S2 Chapter 5

153 9 0
                                    

ROSIANNA




"Anong sinasabi mo? hindi Rosianna ang pangalan ko." Naguguluhan kong sabi sakanya, he looks frustrated, hindi padin siya makapaniwalang kaharap niya ako.

Teka, sino ba siya?

"Rosianna, It's me Hayden!" He said, My forehead creased, hayden? I don't know any hayden.

He covered his mouth, paulit ulit niya akong tiningnan mula ulo hanggang sa paa, his forehead creased.

"You're real." He met my eyes.

"You're alive..." He said in amusement, Takang taka akong tumingin sakanya, ang alam ko ay never kopa siyang nakita.

"Sino kaba? Aalis nako." Malamig kong sabi, kailangan konang bumalik sa loob dahil walang katulong sila Liana.

"Are you working there? H-how?" He even asked! hindi ko siya sinagot dahil hindi ko naman siya kilala.

"Hayden!" Biglang lumapit si ate chesa samin, her forehead creased, hindi niya ata napansin na sumunod ako sakanila, yumuko ako at tumalikod na, dire diretso akong bumalik sa loob, narinig kopang tinawag nung lalaki yung pangalan ko pero hindi nako lumingon pa.

Ang kumakanta na ngayon ay si Sebastian, katulad ni Iñigo ay maganda din ang boses niya, kaya lang ay mas malamig iyon, napakagat ako sa ibabang labi ko at pumasok na sa kusina.

"Huy, okay kalang? Nawala ka." Kunot noo na tanong ni Liana nang makita ako.

I bit my lower lip, "Sorry, nag pahangin lang." I smiled.

"Ako na." Kinuha ko sakanya yung tray ng mga pagkain at ako na ang nag serve sa mga customers.

"Salamat!" Nakangiting sabi ni Liana dahil mas mabilis kaming natapos ngayong gabi, mabilis din kasi akong kumilos at halos ako na ang nagserve buong oras, ramdam ko ang pag nginig ng mga tuhod ko, nakakapagod din pala.

Nag paalam muna ako na lalabas, gusto kong magpahangin sa tabing dagat, madami pang tourists ang nakatambay sa labas, may mga post lights sa labas kaya maliwanag, pinalilibutan din ng mga ilaw ang Harmony's, naka play ang malakas na speaker kaya maingay.

Napangiti ako habang nakatingin sa dagat, pinapanood ang mga alon, hinangin ang mahaba kong buhok kaya napapikit ako, napaka sarap sa pakiramdam.

"Here." Napalingon ako nang may mag abot sakin ng chocolate drink.

"Ate." Napangiti ako at tinanggap iyon, ininom ko iyon.

"Are you okay?" She asked, "Hindi ba sumasakit ang ulo mo?" She asked.

Napangiti ako, "Okay lang ako, nasasanay na sa trabaho." Sa totoo lang ay kahit nakakapagod ang pag ta-trabaho rito dahil araw araw madaming customers, pero kada nakikita ko ang dagat ay mabilis na napapawi ang pagod ko.

Tumango siya, "Sabihan mo ako kapag sumakit ang ulo mo..." She bit her lower lip, "And when your memories start to come back." She said.

Tumango ako, "You will be the first person I tell." I said.

She smiled, "This is why I like you as a person." She said.

Mahina ko siyang tinulak, "Dapat lang! kapatid mo kaya ako." Natatawa kong sabi sakanya pero sumeryoso ang mukha niya.

My forehead creased.

"Are you happy being  part of our family?" She asked.

Hindi agad ako nakasagot, what's with the question? Naramdaman ko ang pag bilis ng puso ko.

"Pamilya ko kayo ate, syempre masaya ako." I said, she just nodded.

"Just tell me if you're not happy any more, I'll help you no matter what." She said and she came near me.

Submissive [Completed]Where stories live. Discover now