindi ko rin ho maalala ang sarili kong pangalan..." sabi ko.






Narinig kong bumuntong hininga ang babae, tumalikod siya at nag lakad paalis.






"Ako ito, ang Papa mo, kapitan ako rito sa Isla ng Hardersfield. bahay natin ito, naaksidente ka noong nakaraang linggo anak, tumama ang ulo mo sa bato malapit sa dalampasigan habang nagkakasiyahan kayo ng mga kapatid mo." kuwento niya, halos malukot ang noo ko dahil ni-isa roon ay wala akong maalala.






"Ayos lang anak kung hindi pa bumabalik ang ala-ala mo, ang sabi ng doctor ay maaaring magkaron ka ng amnesia dahil sa aksidente, wag mo munang pilitin ang sarili mo, anak..." nakangiting sabi sakin ng lalaki, hindi ko mapigilang umiyak dahil... nahihirapan akong paniwalaan siya, bakit kasi pati ang sarili ko ay nakalimutan kona?





Submissive [Completed]Where stories live. Discover now