Season 2

195 8 0
                                    

 The story is a work of fiction, any similarities to actual events, names of person, corporations, group of persons is purely coincidental.

Plagiarism is a crime



Third Person's Pov 




Madilim na ang kapagiliran, malakas ang hampas ng alon ng dagat at ng hangin, tanging maririnig lang ang kuliglig sa paligid.



Nakatitig sa puting van ang babaeng nag ngangalang Chesa, hindi niya maintindihan kung bakit pumasok dun ang kanyang ama na si kapitan consuelo.




Lumapit sakanya ang kapatid niyang si Charlie, "Ate, sino po yung babaeng pinasok nila sa bahay?" Nagtataka nitong tanong.



Napakamot sa ulo si Chesa, bumuntong hininga siya at umiling. "Hindi ko rin alam, hintayin nalang natin si Papa sa loob." Sabi niya, tumango ang kanyang kapatid at sabay na silang pumasok sa loob.




Sa buong Isla ay ang bahay nila ang pinaka malaki, Kapitan ang tatay nila Chesa at Charlie, habang si Chesa naman ay mayroong Resto-bar na matagal nang bukas sa buong Isla, ito ang pinupuntahan ng mga tao roon kaya malaki ang kita niya.




"Crisanto, saan dinala yung babae?" Tawag niya sa kapatid, crisanto ang palayaw niya.




Tinuro ni Crisanto ang pangalawang palapag, sa pinaka dulo malapit sa balkonahe ay mayroong malaking kuwarto.




Napalunok si Chesa. "What the hell is happening?" Bulong niya sa sarili.





Isang oras ang nakalipas nang pumasok na sa loob ng kanilang bahay si Kapitan Consuelo, malaki ang ngiti nito habang nakahawak sa kanyang tungkod, tinanggal niya ang suot na bilog na sumbrero at lumapit sa anak.




"Mag papakain ako bukas sa buong barangay." Nakangiting sabi nito.




"Anong meron, pa?" Naguguluhang tanong ni Chesa, hindi maganda ang kutob niya rito.




Umiling si kapitan consuelo, "Bibisita din si mayor Galvez, sabihan mo ang banda ng mga kaibigan mong tutugtog sila bukas sa plaza." Masayang sabi nito.




Chesa tilted her head, Her forehead was crease. "Pa? anong meron?" Tanong niya ulit.





Ngumiti nang malaki ang kanyang Tatay at nilagay ang kamay nito sa tuktok ng kanyang ulo, "Tuluyan ko nang mapapaganda ang buong Islang ito anak, makakatakbo ako sa susunod bilang mayor, marami na tayong matutulungan anak." He smiled.





Hindi pa din nito sinasagot ang tanong ng anak.




Tumingin ito sa second floor, kung saan pinasok kanina ang babaeng walang malay.




"Iingatan natin ang babaeng iyon, maliwanag ba? parte na siya ng pamilyang ito. kapag gumising siya ay sabihin mong kapatid mo siya, naiintindihan moba, Chesa?" Tumingin sa mga mata niya ang kanyang tatay.




She bit her lower lip, ayaw sabihin ng tatay niya kung ano ang nangyayari.




Tumingin siya sa second floor, sa pinaka dulong kuwarto malapit sa balkonahe.




May babaeng hindi niya kilala... pero kailangan niyang sabihin na kapatid niya ito.






JANNALISTIC

Submissive [Completed]Where stories live. Discover now